"Maybe it's intuition
But something's don't question
Like in your eyes
I see my future in an instant
and there it goes
I think I've found my best friend
I know that it might sound more than
a little crazy but I believe...I know I love you before I meet you
I think I dream you into life
I knew I love you before I meet you
I have been waitin' all my life"Hanggang dun nya lang tinapos ang kanta pero nagulat ako nang tumingin sya sa akin bigla at sinabing.
"I knew I love you"
Dug.. Dug..Dug
"Ha-huh?!" Utal kong sabi.
"Ah..Ano..ahmf yun dapat" sabi nya na pilit pinapakalma ang sarili.
Ang awkward na tuloy sana mas nilinaw nya ng maaga.
"..yun dapat yung sasabihin ko sa kanya" sabi nya at umiwas ng tingin saka nagkamot ng batok nya.
Sa twing ginagawa nya yun ay mas lalong nagiging cute syang tingnan.
"Aahh!! Gets ko na" sabi ko at ngumiti ng pilit, binalingan ko naman ang ibang pwedeng tingnan na nature para iwasan ang mga titig nya na mas nag le-lead sa akin na mahulog sa kanya lalo. Oo yun yung bagay na ayaw kong aminin sa sarili ko dahil ayaw kong umasa at masaktan dahil pagod na ako na laging ganun ang papel ko, magmamahal ako sa taong may mahal ng iba. Ito ang binigay sa akin ng Diyos ang magustuhan sya tanggap ko iyon pero hanggang doon nalang yun ayaw ko ng umasa ng paulit-ulit. Pagod na ako na laging ako ang unrequited, ayaw ko ng makigulo.
Alam ko sa sarili ko na mas malalim pa ang nararamdaman ko para kay Sky kumpara sa nararamdaman ko noon kay Chris. Ang hindi ko lang sya makita ay parang malungkot na araw ang meron ako. Kaonteng hindi nya pagpansin sa akin ay parang nagunaw na ang mundo ko at natatakot ako na baka dumating yung araw na pangarapin kong ako nalang sana ang minahal nya. Ayokong maging selfish. Ayoko!
Alam ko na ang kantang yun ay para dun sa babaeng matagal na nyang gusto.
"Okey ka lang, George?"
Tumingin ako sa kanya nang makabalik ako sa wisyo, di ko maiwasan na malungkot. Alam kong nakakatawa mang isipin na dati halos magbangayan na kami ni Sky pero sa kaunting panahon na sya yung naging sandalan ko sa lahat ng oras. Sya nga rin ang dahilan kung bakit dahan-dahang nakakalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Chris. Sya rin ang taong kauna-unang naging dahilan ng kabog ng puso ko. At ngayon palang inaamin ko na, na Oo mahal ko si Sky.
"Diba sabi mo noon, may ibang gusto si Someone?" pabaling kong tanong sa kanya para di na sya mag-alala sa katahimikan ko.
Bahagua naman syang natawa sa tinawag ko sa babaeng gusto nya noong gradeschool pa.
"Oo." Diretso nyang sabi.
"Sino?"
"A friend?"
Napakunot naman ang noo ko, may iba pa ba syang friend maliban kay Chris?
"Ang saklap naman" natawa naman sya sa sinabi ko.
"Siguro, pero kung para sa taong mahalaga sayo. Ayos lang ang magsakripisyo"
Napayuko naman ako sa sinabi nyang iyon, naiisip ko tuloy na pareho kami, gusto nyang mag let go para sa Someone nya ako naman willing na mag let go para sa kaligayahan nya. Ngayon, para saan ang pag let go? pero sabagay lahat naman masasaktan pag nagmahal.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Nalang
Teen FictionAlam nyo ba ang kanta ni Aiza Seguerra, Yung pakisabi nalang? Pakisabi nalang na mahal ko sya di na baleng may mahal syang iba yan yung gzto kong sabihin sa kanya na 'mahal ko sya' na 'gzto ko sya 'noon pa ,kaso hanggang tingin nalang ako sa kanya...