Chapter 4

30 4 0
                                    

"NUTRITION MONTH NA!!" sabi ni Jesica at iwinasiwas pa sa ere ang flag niyang may print na prutas

"oo nga kaya dapat malusog 'yang puso mo" asar ko sa kanya.

"haha lagi naman"

"teka nga lang, sasama ka ba sa parade?" Tanong ko.

"syempre drumer ang John ko" Jesica

Bigla namang umarko ang kilay ko sa sinabi nya.

"bakit kayo ba? kung maka 'John ko' ito" Asar ko sa kanya.

Natawa lang naman siya sinabi ko.

"Anong event ang sinalihan ?" tanong nya sa akin, habang nakikisiksik sa upuan ko.

"Competition of mascot"ako

"ah..Galingan mo ah!? para sa batch natin." Bungisngis niya.

"Teka alam mo rin ba kung anong sinalihan nung crush mo?" Asar ni Jes sakin habang itinaas baba ang kilay.

"ano?" Tanong ko habang suot ang kunot kong noo.

"basketball"

"eh ganun naman lagi diba? Kaya may paliga pag nutrition month dahil parte din yun ng pagkakaroon ng mabuti at malusog na pangangatawan at syempre 'di mawawala dun ang cheering squad as we always expect."

"nahurt kana agad?" Asar ni jes at tiningnan ako gamit ang mapang-asar niyang mga mata.

"It's always been part of it , isn't it?"

"So inaamin mo na nasasaktan ka?"
Asar niya sa akin.

"Oy! Ma-mali ang iniisip mo" saad ko

Tiningnan naman niya ako na parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Ang tinutukoy ay 'yung paliga kada  nutrition month" patuloy ko

Binigyan naman niya ako ng tingin na suko na sya sa mga sinabi ko.

"Teka nga, si John anong sinalihan Niya?" Tanong ko.

Kanina niya pa kasi ako binabanatan kay Chris. Tumawa naman siya ng paputo-putol.

"Kasama din siya sa paliga mamaya" Saad niya at kinulikot ang buhok niya habang nakatingin sa taas ang mga mata. Nagmukha tuloy siyang si Sisa sa ginagawa niya

"eh si Sky, alam mo ba kung anong sinalihan nya?" Pahabol pa ni Jes parang siya pa ang excited sa akin.

Teka nga bakit din naman ako magiging excited? Nakakabwesit nga yung Sky na 'yun eh.

"hindi" wala kong pakialam na sabi pero patuloy parin akong nakikinig

"Sumali sya sa Nutrition Guy Pageant"  kinikilig na saad ni Jes.

"Edi mabuti" Wala ko paring ganang sabi.

"Yun lang ??" Dismayadong sabi ni Jes.

" Bakit may iba pa ba dapat?"

"alam mo, ikaw? masyado kang manhater"

"pagiging Manhater ba yun ? edi sana
hindi ako marunong magkagusto" sabi ko

"teka nga lang muna. Maliban kay John crush mo rin ba yung Sky na yun? parang napapansin ko na medyo kinakampihan mo pa sya kaysa sakin ah!?" pangungutya ko sa kanya.

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon