TULA #12

9 1 0
                                    

"KAMUSTA? "

Gusto kong magsimula sa isang pangangamusta
Dahil matagal tagal na rin noong tayo'y nagkamustahan sa bawat isa
Isang kamusta ang simula ng ating pag uusap sinta
Dahil hindi ko na alam kung paano ka kausapin pa

Alam kong marami ng nagbago
Kitang kita ko naman ito saiyo
Mula sa pagkakatayo mo sa malayo
Tanaw ko pati ang mga matatamis na ngiti mo
Kita ko kung paano kuminang ang mga mata mo dahil kamay niya ay hawak mo
Ang laki na ng pinagbago mo

Ramdam ko ang sobra mong pagmamahal sakanya
Kita ko na sobra ang iyong pagpapahalaga
Halos lahat ng oras mo ay ibinubuhos mo sakanya
At kung paano mo banggitin sakanya ang salitang mahal kita ay sadyang kakaiba

Mahika ng pag ibig ay nasa inyong dalawa
Hindi ata bagay ang salitang kamusta
Ako siguro ang dapat tanungin ng kamusta
Dahil alam ko ngayong mas mahal mo siya

K W A D E R N OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon