TULA #14

7 1 0
                                    

"HINDI NA TAYO BATA"

Tagu taguan
Habol - habulan
Patintero
Luksong tinik
Chinese garter
Luksong baka
Tumbang preso
Langit lupa

Ilan lang yan sa mga larong pambata
Nilaro mo rin ba?
Na tila ngayon ay wala na
Hindi na nila nilalaro pa
Dahil ngayon gadgets na ang hawak nila

TAGU - TAGUAN
Tagu taguan maliwanag ang buwan
Wala sa likod
Wala sa harap
Pagkabilang ko ng tatlo
Nakatago na kayo
Isa
Dalawa
Tatlo

Pero teka
Kailangan ko pa bang sumali sa larong ito
Eh matagal ko ng tinatago 'tong nararamdaman ko para sayo
Kailangan ko pa bang maghanap ng tataguan ko
Eh kahit naman siguro magtago ako
Hindi mo pa rin ako makikita
Hindi mo pa rin makikita kung ano bang halaga ko

Pero sige
Magtatago ako
Ikaw naman yung taya eh
Para maramdaman ko naman kung ano bang pakiramdam na ako naman yung hinahanap mo

PATINTERO
Kaliwa't kanan
Ako naman ang taya ngayon
Hindi tayo naging magka grupo
Pabalik balik ako sa linya ko
Nangangalay na ang aking mga braso
Pero pokus ko pa rin ay nasayo
Ikaw na lang kasi ang natitira sa grupo niyo
Lahat sila'y nalampasan nako
Sinusunod mo ang kanilang tinuturo
Pero hindi ako nagpapasindak sa bawat galaw mo
At sa hanggang nagkatinginan tayo
Nalampasan mo 'ko
Naiinis ako
Bakit ba pagdating sayo biglang nanlalambot ako

Time pers
Teka
Pahinga

At ito na ang huling laro
Na lalaruin natin sa araw na ito

HABOL - HABULAN
"Taya!"
Nataya ako ng kalaro ko
Takbo takbo takbo
Hanggang sa napagod ako

Pero hindi na ako ang taya sa pagkakataong ito
Hindi na ako ang taya
Ako naman ang habulin mo
Dahil sa pagkakataong ito
Pagod nakong makipag habulan sayo

Mga larong pambata
Na sa aki'y minsa'y nagbigay saya
Lalabas ng bahay na masaya
At uuwi ng mas masaya
Dahil kalaro ko sila

Pero bakit hanggang pagtanda
Ika'y nakikipaglaro pa
Hindi mo ba na enjoy ang iyong pagkabata
Kaya ngayon saakin ika'y nakikipaglaro pa

Lahat ng nabanggit ko sa umpisa
Lahat ng 'yan ay nalaro ko na
Noong ako'y isang bata

Pero hindi ko inaasahan na malalaro ko ulit ngayon
Mga larong naiwan na sa paglipas ng panahon

Naaalala ko noong bata ako
Kapag naglalaro ako
Katawan ko lang ang napapagod
Iinom lang ako ng tubig
Mapapawi ang konting pagod

Pero bakit noong ikaw na ang nagyayang maglaro
Nakailang litro nako
Pakiramdam ko,
Pagod pa rin ako
Pagod pati puso ko

Kaya ayoko na
Ayaw na kitang kalaro
Uuwi na lang ako
Uwian na
Hindi na masaya
Hindi na larong pambata ang hanap ko

Kaya kung yayayain mo ulit ako
Na makipaglaro sayo

Pasensya na
Hindi na tayo bata

K W A D E R N OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon