Chapter 22- The Crown

9.9K 288 3
                                    

Jack

Nakatulala pa rin ako habang nakatingin sa nilabasan ni William.

"Ate Jack, nandito na sila Charlotte at Theo." Sabi ni Xykie na nakapagpabalik ng katinuan ko. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng mga baril sa holster ko. Nasa likod ko pa rin ang dalawang espada.
"Nasaan sila?" Tanong ko.
"Nasa library." She replied.

Tinungo ko ang daan papunta sa library gamit ang secret passage. Habang nasa likod ako ng entrance door, nadidinig kong nag-uusap ang dalawa.

"Do not forget our plan..." Theo said to Charlotte that made her giggle.
"Once you became the Crown Princess, kill William. I will dispose of the King and Lucas for you."
"Yes... Yes..." Charlotte replied breathlessly.
Nakuyom ko ang dalawang kamay ko. Baliw na ang dalawang 'to.
"Stay in one of the room until the ball starts... Have your grand entrance wearing that crown," Theo said. I heard the door click.

I moved from the library passage and went to William's room.
"Xykie, saan papunta si Charlotte?" Tanong ko.
"Papunta siya sa second floor. Feel na feel ng lola mo ang ball gown niya."
I snorted. Pumunta ako sa veranda ni William. I hide together with the shadows para hindi ako makita ng mga guard sa labas.
"Sa katabing kwarto ni William siya pumasok. Sa unahang kwarto bago ang kay William."

Malayo ang pagitan ng veranda ni William sa katabing kwarto.

"Masakit kaya kung malalaglag ako mula sa second floor?" Tanong ko kay Xykie habang tinitingnan kung saan ako pwedeng dumaan. Xykie snorted.
"Papahirapan ko pa ang sarili ko. Pwede naman ako sa pintuan dumaan." I said ng wala akong makitang dadaanan papunta sa kabilang kwarto.
"Hallway is clear." Xykie said.

Pumasok ulit ako sa kwarto ni William at lumabas papuntang hallway. Pinakinggan ko sa pintuan si Charlotte kung ano ang ginagawa. Nagsasalita yata siyang mag-isa dahil mukhang tumatawa siya.

Pinihit ko ang doorknob ng dahan-dahan at sinilip si Charlotte. Nakaupo siya sa harap ng salamin at hindi niya napapansin ang pintuan. Pumasok ako sa kwarto at nilock ang pinto. Doon napatingin si Charlotte sa akin.
"What the hell are you doing in here?" Tumayo siya at namewang sa akin.
"Nice dress... White and gold... Do you think your blood will be a very good accent on that?" Nakasandal ako sa pintuan at nakahalukipkip.
"You are crazy... Guard...Guard..." Sigaw ni Charlotte.
"The guards are busy guarding the Royal Family and the crown," I replied.
Tumawa si Charlotte. "That is not the real crown."
Unti-unti siyang lumakad papunta sa cellphone na nakalapag sa kama.

Mabilis kong binunot ang baril ko at pinaputukan ang cellphone. Napasigaw si Charlotte at napaatras. Tinutok ko ang baril sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pag-atras... balak nitong tumakbo papunta sa veranda. Binaril ko ang sahig, 1 inch from her foot. Napasigaw ulit si Charlotte.

"Where is the real crown then?" Lumapit ako sa kanya habang nakataas ang baril. Pero matigas ang ulo ni Charlotte, she tried to slap me so I punch her with my gun. Nawalan siya ng malay.

"Oh hell... Hinimatay pa." I murmured nang bumagsak sa sahig si Charlotte. May dugo siya sa noo.

Hinila ko siya papunta sa paanan ng kama. Kinuha ko ang tali ng kurtina at itinali siya patalikod sa isa sa poste ng kama. Itinali ko din ang paa niya. Kinapkapan ko si Charlotte sa buong katawan hanggang sa makapa ko ang crown sa bandang hita niya. Kinuha ko ang isang espada sa likod ko and I slash her gown.

The crown is in her thigh secured by her thigh garter.

"Putulin ko kaya ang isang hita nito?" Tanong ko kay Xykie.
"Huwag nga daw sasaktan kung pwede eh." Sagot nito.
"Kunyari nanlaban." I answered. Hinubad ko ang crown sa hita ni Charlotte. Pero dahil nakatali na ang mga paa niya, kinailangan ko itong kalagin. Nagmulat ng mata si Charlotte at sinipa ako. Kinuha ko ulit ang baril at pinalo ko siya ulit sa ulo. Nawalan ulit siya ng malay. Kinuha ko ang gumulong na crown sa sahig. Ipinatong ko iyon sa ulo ko para hindi na ulit gumulong pa bago ko itinali ulit si Charlotte sa paa. At dahil sinipa ako ng babaeng carrots, itinali koang buong katawan niya hanggang magmukha na siyang suman. Nilagyan ko ng busal ang bibig niya para hindi siya makasigaw. Nangangati ang kamay kong lagyan siyang plastic sa ulo nang mamatay na.

"Ate Jack, infairness, bagay sayo ang crown." Tukso ni Xykie sa akin. Kung saang CCTV niya ako nakikita, hindi ko na inalam. Tinatanggal ko na ang crown sa ulo ko nang masabit ang part na may suklay. Nabuhol ito sa braid ng buhok ko.
"Fucking hell. Nasabit sa buhok ko. Hindi ko matanggal." Kailangan ko pang tanggalin ang braid ng buhok ko para maalis ko pa ito.
"Ate Jack, move. Kailangan ka sa Throne Room. Mamaya mo na tanggalin yang crown."Sigaw ni Xykie.
"Hindi pwede. Makikita nilang suot ko ito." Pilit ko pa ding hinihila ang crown pero nasabit na talaga sa buhok ko. Hindi ko matanggal.
"Bilisan mo." Sigaw ni Xykie...
"Shit." Tumakbo ako palabas ng kwarto at nagmamadaling pumunta sa Thrown Room.

Jack and the Prince of Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon