"KAPAG DUMATING YUNG ARAW"
Minsan napatanong ako sa sarili ko
Sa paglipas ng mga taon sino pa kaya yung mga nasa tabi ko?
Sino pa kaya yung handang makinig sa mga kwento ko?
Sino pa kaya yung makakasama ko?
Makukumpleto pa kaya kami ng mga kaibigan ko?
Iilan lang yan sa mga tanong na naitanong ko sa sarili ko
Na alam ko ako lang din makakasagot sa lahat ng itoLahat ng pumapasok sa buhay ko , mahal ko
Lahat din ng umaalis sa buhay ko , mahal ko
Bakit pati yung mga umaalis mahal ko?
Simple lang , dahil sa buhay tanggap ko na hindi lahat ng nakakasama mo
Makakasama mo hanggang dulo
May mga ilang mananatili
Ngunit bilang lang ito sa huliSabi nga nila
Habang nadadagdagan ang edad mo
Nababawasan ang mga kaibigan mo
Hindi ibig sabihin nito na hindi sila tunay sayo
Matuto kang tanggapin na hindi lahat ng kasama mo sa una, ay hanggang sa huli ay kaibigan mo
Dahil iyan ang realidad ng mundoKapag dumating yung araw na makita mo ang kahinaan ko
Mahal mo pa rin kaya ako?
Natatakot kasi ako
Baka iwan mo na akoKapag dumating yung araw na tapos na ko sa kolehiyo
Makahahanap kaya agad ako ng trabaho?
Hindi lang naman ito para sa sarili ko
Kundi para sa mga magulang ko na naging inspirasyon ko para magsumikap akoKapag dumating yung araw na magipit ako
Kaninong pintuan pa kaya yung bukas na matatakbuhan ko?
May magbibigay pa rin kaya ng tulong sa isang kagaya ko?
O sadyang habang lumilipas ang panahon, nakalilimutan kana rin ng mga taong natulungan mo?Kapag dumating yung araw na may iba ka ng gusto
Maaari bang sabihin mo
Pangako, hindi ako magagalit sayo
Wala akong isusumbat sayo
Hindi kita sisisihin kung bakit ba tayo naging ganito
May mga bagay lang akong sasabihin kaya sana ay pakinggan mo ang lahat ng mga 'to'Wag mo sanang kalimutan na minsan ako'y dumaan sa buhay mo
'Wag mo sanang balewalain lahat ng mga sinasabi ko sayo
'Wag mo sanang isantabi ang mga aral na itinuro ko sayo
'Wag mo sanang kalimutan ang mga araw na ating binuo
'Wag mo sanang kalimutan kung paano kitang napasaya sa paraang alam ko
'Wag mo sanang itapon o patayin sa apoy ang mga bagay ibinigay ko
'Wag mo sanang kalimutan kung paano kita binuo
'Wag mo sanang kalimutan na ako ang bumuo sayo, habang ako ngayon itong wasak ng iwan moMay isa lang sana akong hihilingin mula saiyo
Huwag kang mag alala huling pakiusap ko na 'to sayo
Iparamdam mo ulit sa akin kung anong pakiramdam na makulong ulit sa mga bisig mo
Kahit hindi na tunay ang nararamdaman mo
Hayaan mo sanang maramdaman ko ang mga init ng yakap moHanggang sa huling pagkakataon
Bago mo ko iwan sa kinatatayuan ko ngayonAt dumating na ang araw na aking kinatatakutan
Na ang aking mahal ay hinihingi na ang kanyang kalayaan
Wala akong magawa kundi siya ay aking pagbigyan
Baka nga dahil hindi na ako ang kanyang kaligayahan
Kaya kahit masakit at ayoko siyang bitawan
Wala akong magawa, dahil kita ko sakanya kung gaano na siya kahanda para ako ay iwanBumitaw ako sa kanyang mga kamay
Oo, ako na ang bumitaw
At unti - unti na siyang naglakad palayo
At tanging sa hangin ko na lang nasabi ang mga katagang "mahal na mahal kita, mag iingat ka"
Kasabay ng mga luhang kanina pa gustong kumawalaKapag dumating yung araw na kung sakaling magkita tayo
Isang ngiti mo lang, ayos na ako
Makita ko lang ulit yung nga ngiting kumukumpleto sa araw ko
Noong sa akin ka pa, at hawak ko pa ang kamay moBigla akong napatingin sa mga kamay ko
At bigla akong napatanong sa sarili ko
Nasan na ang mga kamay mo,
Dinasal ko pa naman na sana hindi ka bumitaw mula sa pagkakakapit mo
Kaso mukhang hindi niya dininig ang mga dalangin koDarating din ang araw na magiging masaya ako ,
'Wag kang mag alala mahal ko