Chapter 10- Chaperone

9.6K 298 5
                                    

Jack

Ang gagong si Rudolf, kailangan pang merong taong kasama si William at Lady Charlotte habang nag-uusap sila sa library. At sa kasamaang palad, ako ang nakita niya sa hallway para maging chaperone ng dalawa. Kaya ngayon, nakatayo ako sa may bintana ng library habang bumubulong si Lady Charlotte kay William at kinakaskas nito ang dede niya sa braso ni William.

Tumatawa si Xykie sa kabilang line.
"Daig ko pa ang nanonood ng foreplay ng porn." Sabi niya.
Biglang nilayo ni William si Lady Charlotte. Nagulat ang babaeng kasing puti ng alagang multo ni Allison. Kasing kulay ng buhok niya ang carrots na binabalatan ni Alice noong isang araw. At sobrang tigas ng pagkaka-ayos nito ng buhok na ang kulot ay parang spring na sa dami ng spray net. Hindi uubra ang maso ni Miley Cyrus para gawing wrecking ball ang ulo ni Lady Charlotte.

Nakita ko ang ear piece na nakasuot sa tenga ni William. Malamang narinig niya si Xykie sa mga comment nito.

"Buti na lang may bagong install na auto-translate sa system, naiintindihan ko ang sinasabi niya." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa. Nakita kong napangiwi si William.
"Que horror." Sabi ni Xykie.

Itinago ko sa pag-ubo ang tawa ko na kumawala. Pati si William ay lumabas na naman ang dimples sa pagpipigil ng tawa.

Tumingin ng masama sa akin si Lady Charlotte. Aba pati pala ang kilay niya, kulay orange!

I thought I was saved when the library door opened. But when I saw Theo with Alice, I got a bad feeling. Hindi maganda ang nabasa ko sa report tungkol kay Theo. Alam kaya ni William na ang paborito niyang pinsan ay baon sa utang?

"Hi, William. Can I exchange Jackie with this beautiful lady? I need a company in the garden." Nakangiting sabi ni Theo. Tinulak niya ng bahagya si Alice and he motioned me to come forward to him.

"It's fine, My Lord." Sagot naman ni Lady Charlotte.

Deretso ang tingin ko na lumakad papunta ng pintuan at sinundan si Theo palabas ng palasyo.

"How long do you work here?" Tanong ni Theo sa akin. Nauuna siyang maglakad kaysa sa akin.
"A week or so," I replied.
"I haven't met a servant who is fluent in English besides you." He said. He gave me his charming smile I guess.
"The weather is nice today, isn't it?" Tanong nito sa akin.

"Uh...seriously? He is asking about the weather?" Comment ni Xykie sa kabilang line.
Tumango naman ako kaysa supalpalin ang lecheng kumag na kausap ko.

"Jackie, if may I ask. Do you have a lover?" Biglang tanong ni Theo sa akin.
From weather to lover in a split second... Ano ang balak nito?
"I don't have, My Lord," I replied.
"Well, that is sad, isn't it? Because you are really beautiful." Sabi nito.
I force myself not to roll my eyes. I stay in my place... Thinking about what to do next.
"How do you find the palace?" Tanong ulit nito.
"It's very grand, My Lord," I replied.
"Do you sneak at night?"
"No."
"It will be fun to sneak at night. Say, later when everybody is sleeping?" Unti-unting lumapit si Theo sa akin. But I stay in my place.
"You come to my room and I will show you some...fun." He lowers his head and he taps his finger on my nose. I step back.
"I will pass on your indecent proposal. Good day." I replied.

Lumakad ako ng mabilis at nararamdaman ko siyang sumusunod.

"What the hell... Run Ate Jack." Xykie said so I run... And I heard Theo curse and run after me.
Tumakbo ako sa pagitan ng mga halaman at puno... Malayo na kami sa palasyo.

"Jackie." Sigaw ni Theo sa likuran ko. Tumakbo ulit ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko napansin si Henry. Nabunggo ko siya at natalisod ako sa paa niya, dahilan para gumulong ako sa lupa.

"What the bloody hell.." Henry said. My knees got some scratch and blood started to appear.
"There you are... Hi Henry. I will talk to Jackie for a while. Leave us." Sabi ni Theo.
"No..." Sigaw ko. Napatingin si Henry sa akin at nakita kong nanliit ang mata ni Theo.
"He is harassing me," I said.
Tiningnan ni Henry si Theo and he crossed his arms over his massive chest.
"Do not accuse me, lady. For I am the Marquees of Lancaster." Sabi ni Theo. Nawala na ang cool persona niya. Tumayo ako at tumingin ng deretso sa kanya.
"I don't care. Leave me alone and your indecent proposal." I replied.
"How dare you..." Itinaas ni Theo ang kamay niya at tatangkain akong sampalin.
"Theo... stop this at once. I will report this to the King. Lay your hand down." Sigaw ni Henry.
Nanlalaki ang ilong ni Theo na tumalikod at bumalik sa palasyo.

"Who are you, Jacqueline Lagdameo?" Humarap si Henry sa akin at naghihintay ng paliwanag.
"William is on the way, Ate Jack," Xykie said.
Hindi ako kumibo hanggang sa dumating si William.

Jack and the Prince of Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon