TULA #2

10 1 0
                                    

"KELAN KAYA? "

Kay sarap balikan kung paano tayo nagsimula
Sabay pang sinambit ang katagang mahal kita
Sabay sabing maghihintay kahit gaano katagal pa
Handang hamakin ang lahat para sa pag ibig nating dalawa

Mga araw na puro kilig ang aking nadarama
Hanggang pagtulog ito ang aking dala
Mga araw na parang tayo lang dalawaa
Na nabubuhay sa pangakong ikaw lang at wala ng iba

Ngunit mahal bakit biglang ika'y nagiba
Hindi ko mawari kung ano ba talaga
Wala na ang tamis sa ating dalawa
Imbis na mga bagong kwento ay bagong away na naman pala

Kelan kaya na matututo kang magpahalaga
Kelan kaya na ako muna bago siya
Kelan kaya na maramdaman kong ako lang talaga
Kelan kaya na babalik ang dating tayong dalawa

K W A D E R N OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon