"NABULAG AKO NG PAGMAMAHAL MO"
Sa muli nating pagkikita
Yayakapin kita
Hanggang sa hindi kana makahinga
Maiparamdam ko lang kung gaano ako kasabik sayo sintaNaaalala mo pa ba ang ating mga pangako
Na ikaw ay saakin at sayo ay ako
Na mag aaway lang pero hindi maghihiwalay
Na maghihiwalay pero magbabalikanMahal ako na lang ang nakakapit
Puso ko ay naiipit
Naiipit at ako ay pumikit
Sa aking pagpikit nakita ko ang iyong mukhang marikit
Mga ngiti mong ako ay naakitUmaasang magkaayos pa tayo
Na maibabalik pa ang salitang "tayo"
Kahit malabo
Umaasa akoHindi porket ako ang bumitaw ay hindi na kita mahal
Pinaglaban kita
Mali, pinaglalaban pa rin kita
Kumakapit at nakakapit pa rin ako
Kahit tinutulak mo na ko palayo
Pinili ko pa ring manatili sa piling mo
Kahit sakit ay siyang dala moNagmakaawa ako na bumalik ka
Pero mas pinili mong tumalikod na langTanga na kung tawagin
Nabulag ako ng pagmamahal mo
Dahil kahit harap harapan mo na kong niloloko
Nanatiling bibig at mata ay sarado