"NAKITA KO NA ANG HALAGA KO"
Noong huling nagmahal ako
Nakalimutan kong mahalin ang sarili ko
Noong huling nagmahal ako
Mas inuna ko siya kaysa sa sarili ko
Noong huling nagmahal ako
Mas pinahalagahan ko ang mararamdaman moNgayong natauhan nako
Natatawa ako sa sarili ko
Di ko inakalang ganon na pala ang pagiging tanga ko
Pinagpilitan ko ang sarili ko kahit nasasaktan nako
Tinulak mo na ko pero nakakapit pa rin ako
Tinataboy mo na ko pero nanatili akoSa mga araw na lumipas
Nararamdaman ko sayo ay kumukupas
Puso ko'y tuluyan ng naging matigas
Pagmamahal ko sayo tuluyan ng napaspasNatuto akong tanggapin ang dapat tanggapin
Palayain ang dapat palayain
At dahil doon, unti unti ulit akong naging masiyahin
Mula sa mga durog na pira-pirasuhinAng dating pinapangarap ko
Ngayon ay bangungot ko
Ang dating mga pangako
Ay tuluyan ng napakoWag mo na kong balikan
Hindi dahil may iba na akong nagugustuhan
Hindi ba't iniwan mo na ko ng walang paliwanag o kung ano man
Wala naman sayo kung ako'y iyong nasaktanSa pagtakbo mo papalayo
Unti - unti mang tumulo ang mga luha ko
Agad ko ring pinunasan ang mga ito
At sabay bumuo ako ng isang pangako
Na hindi na ako iiyak muli sa maling tao