Chapter 9

26 3 0
                                    

"Jes, Anong nangyare?" tanong ko sa kanya nang madatnan namin syang umupo sa bench sa likod ng room ng mga freshmen.

"Wa-wala" Saad ni Jes habang di nakatingin sa akin.

"Baka nagalit ka sakin kasi nasandalan kita" malumanay kong sabi.

"Hindi.. Hindi yun, George"  dahilan niya at winasiwas niya ere ang kamay niya para maconvince nya kami na hindi iyon ang dahilan kung bakit nagwalk out sya kanina.

"So ano nga yung nangyare?" Tanong din ni Nat.

"Si John" simpleng saad ni Jes

" SI JOHN!!!!?" Gulat na sigaw naming dalawa ni Nat at nagpalitan pa kami ng tingin at sabay na napatingin ulit kay Jes.

"Bakit anong ginawa ni John?" Tanong ko habang naupo sa tabi niya.

"Wala" nag-aalinlangan nyang sabi.

"Sabihin mo na, ano ba ang ginawa ni John." sabi ko

"Wala naman pero masakit lang kasi at ang sakit-sakit na kasi "  saad ni Jes at nakita kong may tubig na lumandas sa mga mata niya. Naramdaman ko namang naupo na rin si Nat sa tabi nya at nakikinig.

"Ano ba talaga ang nangyare?" sabi ni Nat.

"Pagod na akong ipakita na ayos lang sakin na iniiwasan niya ako na para bang may nakakahawa akong sakit. After all kasalanan ko rin naman eh, pinipilit ko na mapalapit sa kanya kahit ayaw niya " malungkot nyang sabi.

Kahit ako ay napayuko na rin, sinabi ko kasi sa kanya na tumabi pa kay John. Hindi ko rin maiwasang isipin na may kasalanan din ako kaya nya nararamdaman lahat ng ito.

"Pero may mas sasakit pa pala roon .." Saad niya habang umiiyak.

Hinintay lang namin syang magsalita ulit.

" Yun ay ang itulak papalayo. Ayoko na George, ayoko na sa nararamdaman kong ito" sabi nya at tuluyan na ngang humikbi, niyakap naman namin sya ni Nat.

Pwede na ring sabihin na mababaw ang dahilan niya pero kung magiging broad lang tayo sa kung anong nararamdaman ni Jes ngayon, masakit dahil kahit pride niya ay nilunok nya para lang makita sya ng taong crush niya pero crush pa nga ba ang matatawag nito kung nakikita kong umiiyak na sya ngayon at ang dahilan ng mga luhang iyan ay si John, sa tingin ko hindi na iyan paghanga dahil umabot din ang feelings nya kay John ng halos tatlong taon. Mahal na niya si John at sa situation niya ngayon mabigat sa loob na pinagtataboy ka palayo ng taong mahal mo.

"Madali lang iyang sabihin Jes but it's really hard to do it" Saad ni Nat.

"Kalimutan nalang natin yun , baka wala lang yun sa kanya baka ako lang yung nag-iisip na big deal yun."Jes.

Napatingin nalang ako sa kanya sabay tango.

"Basta ipangako mo na hindi ka na masasaktan" Saad ko.

Ngumiti naman sya at tumango sa akin.

Pagkatapos ng insidenteng yun hindi na sila nagpapansinan ni John, mas ayaw ko naman na nasasaktan 'yung kaibigan ko at kahit magkatabi lang silang dalawa hindi din naman sila nagpapansinan. Sina Sky at Chris naman hayun! Ok naman silang dalawa, madalas na rin kami nag-uusap ng maayos ni Sky magkwekwentuhan din kami kasama si Chris. Minsan din ay sabay kami nina Jes at Nat na gumagawa ng project.

At kapag nagpaplano sina Chris at Nat na magbonding kami ay iwas na rin muna ako lalo na tuwing recess, hindi na kami sumasabay kina Sky dahil alam rin naming kasama nila si John at masasaktan na naman si Jes dahil alam namin na migiging awkward din  ang lahat sa kanilang dalawa.

"Tara na George " Aya ni Chris sakin dahil recess time na pero umiling lang ako.

Gusto ko sanang sumama pero mas kailangan ako ng kaibigan ko.

"Pasensya na ha? Pero next time nalang" sabi ko

Mas kailangan ako ngayon ng kaibigan ko.

Tuwing recess na walang tao sa room maliban sakin at kay Jes at saka dun na magsisimulang lumalantak ng iyak si Jes.

"It's been a week since then" biglang sabi ni Sky na sumulpot nalang din bigla sa harap ko.

Tiningnan ko naman sya pero gaya ng dati umiwas na naman sya ng tingin. Hindi ko na talaga alam kung anong problema ng taong to.

"Ahmf , Chris pasensya na talaga. Next time nalang" sabi ko at bumaling kay Chris.

Nauna namang naglakad si Sky nang hindi man lang nagpaalam.

Eh bakit naman sya magpapaalam sa'yo George, nanay ka ba nya?

"Ok, next time ha? Wala ng tanggihan." Saad ni Chris na parang pinapa-assure ako.

"Titingnan ko"sabi ko

"Sige, Jes una na kami" paalam ni Chris at lumabas na ng room.

Nang nakaalis na sila pareho, wala ng tao sa loob ng classroom kundi kami nalang ni Jes.

"Jes" sambit ko, nasa nya lang kasi ako.

"Hmm?" Aniya at tumingin sa kawalan.

"Ok ka na ba?" Tanong ko

"Physically? Oo, but emotionally? Hindi ko alam. Bat ayaw nya sakin George? Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Tell me why??" Tanong nya sakin at umakting pa na parang si Liza Soberano agad ko naman inusog ang mukha nya papalapit sakin.

" ok ka na nga. Kamukha mo na nga si Maria Labo ready'ng ready na maghasik ng lagim oh" Saad ko habang natatawa sa kanya.

Sumimangot naman siya sakin saka hinampas ako sa balikat. Sadista talaga 'tong batang Ito.

" George naman eh!!" Pagmamaktol niya na mas lalo kong kinatawa.

"Oh? tingnan mo 'to" natatawa ko pang sabi sa kanya, sinamaan Naman niya ako ng tingin na mas lalo kong kinatawa.

"Pero seryoso, kung okey ka na.. harapin muna sya ulit hindi naman pwede na habambuhay kayong ganyan" Saad ko dahilan para mapaisip sya.

"Ehem!"
Napalingon kami pareho ni Jes sa pinto na kung saan nanggagaling ang boses.

"Nat!" Sambit ni Jes

Nakangiti naman si Nat habang pumapasok sa loob ng classroom namin.

"Hai Jes, Hai George" bati ni Nat samin sabay kaway.

"Hello" sabi namin ni Jes sa kanya, ngumiti na rin ako bilang pagbati.

"Actually kaya nandito ako dahil, hanggang kailan ta'yo magiging ganito? Hanggang kailan ta'yo hindi sabay-sabay na magrecess kakabuo pa nga lang ng barkada natin tapos ito na agad?" Nat

Napangiti naman kaming dalawa ni Jes sa kanya dahil sa tinuring na rin nila kaming barkada o kaibigan.

"I know what you feel right now Jes at alam mo na nakita ko iyon. Pero pwede pa naman bigyan ng chance ang lahat diba? Pwede pa kayong magkaayos ni John" Saad ni Nat habang may ngiti pa rin sa mga labi.

Tumango ako.

"Tama si Nat"  saad ko

Ngumiti naman si Jes sabay tango.

"So ano? tara na?" Saad ni Nat.

Tumango naman kami ni Jes sa kanya.
Naglakad na kami papunta sa canteen.

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon