"LUBID"
Mga kuliglig na nagmimistulang musika
Ang tanging naririnig ng aking tenga
Ngayong gabi ako na naman ay nag iisa
Nag iisa at walang kasamaSa isang silid na madilim
Bakit puro itim?
Bakit ako lang mag isa?
Bakit walang tao?
Tao po, nasan po kayo?
Ma , Pa? Nasaan po kayo?
Sunduin niyo po ako dito
Takot po akong mag isa dito
Di ko na po kaya
Tulungan niyo po akoPaano ako napunta sa ganitong kalagayan? Nilalamon ako ng kalungkutan
Nasan na kayo aking mga kaibigan?
Bakit wala akong masabihanMarahil kayo ay masaya
Kaya sige, hindi ko na kayo guguluhin pa
Ayokong pati kayo ay madamay pa
Baka hindi niyo kayanin kaya huwag naKamusta ang araw niyo mga mahal ko?
Maaari bang kwentuhan niyo ko
Kung paano natapos ngayon ang araw niyo
Makita ko lang kayong masaya, masaya na rin akoNaaalala ko pa,
Naaalala ko pa ang ating simula
Pero alam kong hanggang alaala na lang
Ang sarap lang alalahanin na lahat tayo ay masayaNaging masaya ako habang kayo ay kasama
Ngunit bakit ngayon kayo na lang ang masaya
Habang ako ay nag iisa
Akala ko ba walang iwanan , ano na?Patuloy akong hinihila ng lubid
Lubid ng kalungkutan
Dapat ko na bang wakasan?
Pagod na akong lumaban