"ABSTRAK"
Magulo
Maganda
Makulay
Hindi maintindihan
Ganyan bigyan kahuluganSa paglalakad ko patungo sayo
May kung anong nararamdaman ang aking puso
Gustong kumawala dito sa dibdib ko
Sa bawat pagtibok nitong puso ko
Ay ang sabik na mapapalapit ako sayoUnti unti
Dahan dahan
Natatanaw na kita
May kung anong kiliti ang aking nadamaNagtama ang ating mga mata
Kay tagal bago ko ulit ito nakita
Nagkatitigan ng ilang segundo
Sabay ngumiti ka sa akin mahal koTeka teka
Ako ba ang iyong tinitignan?
Ako nga ba talaga ang iyong nginitian?
Bakit parang may iba ka pang tinatanaw?Ang aking kilig na nadama
Napalitan ng pagtataka
Ang aking kilig na nadama
Napalitan ng kabaOo nga pala
Matagal ng tapos ang sa ating dalawa
At ako sa buhay mo ay napalitan na
Ngunit huwag kang mag alala
Suporta ko kayong dalawaNandito ako sa lugar na madalas nating puntahan
Nakaupo mag isa sa damuhan
Habang tanaw ko kayong dalawa
Salamat naman at ikaw ay masayaMagulo ,
Ang naging takbo ng ating istorya ay sadyang magulo
Dala na rin ng damdamin mong pabago bago
Mga desisyon mong para lang sa kasiyahan mo
At di mo inisip ang mararamdaman koMaganda ,
Magagandang alala
Na sa buhay ko ay iyong dala
Mga litratong nagpapaliwanag na kahit minsan tayo ay naging masayaMakulay ,
Aking mundong nawalan ng kulay
Unti unti ng ulit na nakukulayan
Dala ng mga taong nagbibigay saakin ng kasiyahan
Walang iba kundi ang aking mga kaibiganHindi maintindihan ,
Hindi ko man maintindihan
Kung bakit ilang beses kitang pinaglaban
Hindi ko rin mabilang
Kung ilang beses mong mas piniling lumisan
Ngunit ang akin lang naiintindihan
Na sa ating dalawa alam kong hindi ako nagkulang
Bakit ba pinaglaban ko pa ang dapat matagal ko ng bitawan
Nakakapagod din palang makipaglaban
Nakakapagod ka rin pala ipaglaban
Kaya minabuti ng ikaw ay aking bitawanMagulo
Maganda
Makulay
Hindi maintindihan
Ganyan ko bigyan ng kahulugan
Ang kwento ng nakaraang nagdaan