Chapter 2- Allison Striking Again

12.4K 347 10
                                    

Jack

Ano naman pakialam ko kung sinong palakang gubat ang may hawak ng korona nyo? Dinamay pa ako, dami-daming mission na maibibigay sa akin, yun pang boring ang binigay.

"Jacqueline...Wait." Tawag ni William sa akin. Binilisan ko pa ang lakad para maligaw si William at makarating ako sa mga kaibigan ko.

"Problema mo?" Siniko ako ni Zoey pagkaupo ko sa tabi niya. Ang gagong William, nasundan ako.
"Hi guys." Nakangiting bati ni William.
"Hi..." Bati ni Beth. Mukhang siya lang ang hindi sinusukat ng tingin si William. Maliban kay Cailee at Khal na tawa ng tawa.
"Your highness." Bati ni Khal kay William na lalong kinakunot ng noo ng mga kaibigan ko. Lalo na ang dalawang Sebastian.
"Would you please stop that Khaleesi," William said to her na lalong ikinatawa ni Khal.
"William, join us. Guys, siya si William. Hindi nyo na ba natatandaan?" Pagpapakilala ni Cailee.
"William Hart." Dagdag pa niya.
"William? Yung nang-indian kay Jack noong Prom?" Tanong ni Rome. Gago talaga 'tong taong to. Tumawa lang siya kahit binato ko ng lata.

Ang comical ni Carlos at Jon ng tumabi si William sa pagitan ni Allie at Beth.
"Guys, please meet Crown Prince William of Cordonia." Pagpapakilala ni Khaleesi. I rolled my eyes.
"Prince?" Sabay-sabay pa ang mga boys na nagtanong.

"Kidding aside, what brings you here, Your Highness?" Tanong ni Gab. Napakamot ng ulo si William.
"I need help in Cordonia. And you guys are the only people I can trust." Sagot ni William ng pabulong.
"I have already discussed it with Mr. Red Sebastian."
Tumango si Gab. "Let's not talk that in here."

Nakikita ko ang palitan ng tingin ni Cailee,Khal at Zoey.

"How did you guys meet?" Tanong ni Beth.
"At kailan nyo kami ipapakilala ni Allison?" dagdag pa ni Beth.

"Ako na... William, this is Elizabeth Mallari, girlfriend ni Jon. And the other lady is Allison Valerio, girlfriend ni Carlos. You have already met Gabriel, my husband. And the rest is still the same." Tahimik akong nakikinig umiinom ng kape habang nagkukwentuhan sila.
"Lady Elizabeth..." Bati ni William. Beth giggled that made Jon looked more like my dad. Glowering to the highest level.
"Lady Allison." Bati ni William kay Allie. Parang nakakain ng ampalaya si Carlos.
Nakakatawa silang tingnan kaya tumawa na ako dahil hindi ko na mapigilan.

"Kayong dalawang Sebastian..." Tinuro ko si Jon at Carlos.
"Triggered kayo ano?!." Natawa kami maliban sa dalawa.
"Hindi sila sanay na may royal blood sa paligid nila." Cailee said. Lakas ding mang-asar sa kapatid eh.
"Sila kasi ang equivalent ng British monarchy dito sa Pinas." Dagdag pa ni Khalna lalo naming ikinatawa. Si Beth ang lakas ng tawa, hinahampas pa ang braso ni Jon.

"Iniisip ko kung sino siya." Jon replied. "Hindi ko matandaan."
Really Jon? Magkunwari ka.
"Siya nga yung nang-indian kay Jack noong Prom." Ulit ni Rome. Binato ko ulit siya ng lata pero nakailag ang gago.
"Siya yung nakatalo kay Jack sa archery. Tama ba?" Tanong ni Zoey. Tumango si William.
"No way... nerd yun eh," Carlos commented.
"Ang bully nyo." Allie said to the boys. Tinaasan niya ng isang kilay si Carlos.

Nilahad ni Allison ang kamay niya kay William. Tinanggap naman ni William. Napailing na lang ako. Parang nakuryenteng bumitaw si William kay Allison.

"May reason naman pala bakit hindi siya nakasipot sa prom nyo dati." Allie winked at me.
"What was that?" Nagtatakang tanong ni William.
"Na-curious lang ako."Allie chuckled. "Hindi ko na uulitin."

Tumingin si Allison sa akin ng nakangiti... At ayaw ko ang klase ng ngiti niya.

---------------
A/N
Triggered ang dalawang Sebastian

Jack and the Prince of Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon