*CANTEEN*Nang makarating kami ay naupo kami pareho nina Jes at Nat. Nasa harapan namin sina Chris, Sky, at John.
"Pareng John hindi ba't may sasabihin ka? "panimula ni ChrisTumingin naman si John kay Jes, nakatingin lang din sa kanya si Jes pero agad ding umiwas ito.
Napatingin ako sa kanilang tatlo nasulyapan ko pang napatingin sa amin si Sky pero agad ding umiwas.
"Ano..Kasi..ahmf" Saad ni John.
Naiintindhan ko na bumebwelo sya, iniisip nya siguro na kung paano niya sisimulan.
Ilang sandaling katahimikan, walang may nagbalak na magsalita sa amin kahit kami ni Nat ay nagpalitan lang ng tingin. Habang si Chris naman ay pinupokpok ang mesa na parang ginawa nya pa itong drums. Dahil kahit siguro sya ay feel din ang awkward moment.
Magsasalita na sana ako para mabasag na ang katahimikan kaso biglang nagsalita si John.
"Jes"
Hindi ko alam ngunit hindi ko maipaliwanag ang saya at kilig na nararamdaman ko ngayon na dahil sa simpleng pagtawag ni John sa pangalan ni Jes, hindi ko rin maitatanggi na fan din nila ako simula grade seven pa kaso alam naman natin diba? Na hindi naman lahat sa love puro kilig may point din na masasaktan ka at oo nasasaktan din akong makita na nasasaktan ang kaibigan ko.
Bahagyang tumingin si Jes kay John pero nakahawak naman siya ng mahigpit sa palda ko. Akala niya siguro palda niya yung palda ko, inalis ko ng marahan ang kamay niya at inilipat iyon sa palda niya napatingin naman siya sakin na nagtatakha saka tumingin ulit kay John.
"Ba-bakit?"
Bumuntong hininga naman si John at diretsahang tinitigan si Jes sa mga mata.
"I'm sorry.. I'm sorry sa lahat ng ginawa ko."
Tumango lang si Jes sabay upo ng maayos.
"Don't have to worry about what you did before because you are already forgiven " Saad ni Jes at ngumiti.
Ngumiti naman si John sa kanya at yumuko.
"Sa wakas !! Pero 'di kami papayag na walang shake hands" Saad ni Chris na parang nasa sabungan.
Kinuha niya ang kamay nina Jes at John at pinagshake hands ito pero parang lantang gulay naman ang mga kamay nila.
"Ano ba yan, shake hands na!!" Sabi pa ni Chris na parang matatalo na sa sabong, natawa nalang ako sa kanya dahil para syang tatay kung magsalita.
Sinaway naman siya ni Nat dahil sa kakulitan nya at dahil na rin siguro sa aware si Nat na ilap parin sina Jes at John kahit nagkabati na ito dahil alam din ni Nat na may lihim na pagtingin si Jes kay John.
" Gawin niyo nalang Pare" Saad ni Sky na kanina lang ay hindi naman nagsalita.
Napatingin naman si John kay Sky na parang humihingi pa ng tulong at namumula pa ang tenga.
May something talaga kay John eh, nung celebration ng nutrition month ko pa siya pinaghihinalaan nang tumingin sya sa direksyon namin ni Jes.
Pero wala na siguro pang mas sa-something kay Chris sa kakulitan, hindi ko in-expect na ganito pala siya pag naclose mo na.
"Para tumikom na ang bunganga nito" Saad ni Sky at tinuro pa si Chris na nasa tabi nya.
Kumunot naman ang noo ni Chris sa sinabi ng kaibigan.
"Pasalamat ka talaga crush kita kahit hindi ka nanalo bilang Mr. Nutrition"
Saad ni Chris at nagpakaboses babae na naman at parang inaakit pa si Sky.
Kunot noo namang napatingin si Sky kay Chris ngayon na tawang-tawa sa mukha ng kaibigan. Sinabayan pa ng tawa ni John na parang humahalakhak na bruha natawa na rin ako sa tawa niya, parang hindi lang lalaki eh.
Parang wala na rin kaming pakialam sa mga tao na kumakain sa canteen.
"Tama na nga yan, para kayong mga bata eh. Ano? Kakain ba tayo o mag-aasaran?" Saway ni Nat sa kanila.
"Kakain Cupcake, syempre. Masaya lang talaga kami na bati na sina Jes at John" Sabi ni Chris na parang emcee pa sa pertahan.
Bumaling naman si Chris kay Sky at tinapik-tapik pa ang balikat nito, naweirduhan naman si Sky sa kanya dahil sa inaakto niya.
"at dahil dyan guys manlilibre raw si Sky" sabi ni Chris.
"ANO?" sabi ni Sky at pinandilatan pa si Chris.
"Diba? manlilibre ka?" sabi ni Chris habang tinataas baba ang kilay at ngumiti pa kay Sky.
Nagkatitigan pa sila sa mata na parang dun sila nag-uusap. Para tuloy silang mga alien sa asta nila.
"Alam mo Bro------" putol na sabi ni Sky.
"hindi pa..Hindi pa Bro"asar ni Chris.
Nakatanga nalang kaming apat sa kanila na parang mga bata.
"Well malalaman mo n, na ikaw ang bubutas nitong bulsa ko. Pasaway ka talagang Rodulf Christian Jalbuena III ka" nanggigil na saad ni Sky sa kanya at akmang pipiktusan pa sya.
"Bro naman!" Awat ni Chris at dinipinsa ang braso para di sya tamaan ni Sky.
" Ang sagwa na nga ng Rodulf pinagkakandalakan mo pa." Dagdag pa ni Chris.
"ok lang 'yan masagwa naman 'din naman mukha mo" natatawang saad ni Sky.
"grabe!! Grabe ka na Bro---"putol na sabi ni Chris.
"ANO? kayo na naman ang LQ?" tanong ni Nat sa kanilang dalawa habang nakapamewang at pinandidilatan pa sila. Kaya napatawa kami nina Jes at John sa kanila.
"kakain ba tayo o hindi?" Patuloy pa ni Nat at nagtaas ng kilay sa dalawa.
"kakain"sabay sabi nina Chris at Sky at nagpout pa.
Para tuloy silang mga bata na pinapagalitan ng nanay.
"ako na nga ang manlilibre" Saad ni Sky at tumayo na.
"wala namang may sabi na hindi ikaw ang manlilibre ah!?" sabi ni Chris na may angas pa.
" isa pa talaga Rodulf Christian Jalbuena III, titirisin na talaga kita" sabi ni Nat na mas lalo naming kinatawa nina John at Jes.
"pati ba naman ikaw cupcake . Bakit ba ang hilig nyong kompletuhin ang pangalan ko ngayong araw ha? ang sagwa ng Rodulf. Hah!" sabi ni Chris at nangiyak ngiyak pa.
Kanina pa ako natatawa sa pinaggagawa nilang tatlo pero sa tingin ko mas malakas ang tawa nina Jes at John.
"ang lalakas nyong tumawa ah sana kabagin kayo!." Sabi ni Chris at tinuro-turo pa sina Jes at John pero natawa lang ulit sila dahil isip bata talaga 'tong si Chris.
" Bat 'di nyo gayahin si George tahimik lang hindi ako pinagtatawanan" sabi ni Chris at ako naman ang tinuro nya, tumahimik naman silang lima at tiningnan ako.
Nakita ko pa sa facial expression ni Chris na nagmamakaawa na hindi ako tatawa pero nakakatawa talaga 'yung mukha nya para pa syang natatae.
"wwwaahahahahaha" tawa ko 'di ko na mapigilan kasi.
"George naman! ikaw nalang 'yung kakampi ko eh." Chris.
Tiningnan naman sya nina Sky na hindi pa nakakaalis at si John na nakaupo parin at sabay nilang tinuro at pinagtawanan na naman si Chris at mas lalo kaming natawa dahil para silang mga mangkukulam tumawang dalawa.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Nalang
Teen FictionAlam nyo ba ang kanta ni Aiza Seguerra, Yung pakisabi nalang? Pakisabi nalang na mahal ko sya di na baleng may mahal syang iba yan yung gzto kong sabihin sa kanya na 'mahal ko sya' na 'gzto ko sya 'noon pa ,kaso hanggang tingin nalang ako sa kanya...