"KAPE"
Ako'y naggising sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata
Panibagong araw na bigay ng ating tagapaglikha
Almusal sa lamesa ay nakahain na
Pati kape ay nakatimpla naParang sa ating simula,
Maliwanag pa ang saating dalawa
Mga araw na puno ng saya
Wala mang bago dahil ikaw pa rin talaga
Sing tamis ng asukal ang pagmamahalan nating dalawaNgunit isang araw nagbago ang lahat
Ang dating simula ay magtatapos na
Ang dating puno saya ay puro away na
Dala ng hindi pagkakaintindihan nating dalawa
Hindi na masaya ngunit ayokong pakawalan ka
Ayokong makita kang hawak ng iba
Ayoko na makitang masaya ka sa piling ng niya
Ayokong may ibang hahawak ng kamay mo
Ayokong mawala ang kinang sa mga mata mo kapag kaharap mo akoNgunit wala akong magawa
Wala akong nagawa
Napakampante ako sa mga salitang "ikaw lang at wala ng iba"
At sa mga salitang "wala akong pakielam sa iba dahil ikaw lang ang mahal ko sinta"
Oo napakampante ako
Dahil tiwala ako sa mga sinabi moNaggising ako ng wala ka
Naggising ako na ako na lang mag isa
Pagkain sa lamesa ay may nakanda na
Ngunit ika'y tapos naAkala ko pa naman panibagong umaga na magkasama tayong dalawa
Umasa akong babalik tayo sa umpisa
Naniniwala ako na hindi pa ito ang wakas nating dalawa
Ngunit binibigyan mo ko ng dahilan para sumuko naDahan-dahan nang lumamig ang kapeng itinimpla.
Ang dating sobrang tamis,pumait na.
Binago mo nga ba ang mga sangkap.
O sadyang di ko na talaga malasahan ang sarap.Pwede bang ipagtimpla mo ako ulit?
Pakuluan mo ang tubig hanggang sa uminit.
Mapaso man ang mga labi ko sa init.
Kailanman hindi ko ito ipagpapalit.