TULA #3

9 1 0
                                    

"TAMA NA"

Nakasulat na naman ako ng tula
Isang tula dahil naalala kita
Naalala kita dahil ako'y nagiisa
Habang ikaw ay kausap siya at masaya

Sumagi sa aking isipan kung paano tayo nagsimula
Pero teka paano nga ba?
Naaalala mo pa kaya?
Siguro limot mo na

Limot mo na ang sa ating dalawa
Dahil iyon ay napalitan na
Napalitan na ang dapat ay tayong dalawa
Naging kwento niyo ng dalawa

Hindi ko pa rin maisip bakit sayo pa
Bakit ikaw pa?
Diba't iyan din ang iyong katanungan
Patawad, dahil hindi ko alam ang kasagutan

Pinilit ko naman
Sinubukan ko naman
Pinilit at sinubukan ko naman
Kaso hindi ko rin alam kung bakit ang hirap mong kalimutan

Hindi ako umaasa na babalik ka
Dahil ikaw na mismo ang nagsabi sakanya
Oo nabasa ko yung sinabi mo sakanya
Na ang sabi mo ay "wala ng babalikan pa"

Ang sakit, nadurog ako noong nabasa ko
Para kong isang baso na nabitawan ng may hawak nito
Ang sakit masampal ng mga salita
Mga salita na sayo nanggaling pa

Tama na ang pagpapakatanga sakanya
Dahil siya ay masaya na
Hindi ikaw ang mahal niya
Kaya tumigil kana

K W A D E R N OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon