Chapter 26- The Second Chance Talk

10.7K 299 4
                                    

Jack

"Jack..."
Kinakabahan akong buksan ang kahon... Is this the box that Allison said William had?
"Jacqueline?"
Bakit ako nalulungkot? Bakit ako natatakot?
"Jacqueline!!!" Sigaw ni mama. Napatingin ako sa pintuan. Nakapamewang si mama habang nakakunot ang noo. "Aba, kanina pa kita tinatawag, nakamulala ka diyan sa kahon."

Nilapag ko ang kahon sa tabi ng kama ko, away from her eyes.

"Bakit, ma?" Tanong ko sa kanya.
"May problema ka ba?" Tanong ni mama.
"Wala po. Pagod lang. Gusto ko lang magpahinga." I replied.
She rolled her eyes. "Nasa labas sila Cailee. Kahapon ka pa daw nila tinatawagan."
"Patay ang phone ko. Nakalimutan kong icharge." I answered.
"Nasa labas sila. Lumabas ka naman sa kwarto mo." Iniwan ako ni mama

Maybe I need a drink, or two... Kailangan ko ng kausap. Hay, hindi ko gustong kausapin ang mga kaibigan ko but what choices do I have?

"Aba, Jackie... Isang linggo ka ng nagtatago sa bahay nyo, ah. May lagnat ka ba?" Bungad ni Khal sa akin paglabas ko ng bahay. Nakaupo sila sa damuhan sa harap ng bahay namin. Naalala ko, dating mini playground namin ito. Dito kami naghahabulan nila Gab kapag iniiwan siya sa bahay namin ni Tita Kath.
Nakiupo ako sa tabi nila. Malaki na ang tiyan ni Allison. At meron na rin malaking bato sa sing-sing niya.
"Nagpropose na ba si Carlos?" I asked her.
"Yup..." Tinaas nya ang kamay nila. "Although mukhang mapuputol ang daliri ko once isinuot ko ito sa labas ng Country Club." Sagot niya.
"Paano nagpropose?" I asked.
Sabay-sabay umikot ang mata ni Allison, Cailee at Khaleesi.
"Walang ka-effort effort." Sabi ni Khal. Natawa si Zoey at Beth.
"He just ask sabay ibinigay ang ring." Cailee said.
"Nasa vineyard pa kami nung time na yun. " Allison commented. "But seriously, it's not about the ring, it's about the person naman. Kahit anong proposal pa ni Carlos, it's a yes for me."
"Sus... Parang kailan lang pinagtatabuyan mo yung tao." Pangbabara ni Beth.
"Tumigil ka." Mabilis na sita ni Allison sa pinsan niya.

"Kumusta ka na, Jack?" Biglang seryosong tanong ni Zoey.
Natingin silang lahat sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko.
"Sino gustong uminom ngayon? Punta tayong Club Zero." Yaya ko sa kanila.
"Huwag mo kaming takasan." Khal holds my hand.
Kaya ayaw kong lumabas ng bahay eh.
"Jack, walang masama sa second chance." Simula ni Allison.
I rolled my eyes trying to lighten the mood.

"If I didn't give Gabriel a second chance, do you think I will be happy right now?" Cailee asked me softly.
"Those years that we separated are the hardest years for me."She added.

"I didn't give Rome a second chance... I gave him every chance... Over and over..." Zoey said. "Dahil paulit-ulit siyang magkakamali kaya paulit ulit ko siyang papatawarin."

"I married your brother for the second time and you know it. I gave him another chance because that's what we deserve. That's what I deserve." Khal said.

"Carlos and I had our second chance too... And look at us now...A baby is on the way." Nakangiting kwento ni Allison.

"Mine is more on a second chance to live a peaceful life... Where I don't need to be scared because I have a constant in my life." Nakangiting kwento ni Beth.

"Every one of us deserves a second chance, Jack. Hindi dahil nadapa ka minsan, matatakot ka na." Allie advised.

"Hindi ako natatakot." I lied to them.
"Then why you haven't opened that box?" Simpleng tanong ni Allison.
Ngumiti siya ng mapatingin ako sa kanya.

"At kung iniisip mo ang mga maiiwan mo dito? Well, lagi ka namang wala sa bahay, Jack... Hindi ka napipirmi dito. Ngayon ka lang naabutan ng sikat ng araw sa bahay dahil broken hearted ka." Khal pointed out. I scowled at her.

"Hindi ah." Tanggi ko ulit.

"Sus... Mauna na kami. Kita tayo mamaya sa Club Zero." Tumayo si Zoey at pinagpagan ang pantalon na suot.

"Buksan mo na ang kahon, Jacqueline." Isa-isa silang umalis ng bakuran namin hanggang sa maiwan akong mag-isa na nakaupo sa damuhan.

Daming alam ng mga ito?! Lalo na si Allison.

Jack and the Prince of Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon