TULA #6

13 1 0
                                    

"KAKAYANIN KO"

Nag iisa sa gitna ng daan
Patungo sa lugar na di alam kung saan
Sumabay pa ang malakas na ulan
Lumuluha pati ang kalangitan
Sa sakit na kanyang nararamdaman

Naguguluhan
Nagtatanong

Saan nga ba patungo ang daang ito
Nagpatuloy sa paglakad
Nanakit na ang mga paa
Ngunit hindi pa rin nakararating sa paroroonan
Walang masakyan
Napaka misteryong lugar

Nagpatuloy pa
Nagbakasakali
Kahit nasasaktan
Kahit nahihirapan

Kinakaya ang sakit
Ang pait
Ang hapdi
Ang kirot

Kumaliwa ka
Kumanan ka
Diretso lang
Nasan nga ba daan
Naguguluhan ng naguguluhan

Ibat ibang tao
Ibat ibang daan
Ibat iba ang sinasabi
Ngunit hindi ko pa rin alam

Nakakatakot maligaw
Sa lugar na hindi ako pamilyar
Ngayon lamang ako nagtungo dito
Ngayon ko lamang natuklasan ito

Para akong nabubuhay sa isang bangungot
Maaari bang gisingin mo na ako
Hindi ko na kaya
Ako'y nanghihina

Hanggang sa ako ay sumuko na
Napagod at nagpahinga
Mga luhang gustong kumawala
Dahil halo halo ang emosyon na aking nadarama

Naiwan na naman akong mag isa
Akala ko kamay mo ay hawak ko pa
Ngunit hindi na pala
Dahil ika'y umibang daan na

Akala ko magkasama parin tayo
Bakit mo ko iniwan sa lugar na ito
Mahal, natatakot ako
Maaari bang yakapin mo ko
Ituro mo naman ang direksyon pabalik sayo
Kahit mahirap ay kakayanin ko
Kakayanin ko makabalik lamang sayo
Kahit alam kong masasaktan lamang ako
Mahal, sabihin mo kung saan
Ituro mo saakin ang tamang daan
Kahit nakakalito at nakakaligaw

Ngunit sa simula pa nga lang pala
Ikaw ay hindi ko na kasama
Sa aking paglalakbay ay ako nga lang pala
Sa daang madilim ay ako lang mag isa

Nagbago ang aking isip
Pinunasan ko ang aking mga luha
Tumayo mula sa pagkakapahinga

Kisap matang nilisan ang lugar na kawalan
Umiba ako ng daan
Kinalimutan ang aking dinaan
Pinangalanan ko iyong lugar ng kalungkutan
Dahil doon ako ay iyong iniwan

Nakakapanibago
Hindi ako sanay
Ngunit kailangan kong masanay
Masanay ng walang ikaw

Nagpatuloy ako sa paglalakbay
Unti unti ko ng nakikita ang dulo ng daan
Ang mahiwagang katapusan
At sa wakas, matatapos na ang aking kahibangan
Unti unti ng nagiging maliwanag sakin ang lahat
Ngunit isang araw bigla kang nagparamdam

Bakit ngayon pa
Bakit ngayon pa na ako ay okay na
Bakit ngayon pa na kinakaya ko na
Bakit ngayon pa na kinakalimutan na kita

Nasan ka nung mga panahong ako'y nagiisa
Nasan ka nung mga panahong ako'y lumuluha
Nasan ka nung mga panahong kailangan ko ng kausap
Nasan ka nung mga panahong mahal na mahal pa kita
Nasan ka ha
Nasan ka!?

Patawad, dahil kahit lumuha kapa ng dugo
Puso ko'y di mo na mapapaamo
Pagod nako
Suko nako
Hindi dahil mahina ako
Kundi dahil kinaya ko na ang lahat ng pagpapasakit mo
Ang lahat ng sakit, hapdi at kirot ay kinaya ko
Puso ko na ang napagod at sumuko
Narating ko na ang dulo

Panahon na siguro
Panahon na siguro para sarili ko naman
Sarili ko naman ang intindihin ko
Puso ko naman ang ingatan ko
Sarili mo lamang ang makatutulong sayo
Kung gusto mong makalimot sa isang tao

Kakayanin ko ng wala ka
Kakayanin ko ng tanggihan ka
Kakayanin ko ng kalimutan ka
Kahit na alam kong hindi ko kaya

Pero kakayanin ko
Oo kakayanin ko
Kahit alam kong mahirap
Kahit alam kong matagal

Lilipas ang pagkakataon
Magiiba ang agos ng panahon
Maraming hindi aayon
Hindi man sa ngayon
Ngunit ako rin ay makakabangon

K W A D E R N OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon