"BAWAL NA PAG IBIG"
Sa tuwing magkasama tayong dalawa
Walang humpay ang saya
Ngunit nandoon pa rin ang pait sa aking nadarama
Ewan ko ba kung bakit hindi tayo pwedeng dalawaDahil ba dapat pag aaral muna?
Dahil ba masyado pang maaga?
Dahil ba sabi ni mama at papa na bawal at huwag muna?
Pero ang hirap pigilan ng nararamdaman
Sa tuwing magkasama tayo at masayang nag kukwentuhan
Nandon ang aking kaba na baka may makakita sa ating dalawaPatawad kung kailangan muna nating magtago
Itago kung ano ang meron tayo
Pero mahal wag ka sanang magsawa kahit tayo ay ganito
Wag mo sana akong pagsawaan
Hayaan mo kapag pwede na ipapakilala kita
Hindi lang ipapakilala kundi ipagmamalaki paPa, sorry kung palagi akong umaalis at palagi kang nagagalit saakin
Kung bakit hindi ko sinasabi ang totoo kung sino ang aking kasama
Kung bakit ngumingiti akong parang timang kapag hawak ko ang aking telepono
Kung bakit panay ako bili ng bagong mga make up at naiinis ka dahil puro pampaganda na lang
Kung bakit hindi ko na kayo nakakasama sa pag sisimba tuwing Linggo
Kung bakit minsan pinag aalala ko pa kayo ni mama dahil gabi na at marami pa kong ginagawang gawaing pang eskuwela
At kung minsan sunod sunod pa ang aking mga alis at ang hirap ng magpaalam
Pero Pa, kahit ganito ako kapasaway sa inyo mahal na mahal ko po kayo
Dahil ikaw ang unang lalaking minahal at mamahalin koMa, siya kasi ang dahilan kung bakit ako palaging umaalis
Kung bakit ako palaging ngumingiti na parang timang kapag hawak ko ang telepono ko
Siya nga pala ang dahilan kung bakit ako umuuwing masaya dahil nakasama ko siya
Siya nga pala yung dahilan ng aking pag aayos dahil gusto ko lagi akong maganda kapag kami ay magkasama
Siya nga pala yung kasama kong magsimba tuwing linggo kaya kung minsan hindi nako nakakasama sainyo
Siya nga pala yung kasama ko sa gala bukod sa mga kaibigan ko
Siya nga pala yung nag aalala rin saakin kapag gabi na at may tinatapos pakong gawaing pang eskuwela
Kung minsan pa ay sinusundo niya ko sa kung saan kami nag ensayo para sa nalalapit na paligsahan na lalahukan namin sa paaralan at ihahatid lang hanggang kanto dahil baka makita niyo
At higit sa lahat siya nga pala yung lalaking pangalawang lalaking aking mahal at tinuring akong prinsesaAlam kong pag aaral muna sa ngayon
Pero siya ay aking inspirasyon
Mga pangarap na aming imahinasyon
Sabay naming liliparin at tutuparin pagdating ng panahon
Hindi ako magpapabaya
Dahil ang turo niyo saakin ay matutong magpahalaga
Alam kong edukasyon ay mahalaga
Kaya't sabay kaming mag aaral at magtatapos para may mapatunayan sa inyo mama at papa
Huwag po kayong mag alala madami po akong natutunan sa mga nauna
Kaya po ngayon ako ay hindi na tanga