Chapter 20- Sleepless Nights

9.6K 309 7
                                    

William

Habang hinihintay ko ang pinaka frame ng gagawin kong crown galing sa shop ko, kinausap ko muna si Cailee na saktong kasama si Khaleesi.

"Whatz up, Your Highness." Bati ni Khal.
"Kumusta na kayo ni Jack? Napaamo mo na ba?" Tanong ni Cailee. I snorted.
"Mukhang wala kayong ginagawa ah." Pansin ko sa kanila. Nakaupo sila sa tabi ng swimming pool.
"Pahinga namin. Oppsss... Nandito na ang mga girls..." Sabi ni Khal.
Jesus Christ, nagtawag pa yata si Khalessi... At nakita ko si Zoey, Allison at Beth na bagong dating.

"Hello Prince William." Bati ni Zoey saka tumawa. Nahawa na sa asawa niya.
"Kumusta na ang Lamborghini?" Tumatawang tanong ni Allison.
Tumawa rin ako. Hindi ko pa nga pala naasikaso ang utang ko.
"Well, nandito na kaming lahat. Ano ang maipaglilingkod namin sayo?" Tanong niCailee.

Bigla akong hindi makapagsalita. Bigla akong nahiyang magsalita... Nararamdaman kong namumula ang tenga ko.

"Naku William, magsalita ka. Hanggang ngayon torpe ka." Sabi ni Khal na lalong ikinapula ko kaya nagtawanan sila.
"William, everything will be fine," Allison said.
"Oh, yun naman pala. Makinig ka kay Allison." Sabat ni Beth.
"How it will be fine?" frustrated na tanong ko.
"Di ba sabi ko sayo nahanap mo na ang princess mo." Words of wisdom galing kay Allison.
Napa –OH ang ibang kausap ko bago nagtilian. Bakit ba sinusod ko ang payo niXykie?!

"She will come around kapag natauhan siya. Huwag ka lang susuko." Sagot ni Allie.
"I have limited time," I told them.
"Ah... yung Royal Law niyo." Sabi ni Allie. Napatingin ako sa kanya saka siya ngumisi.
Kinuwento ni Allison in accurate details ang problema ko sa ibang girls. Saan niya galing ang details na yun?
"Kailangan nating ipush is Jack." Tumatango-tangong suggestion ni Khal.

"Ibigay mo sa kanya ang wooden box," Allie suggested.
Naitakip ko ang kamay ko sa mukha ko.
"Your hands are tied with your law so it's up to her," Zoey said.
"Trust her. Let her go for a while but she will come around. Believe me." Allison said sincerely.
"Aalis siya?" Tanong ko. Pagkatapos ng Coronation...
"Para mabatukan namin dito at kami ang maghahatid sa kanya pabalik sayo." Sagot ni Khal.
"Manalig ka.... Manalig ka..." Kanta ni Beth. Hay, niloloko yata ako ng mga ito.

Saktong dumating ang frame para sa crown nang patayin ko ang video call. Niluhod ko ang sarili ko sa paggawa ng replica ng crown. Hinahatiran ako ng pagkain ni Mrs. Graham. Hindi ko na rin sinamahan si Henry sa secret room para matapos ko ang ginagawa ko kahit gustong gusto kong makita si Jacqueline.

Trust her... I need to trust her.

Dalawang gabi akong hindi natulog para matapos ko ang crown... At last, natapos ko ito ng Sunday morning. Meron pa akong time matulog bago ang event mamaya.

I called Xykie and asked her to connect me to Jacqueline.

"William?" Nagtatakang tanong ni Jacqueline. A smile formed on my face.
"Tapos ko na ang crown." I told her.
"Oh, good. Wala ako sa palace ngayon. Naghahanada kami nila Kiro. Please itago mo ang crown."
Napalunon ako bigla.
"Mag-iingat ka William. Henry and the guards are on alert." She said.
"Mag-iingat ka Jacqueline." Huminga ako ng malalim to calm my nerve. She will be fine. Trust her... Huwag kang praning William.

"See you later, then," I said instead.
"See you, William."

I still love you... But I didn't voice it out hanggang sa pinatay na niya ang connection. Damn, I need to sleep.

Jack and the Prince of Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon