"Tahan na, George" Sabi ni Jes habang hinahagod parin ang likod ko.
Hindi ko parin mapigilan ang humikbi habang yakap,-yakap ko ang tuhod ko.
Nakita kong may tumigil na paa sa harapan ko dahil nakayuko ako pero alam ko na kung sino yun.
" George, tahan na" Sabi nya at pumantay para makita ko sya dahil sa hindi ko sya tiningala.
"We will win them back together" Chris
Tanging hikbi lang ang naisagot ko sa kanya.
" We need to fix things up" dugtong niya pa ay pinat ang ulo ko.
" Guys, nagbalot na pauwi sina Pareng Sky at Nat" balita ni John na natataranta na rin.
*****
Hindi ko alam ang mga susunod na nangyare, namalayan ko nalang na pauwi na kami nina Jes, John at Chris tulala parin ako sa kawalan, occupied ni Sky ang isip ko buong byahe.
Nang makauwi ako tinanong pa ako ni Mama kung kamusta daw ang bakasyon syempre ayaw ko naman syang pag-alalahin. Alangan naman sabihin ko na Ma dalaga na ang anak mo umiyak pa nga eh lumalandi na kasi.
Back to normal naman lahat maliban nalang sa trato nina Sky at Nat na hindi ako kinikibo. Normal ang klase pero 'di parin ako kampante sa trato ni Sky gayong magkatabi kami sa upuan.
Heto na naman ang mga luha ko na nagbabadya na naman, ang sakit palang ipagtabuyan at ibigay sa iba dahil ganun naman yun eh. Ganun ang nangyare sa Bicol, ibinigay na nya ako kay Chris at hindi ako nasisiyahan dun.
Napatingin ako sa direction nina Jes at John na nasa unahan. Ramdam ko rin kung paano sila mag-alala.
Sumenyas sakin si Jes kung okay lang ba daw ako kaya tumango ako. Wala akong ibang choice eh kung hindi maging okey. Kasalanan ko 'tong lahat.
*****
Break time na andito ako sa labas ng classroom, hinihintay ko si Chris sabi nya may pag-uusapan daw kami.
"Tara"
Nabigla ako nang sumulpot sya agad sa gilid ko, tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Huminto kami sa labas ng kitchen laboratory wala naman masyadong tao dito.
" Anong pag-uusapan natin" Sabi ko nang makarating kami dun.
"Tungkol sa atin"
Pinandilatan ko naman sya dahil sa gulat. Ibig bang sabihin payag na rin sya sa gusto ni Sky? Siguro kung gusto ko pa si Chris ngayon at wala si Nat sa buhay nya magiging masaya ako pero alam ko na may masasaktan ako lalo at si Nat iyon at alam ko din na hindi naman si Chris ang mahal ko kaya nalulungkot ako. Hindi ako madaya sa mga nangyayareng ito.
"Hindi yang iniisip mo, upo muna tayo sa bench" Sabi nya sabay turo sa bench na malapit sa amin. Sumunod naman ako sa sinabi nya at naupo, umupo rin sya sa tabi ko.
" George, kung nalilito ka parin hanggang ngayon, tungkol sa nangyari last vacation. Hayaan mo akong ikwento sayo lahat."
Tiningnan ko lang sya habang hinihintay syang magsalita.
"Nung grade school kami ni Sky nakita ka na namin, nang bumili kami ng siomai sa labas ng school. I didn't know na sa pagbili ng simpleng siomai na yun magmamamarka ka sa isipan namin. Unang nakakita sa'yo si Sky titig na titig sya sa'yo noon. I know him very well he never got interested to someone specially sa girls 'ni hindi ko nga yan narinig na nagkagusto o na baliw yan sa babae. But that moment alam ko na kung anong nararamdaman nya para sa batang babae na yun which is ikaw." Pahayag ni Chris at bahagyang napatingin sa akin yumuko naman ako.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Nalang
Teen FictionAlam nyo ba ang kanta ni Aiza Seguerra, Yung pakisabi nalang? Pakisabi nalang na mahal ko sya di na baleng may mahal syang iba yan yung gzto kong sabihin sa kanya na 'mahal ko sya' na 'gzto ko sya 'noon pa ,kaso hanggang tingin nalang ako sa kanya...