"Magbibihis lang ako sa classroom andun kasi yung mga pamalit ko " sabi ni Sky.
Tumango nalang kami dahil alam naming hindi sya komportable sa suot nya.
"Sige dito na muna kami sa bench" sabi ni Chris.
Kaya naman ay naupo kaming lima at ganito ang posisyon namin , si Chris, Nat, Ako, Jes , at John napapagitnaan nila akong apat at himala nga rin na tumabi si John kay Jes ngayon.
"Cupcake, tigilan mo na yang pag ge-gay effect mo, sige ka! Matatamaan kantalaga sa akin". Paglalambing na may halong panghahamong sabi ni Nat kay Chris.
"Cupcake, alam ko namang hindi mo yun gagawin sakin eh. Love mo ko eh" Chris.
"I hate you" Nat.
"I love you" Chris.
"Ang cheesy na dito" banat ni John dahilan para belatan siya ni Chris.
"Inggit ka lang kasi wala kang cupcake" parang batang ni sabi Chris dahilan para batukan sya ni Nat na kinatawa naman nitong si Jes. Natapatingin naman si Chris kay Nat na parang tampo na tampo sya sa ginawa ni Nat sa kanya. Napangiti naman si Nat sa kanya.
"I love you too, cupcake" bawi ni Nat.
"Ito talagang cupcake ko" Saad ni Chris at niyakap si Nat.
Napaiwas nalang ako ng tingin, hindi ko parin pala kaya na makita sila na sobrang sweet sa isa't isa.
"Paring Chris ang tagal naman ni Sky" reklamo ni John.
"Hamo pare , baka nagpapapogi na naman yun" natatawang sabi ni Chris.
"Ang tahimik naman ni George" nabigla ako nang sabihin iyon ni Nat, bakit sa lahat ako pa ang napansin nya.
" Ha? Ano kasi.. Ang boring wala bang magkwekwento dyan?" Palusot ko naman. Dahil alam ko sa sarili ko kung bakit ako natatahimik dahil sa nasasaktan parin ako.
" Ok, magandang idea yan at para may topic let's talk about Sky." Excited na sabi ni Chris at nag-unat pa na parang handang-handa na syang bumugbog
" Cupcake! Alam nang wala dito yung tao " saway ni Nat kay Chris.
"Oo nga eh wala sya, 'di nya maririnig yung sasabihin kong kabulastugan" natatawang sabi ni Chris.
" Cupcake!" Nat.
" Sige Chris ikwento mo na, makikinig ako!!" Masiglang sabi ni Jes.
Sa wakas nakapagsalita din tong nasa bandang kanan ko akala ko hindi na eh dahil katabi nya yung crush nya.
" Ok..ok" Saad ni Chris at umayos ng upo.
"alam nyo ba kung bakit Sky ang pinangalan sa kanya?" Simula ni Chris na para bang si Kuya Kim.
"Hindi!! Bakit daw??"
Sagot nitong tatlong interesado sa kwento samantalang ako nakikinig lang sa kanila.
"Because he falls from the Sky" sabat ni Chris sa kanila na para namang makata.
Hindi ko in-expect may pagkabaliw din pala itong si Chris
"ANO??" Tanong nilang tatlo.
" Umayos ka nga Chris!". Saway ni Jes na parang naiinip na.
" Ito talaga, hindi naniniwala. Oo nga hinulog siya galing sa langit. Ewan ko nga lang bakit pogi parin 'yan ,ihinulog lang naman" Chris
" Cupcake, ayan ka na naman sa mga biro mo "
" Oo nga, corny naman" saad ni Jes na naiirita na.
"Haha,oo na aayos na. Actually one and only lang si Sky. Kaya ayun Sky ang pinangalan sa kanya , kasi noon sina Tito at Tita hirap silang magkaroon ng anak . So they both decided to go to Bicol" Chris.
Naglighten up ang mga mata ko, 'sa Bicol?'. Pangarap kong makapunta doon. Ang galing! nakapunta na pala ang mga magulang ni Sky dun. Eh si Sky kaya nakapunta na rin ba doon?
"San yun?" Jes
"Ah basta sa Bicol, hindi mo yun alam?" Chris
"Hindi eh. Di rin yun familiar" Jes
" Eh hindi ko rin alam kung saan yun" Chris.
"Cupcake??" Saway na naman ni Nat kay Chris at hinampas ito sa braso
" Joke lang. So yun nga pumunta sila ng Naga" Chris
"Kanina Bicol ngayon naman Naga. Ano ba talaga ang totoo Chris?" Iritang sabi ni Jes.
Napipikon na talaga siya sa kakulitan at kacorny-han nitong si Chris dahil halos magkasalubong na ang kilay nya sa inis.
"Syemre pagpasok mong Bicol punta kang Naga" Chris
" So parang located yung Naga sa Bicol?" Nat
"Opo" Chris
"Tapos ano yung nangyare?" Jes
"Ayun naging devoted sila ni Peñafrancia "Chris
"Ano yun??" Tanong ni Jesica
"Ano nga yun George, diba alam mo yung Peñafrancia?" tanong ni Chris sakin dahilan para mabaling Ang tingin nilang lahat sakin.
" Ah-- ako?" Sabi ko sabay turo sa sarili.
Tumango naman si Chris. Nag-aalinlangan naman akong sumagot dahil naco-confuse ako kung bakit alam ni Chris ang bagay na yun. Wala akong pinagsabihan na gustong-gusto kong makita ng personal ang patron maliban kay Mama at Sister Joyce.
"A-Ang Peñafrancia isa yang patron ng Bicol. Na laging dinadaos ang kapistahan tuwing September. Saka napakaganda ng type ng prosisyon nila dahil nasa may dagat kasama yung bangka at yung patron , saka bibigyan ka nya sa kung ano mang kahilingan mo kung ang mga kahilingan mong ito ay nakabubuti sa lahat basta nandyan lang yung faith mo specially kay God magagrant lahat yung wish mo" explain ko sa kanila
" Wow!! Ang galing" manghang sabi ni Nat.
"Oo nga" Jes
Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa
At ibinaling kay Chris ang tingin ko."Teka, Chris paano mo nalamang may alam ako tungkol sa Peñafrancia?" Hindi ko na mapigilang itanong sa kanya.
"Ano..ahmf..ano .. kasi-------" Saad ni Chris at napakamot sa ulo.
Naramdaman ko naman na parang may kung anong sobrang sakit na dumapi sa balat ko.
"ARAY!!" Hiyaw ko.
Kinagat pala ako ng lamok nasandalan ko tuloy si Jes. Bigla naman akong nagtakha nang tumakbo sya matapos ng insidenteng yun.
???
wala akong maisip na dahilan bakit tumakbo yun.
"Anong nangyare dun?" tanong ni Chris at tinuro si Jes na naglalakad papalayo.
" Ewan ko nga rin eh, baka----" naputol nalang ang sasabihin ko nang marealize ko na baka nasaktan ko sya sa pagsandal ko sa kanya.
" Puntahan nalang natin George" Saad ni Nat
"Tara" saad ko at tumayo na.
Sinundan namin si Jes na dumaan sa likod ng room ng freshmen.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Nalang
Teen FictionAlam nyo ba ang kanta ni Aiza Seguerra, Yung pakisabi nalang? Pakisabi nalang na mahal ko sya di na baleng may mahal syang iba yan yung gzto kong sabihin sa kanya na 'mahal ko sya' na 'gzto ko sya 'noon pa ,kaso hanggang tingin nalang ako sa kanya...