Ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag nya ang pangalan ko."Bakit?" tanong ko habang hindi pinapahalata ang gulat dahil sa pagtawag ng pangalan ko.
Nakikita nya kayang nasasaktan akong makita sina Chris at Nat ngayon na sobrang sweet sa isa't isa?
"namumutla ka" Sky
Napakunot naman ang noo ko, bakit naman ako mamumutla? Pero kung totoo man isang malaking himala na nakita ko kung paano siya maconcern sa isang katulad ko na lagi nyang binubwesit.
Buong buhay ko gusto ko lang naman na makita o makilala ni Chris at heto na nga nanyayare na iyon and I shouldn't have to ask God na masuklian pa ni Chris ang nararamdaman ko dahil kailangan ko nalang dapat na makuntento na hanggang dito na lang ako alam ko namang may mahal na syang iba eh.
"ah--na-nagugutom na kasi ako.Oo tama nagugutom na ako" palusot ko.
Hayss gusto ko ng sapakin ang sarili ko dahil masyadong halata na nagsisinungaling lang ako, ganito ba talaga pag may gusto kang tao nagkakasala ka. Katulad ngayon nagsinungaling pa ako.
"Bakit di ka ba kumain kanina?" Sky.
*Gulp*
What to do? Nagsisinungaling lang ako. Bakit ba kasi sumakay pa sya sa trip ko, maiisip na naman ako ng ibang palusot. Tiningnan ko sya ng mabuti malungkot ang mga mata niya. Kung kanina lang sinusungitan nya ako, ngayon naman bumabait na sya. May problema nga talaga ang isang to.Pero masaya ako, dahil kahit papaano ay nakikita ko ang side na yun sa kanya. Alam ko namang may tinatago rin syang kabutihan eh.
"ah-----" nag iisip pa ako ng pwedeng sabihin. Hayys! sinungaling na ako.
Lord, please forgive me
Have mercy on me.Hindi ko talaga intention to.
"Sandali lang guys" Saad ni Sky dahilan upang mapatingin sina John,Jes,Chris at Nat na nag-uusap sa kanya.
Dahil sa kaniya naiwasan kong magsinungaling ngayon ko lang naisip na bagay nga sa kanya ang pangalang Sky, na maire-refer ko sa Heaven o Paradise dahil ginawa syang instrumento ng Diyos para wag na akong magsinungaling ulit.
Thank you God.
"Oh, bakit Bro?" tanong ni Chris at tumingin sakin ngumiti lang ako sa kanya ng mapakla.
"Dadalhin ko muna si George sa fastfood." Saad ni Sky dahilan para magulantang ako sa sinabi nya.
Teka nga ano bang pinagsasabi nya ?
"o-ok" sabi ni Chris na tila nagtatakha rin sa kaibigan nya.
Maaring nagtataka nga sya dahil namumutla nga raw ako pero bakit pupunta ng fastfood, diba dapat sa clinic?
"Maiiwan ako rito??" gulat na tanong ni Jes.
"We're here Jes, hindi ka naman nag-iisa eh" Saad ni Nat at tinapik pa ang balikat ni Jes.
"sige Pareng Sky, dalhin mo na si George.Mukha nga syang namumutla" John, Ewan ko bakit parang nasa mukha ni John na nage-gets nya ang sinabi ni Sky.
"Tara!" sabi ni Sky at hinatak agad ako hindi man lang nya hinintay na sasagot ako ng 'oo o hindi' basta kung nakahatak nalang sya gora na!
"teka nga! san ba tayo pupunta?" tanong ko nang medyo makalayo na kami sa kina Jes.
"wag ka ng maraming tanong sumakay ka na" sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan nya.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Nalang
Teen FictionAlam nyo ba ang kanta ni Aiza Seguerra, Yung pakisabi nalang? Pakisabi nalang na mahal ko sya di na baleng may mahal syang iba yan yung gzto kong sabihin sa kanya na 'mahal ko sya' na 'gzto ko sya 'noon pa ,kaso hanggang tingin nalang ako sa kanya...