TULA #21

6 0 0
                                    

"MGA PANGAKONG NAPAKO"

Ito ulit ako nagbabalik , hawak ang panulat ko
Dala - dala ang kwardeno ko
Pakiramdam ko'y walang gustong makinig sa mga kwento ko
Susubok ulit sa pagsulat ng tula
Medyo napatagal ang aking pagpapahinga
Ngayon na lang ulit naglaro sa mga letra't mga salita
Dahil pati sa sarili ko'y nawalan ako ng bilib at tiwala

Gusto kong ibahin ang pagsulat ko ngayon
Gusto kong magsimula sa dulo ng kung anong meron tayo ngayon
Sadyang magulo , hindi natin 'yan maitatago
Puro sikreto,
Mga lihim na itinatago
Kilala mo pa kaya ako?
O may pumalit na sa pwesto ko sayo?

Ayoko ng ikwento ulit sa'yo ang simula
Sa kung paano tayo nagtama ang ating mga mata
Sa kung paano tayo ka intresado sa isa't isa
Sa kung paano tayo nagpalitan ng mga ngiti at tawa
Kung gaano pa katamis at katotoo ang salitang 'mahal kita'

Sa tuwing magkasama walang humpay ang saya
Hindi nauubos ang mga kwento sa isa't isa
Sa tuwing pag uwi , halik sa pisngi ang baon na dala
Pati na rin ang mga salitang 'mahal mag-iingat ka, magtext ka ha"

Ayoko ng ipaalala sayo kung gaano mo 'ko kamahal noon
Baka kasi pinagsisisihan mo ng minamahal mo ako ngayon
Pasensya kung nagkulang man ako sayo
Pasensya kung hindi man ako naging sapat para sayo
Hindi ko nakikita noon na dadating tayo sa ganitong punto

Sana hindi na lang natatapos ang simula
Na wala ka pang nililihim pa
Na sa bawat tanong kung sino ang kausap mo'y sinasagot mo pa
Dahil ngayon sagot mo na lang ay wala kahit alam kong meron naman talaga

Gusto ko lang maging totoo ka
Magsabi ka iintindihin naman kita
Sabihin mo kung ako pa ba o may iba na
Sabihin mo sa akin kung mahal mo pa ba ako o napipilitan ka na lang
At kakalimutan ko ang palaging sinasabi mo na "takot akong mawala ka"
Pati na rin ang nga katagang "mas masakit kapag nawala ka"

Oo sige kakalimutan ko ,
Lahat ng mga ipinangako mo
Gusto ko lang na mag usap tayo
Kausapin mo ako
Ayokong maiwan na namang blanko
Wala kang ibang maririnig kusa akong lalayo, pangako
Wala ng kukulit sayo
Ayokong maiwan ng walang sapat na dahilan

Ako yung palagi mo noong inuuna pero ngayon hindi na
Sa bawat pagtulak mo nanatili ako
Hindi ko alam na hinihintay mo na lang pala ang pagsuko ko
Dahil sabi mo ang pagiging malaya ang siyang gusto mo

K W A D E R N OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon