"PASENSYA , NAPAGOD AKO"
Alas dose trenta na ng umaga
Ngunit tinatawag ako ng panulat at kwaderno ko
Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako inaantok sa mga oras na 'to
Pero noon nama'y sa ganitong oras mahimbing na ang tulog ko
Ang dami lang talagang tumatakbo sa aking isipan at konti na lang sasabog na ang aking nararamdamanHabang nakatingin sa liwanag ng buwan
At tanging ang naririnig ko'y tunog ng electric fan
Biglang natutula sa kawalan
Biglang sumagi sa aking isipan ang lahat ng ating pinagsamahan
Simula umpisa hanggang sa ating kwento'y natuldukanIkaw sana yung librong gusto ko maraming parte at edisyon pa
Ikaw sana yung tulang ayaw kong tapusin pa
Ngunit mahal bakit ni isang salita wala ng tumutugma
Bakit ngayon parang naubusan ako ng mga salita
Bakit hindi ko rin makuha ang tamang idyoma na babagay sa aking tulaPumikit ako
Nagpakawala ng isang malalim na hininga
Hinayaang damhin ang sakit
Na sa bawat pag alala puso ko'y parang naging damit na pinupunitHindi ako napagod sayo bilang tao
Napagod ako sa sistema ng pagmamahal na siyang pinaparamdam mo
Hindi ako napagod sayo iyan ang pakatandaan mo
Ayaw kong isipin mo na kaya kita iniwan kasi nakakapagod yung ugali mo
Ayaw kong isipin mo na kaya kita iniwan kasi hindi na kita mahal
Nakakapagod palang umabot ng mataas parang pride mo
Nakalimutan mo rin sigurong tao lang din ako
Nakalimutan mo rin sigurong napapagod din akoParang ayoko na idilat ang mga mata ko
Ayaw kong matapos ang gabing ito
Dahil alam ko paggising ko sa umaga , hindi na ikaw ang baby ko
Kaya hinayaang kong lumandas ang mga luha sa pisngi ko
Hinayaan ko rin ang aking mga paghikbi
Pinilit kong balikan ang ating huling masasayang sandaliSa bawat pambabalewala , damdamin ko rin ay nawawala
Sa bawat pag iyak , hinihiling ko'y may kasama akong alakAng akala kasi nila palagi tayong masaya
Ang akala kasi nila perpekto ang relasyon nating dalawa
Ang akala kasi nila okay pa talaga tayong dalawa
Ang akala kasi nila hindi tayo nag aaway sinta
Ang akala kasi nila hindi tayo nagkakaroon ng problema
Ayun kasi ang nakikita ng madla
Yung mga ngiti nating dalawa na akala nila sa mga labi nati'y hindi nabuburaPero pasensya kung napagod ako
Sa pagkakataong ito , hinayaan mo na lang mapagod ang sundalo mo
Isang beses ko lang sinubukang tumakbo palayo
Akala ko pipigilan mo ako
Nagkamali ako , hinayaan mo lang ako
Hinayaan mo lang akong lisanin ang mundong sabay nating binuo , kasama ng ating mga pangarap at pangakoPasensya kung nang iwan ako
Pasensya kung ako ang hindi tumupad sa pangakong "walang mang iiwan mahal ko"
Pero handa akong tanggapin lahat ng panghuhusga at sasabihin ng mga taong nasa paligid ko
Hindi naman siguro masama na piliin ko naman yung sarili ko
Dahil pakiramdam ko rin hindi naman na ako ang kasiyahan mo
Mas sasaya ka nga siguro sa iba hindi sa piling ko at mga kamay koNaaalala ko nung nakaraan may nagtanong sa akin,
Pusong mamon o pusong marupok?
Hindi ako nakailag don,
Gusto ko sanang isagot , miss pwede bang pusong durog?Pero alam ko , oo nasasaktan ka rin
Hilig mo lang talagang hindi ilabas ang iyong tunay na damdamin
Sinasarili mo lang ang lahat ng sakit
Dahil sabi mo sayo'y walang makakaintindi
Alam kong pinipilit mo lang din ngumitiNgunit mahal sa huling pagkakataon may gusto sana akong hilingin sa'yo
Tuparin mo sana yung mga pangarap mo kahit hindi na ako ang kasama mo
Nandito pa rin naman ako para sayo , depende na lang kung lalapitan mo ako
Nawala lang ang sa ating dalawa , pero hindi ka maaalis sa buhay ko dahil naging parte ka rin nitoSabi nila , ang ganda ko raw
Nahihiya ako kapag may nagsasabi sakin niyan
Pero kasi , ang gusto kong isagot sakanila
Ayaw ko maging maganda
Kasi kapag maganda ka awtomatik mahal ka nila kahit hindi naman talaga
Ayaw ko maging maganda
Ang gusto ko mahalin at bigyang halaga
Maiparamdam lang sakin yung mga katagang "takot akong mawala ka"
Teka ito , last na
Jejemon man kung pakinggan
Pero gusto ko rin yung , ako lang sapat na