Chapter 29- When King talks, Jack listens

11.6K 341 11
                                    

Jack

Five Lamborghinis are parading the whole Country Club. Five...fucking...Lamborghinis!!! William has lost his God damn mind.

"Para silang bata..." Nakapamewang na sabi ni Cailee habang nakatanaw sa mga kotse na paikot ikot sa circuit.
"Kailan dumating yan?" Tanong ko.
"Kani-kanina lang. Hinatid dito ng dealer." Umiiling iling na sagot ni Zoey.
"Akala ko joke lang yun." Khal said.
"Obviously na hindi. Pero sobrang mahal nyan. Nabaliw na si William para patulan ang kapricho ng mga kaibigan nya." Allison commented.
"Hindi rin maaksaya sa pera yang boyfriend mo, Jack." Puna ni Beth.
"Hindi ko siya boyfriend." I said.
"Hindi pa ba? Matigas ka din talaga ano!" Beth replied.

Sunod-sunod na huminto ang mga kotse sa harapan namin. Ang laki ng ngiti ng mga kumag kong kaibigan nang lumabas sila sa kotse. Hindi lang mga lalaki ang naglalaway sa kotse nila, pati mga babae na kitang-kita ang pagnanasa na maiangkas sila ng kahit isa sa lima.

"Oy, Princess Jack, nakita ka rin namin." Sigaw ni Gab sabay kaway sa akin.
"Kapal talaga ng mukha nyo at tinanggap nyo talaga." I told them.
Nagtawanan silang lima.
"Pustahan yun, Jackie," Carlos said in their defense.
"Hindi ko nakita na ibibigay nya nga yung kotse. Kung alam ko lang, hindi ko na binasa si William. You have to pay him. Huwag kayong makapal." Allie told Carlos.
"Para kayong walang pera kung manggulang ng kapwa." Sabi ni Beth kay Jon.
Umiiling-iling si Khal sa kapatid ko. "Hindi kita nakilalang pulubi, King. Why start acting now?"
"Nakakahiya ka Rome sa totoo lang." Zoey said to her husband.
"Gabriel, iyan ba ang ituturo mong halimbawa kay Axel?" Nakataas ang isang kilay ni Cailee.

Kamot ulo silang lima habang pinapagalitan ng mga kabiyak. I made sure that I am smirking habang sabay-sabay silang pinapagsabihan na parang mga bata. Nagdadahilan pa ang lima pero hindi umubra ang mga katwiran nila.

Habang sinasabon ang mga kumag kong kaibigan, sinagot ko ang tawag ni Xykie na kanina ko pa hindi pinapansin.

"Hay, buti naman sinagot mo. Gusto ko ng ia-announce sa buong Country Club na kailanagn ka sa admin." Naiinis na bungad ni Xykie sa akin.
"Bakit na naman? Nakapahinga ako, Xykie."
"May gustong kumausap sayo. Kanina ka pa hinihintay sa meeting room." Nawala si Xykie sa kabilang line.

Tumalikod ako para iwan ang maiingay kong kaibigan.
"Hoy, saan ka pupunta?" Sigaw ni King sa akin.
"Admin, may naghahanap daw sa akin." I replied palayo sa kanila.
"Tara na, sumakay ka na sa bagong auto ko." Nang-iinis na sigaw ni King. I gave him my middle finger as a reply.

Nauna pa sa akin ang mga kumag kong kaibigan sa admin building. Naabutan ko sila pati si Xykie na sobrang pormal ng mga kilos sa meeting room.

"Your Highness." Bati ni Henry pagpasok ko. Nanlaki ang mata ko sa kanya. Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Nakanganga silang naghihintay ng sasabihin ko. At kasama pa niya si Lucas.
"So you are friends now?" Sarcastic na tanong ko.
"Cut the crap. We are here to take you to Cordonia." Masungit na sagot ni Lucas.
"What Your Grace means is, you are needed now and we need to escort you to come back." Sabi ni Henry.
"Cut the crap, Henry. I prefer the way this bastard talks." Tinuro ko si Lucas.
"You sound like Rudolf. And all of you, what the heck are you doing in here?" Nakapamewang na sita ko sa mga kaibigan ko.
"Tell William we received his payment." Carlos ignored me and sat beside Henry.
Napatingin si Lucas at Henry sa kanya.
"Are you, Sebastian of Real Madrid?" Nakakunot noong tanong ni Lucas.
"One and only. So you need Jack to be in Cordonia?" Tanoong ni Carlos. Nagsiupo na ang mga kaibigan ko at hindi ako pinansin. Pati si si Xykie hindi ako pinansin. Nakatingin lang siya kay Henry.
"Yes, the Princess needs to take her place now that she had her few days off." Sagot ni Lucas.
"Princess? Si Jacqueline?" Sarap dagukan ni King sa tanong niya. Hindi talaga siya makapaniwala.
"Yes, Princess Jacqueline," Henry replied to him like my brother is dumb.

"Ate Jack wore the crown during their Coronation Night. And by their law, whoever worn the crown that night will be next in line because Cordonia doesn't have a Princess by blood. In Ate Jack's case, she became the Crown Princess of Cordonia by law." Paliwanag ni Xykie sa kanila.

"Hey people, I am here. Do I have the right to decide on my own?" Naiiritang tanong ko sa kanila.
"When do we leave?" Tanong ni Jon kay Lucas.
"We have a flight the next day." Sagot naman ni Lucas.
"We have our own plane. We will make sure, Jack will not run away." Sabi ni Carlos.
"Tangina... Ako ang kapalit ng mga kotse nyo? Mga kumag kayo!" Bulyaw ko sa kanila.
"Jack, huwag ka nga. Akala mo hindi namin alam na iniyakan mo si William nung nawala siya. Na kaya ka nag-aral sa Australia dahil akala mo sa Australia siya nagpunta dati dahil ang conclusion natin ay Australian ang tatay niya. Akala mo hindi namin alam na naging kayo kahit tinatanggi nyo. Magtigil ka Jack. Mahigit isang linggo ka ng umiiyak na akala ni mama may multong ngumungoyngoy sa gabi. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Lagi mong tinutulak palayo ang mga tao sayo. Kung ako si William hindi kita gugustuhin. Kaya tumigil ka sa katangahan mo. Kung hindi mo gusto si William, just release him. Huwag kang pafall... Huwag kang pavictim. Kung kaya mo siyang makitang ikasal sa iba, sige hindi tayo pupunta sa Cordonia. Sumagot ka... Kayo mo?" Aba, ang haba ng litanya ni King sa akin. Napatulala ako sa mga sinabi. Ngayon lang ako walang naisagot kay King.

"Ano Jack? Kaya mong makita si William na ikakasal sa iba? Dahil kapag umoo ka, dadalin kita sa simbahan sa araw ng kasal niya para lang makita kang ngumalngal." Tanong ulit ni King. May brother maybe a gentle giant but he is really a difficult person when he choose to be. Sa kanya lang hindi umuubra ang tigas ng ulo ko. Pinagbibigyan nya ako most of the time, pero siya talaga ang taga tuwid sa minsan na baluktot kong pananawa sa buhay.

"Ang sama mo." I replied to him.
"Sumagot ka, kaya mo?" Sigaw nito sa akin. Napasandal si Khal sa upuan dahil sa lakas ng boses ni King. I am trying to salvage what was left of my pride. But I am talking to my twin, the only person who can see right thru me. Umiling ako kay King.
"Pinapahirapan mo pa lahat, kahit kailan ka Jack." Sabi ni King. Pailing-iling pa. Sobrang drama.
"Jack will be your problem now," King said to Lucas smirking.
"Ha...Ha...Thank you, Lord." Nang-iinis na sulsol ni Rome.

Hayop talaga kayo... Napakabuti nyong kaibigan.

Jack and the Prince of Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon