"PAMBURA"
Gusto kong bumalik sa panahon na tinuturuan akong magsulat
Magsulat ng mga linyang patayo at pahiga
Mga linyang paalon at pakurba
Pati na rin sa kung paano isulat ang Carmina Alexandra
Na tanging lapis ang gamit upang madaling maburaKung pagiging malaya lang pala ang siyang hiling mo
Sana nung una pa lang sinabi mo
Na ayaw mo ng ganito
At ganyan na pala ang nararamdaman mo
Hindi ako manghuhula sa Quiapo
Sa bawat araw na lumilipas
Nararamdaman ko'y kumukupas
Sa bawat pambabalewala
Damdamin ko rin ay nawawalaNasaktan mo ako
Kaya tiwala ko ay parang naging basag basag na plato
Hindi ko alam kung paano ko mabubuo
Akala mo ba madaling ayusin 'to?
Dahil sa pagpupumilit ko na mabuo
Ako lang din ang nasasaktan sa pag aayos nitoTotoo pala yung sinasabi nila
Na kung sino ang bumuo sayo
Siya rin ang wawasak sayo
Sinasabi mo na iniwan kita?
Oo sige , hindi ko 'yan itatanggi sa kanila
Bakit yung panloloko mo ba sa umpisa , sinabi mo Michelle Andrea?Kung nasaktan man kita
O nasasaktan man kita ngayon
Gusto kong sabihin na pasensya
Pasensya , paumanhin at patawad
Nasaktan mo muna ako
Bago kita masaktan ngayonKung hihilingin mong bumawi
Bakit ngayon mo lang naisipan?
Bakit ngayon ka lang gumagawa ng paraan?
Sana mayroon na lang na pambura
Pambura ng sakit na nadarama
Para hindi na tayo nasasaktan pa