Chapter 17- Unwanted Lecture

9.7K 295 7
                                    

William

"I better go. I need to ask my men to find Theo." Paalam ni Henry. Tumango ako at humarap ulit kay Jacqueline. She put on a contact lens. She's changing her appearance.
"I need your help this time, William." She looked at me. "Saan ako dadaan nang hindi makikita ng iba?"

"What are you doing?" frustrated na tanong ko.
"I need to find the crown now that I have a solid lead."
"It's too risky, Jacqueline."
"It's my job." She replied. "Are you going to just accept the things that are in front of you kahit may choices kang iba?"
"Makita man ang crown o hindi, kailangan ko pa ring mag-asawa. This is the burden that I need to carry."
"Then marry the person you like." She replied. Bumalik ulit siya sa paglalagay ng prosthetics sa mukha niya. "Have a family with the person you choose not the person they force you to marry."

Will you accept if I ask you? Piping tanong ko.

"At the end of the passage, there is an exit there. Hanapin mo ang lever. I'll meet you there when you are finished." Tumango lang si Jacqueline sa akin.

Bumalik ako sa kwarto ko and I tried to sketch some designs of jewelry. Pero lahat ng ginagawa ko, naiimagine kong suot ni Jacqueline.

"William." Nadinig ko na naman si Xylie sa tenga ko. Nakakalimutan kong tanggalin ang ear piece.
"Yeah..."Binaba ko ang sketch pad at lapis sa kama.
"Why not ask Ate Jack?" Naririnig kong ngumunguya si Xykie.
"Ask her about what?"
"About second chance."
"She will not give it to me," I replied.
"Pfff... natatakot kang ma-reject. Ask your friends... Ask Ate Cailee or Ate Khal to talk to her. Tapos ang problema mo kapag binigyan ka ng second chance ni Ate Jack." Xykie insists.
"Hindi ako pumayag sa proposition mo ha!"
"Alam ko yun. But remember, the power of friends... Sobrang lakas manggatong ng mga yun. At kung meron mang makakatulong sayo na mapabago ang takbo ng utak ni Ate Jack, yung buong tropa ang kailangan mo."

"Hindi ba pwedeng magbago ang isip nya because gusto nya talaga ako?" Naasar na tanong ko.
"Hindi ka nga nagpapaliwanag eh. Hindi ka nagsasalita kapag kasama mo siya. Ligaw tingin ka, lagi kang nakatanaw lang sa kanya. Ang torpe-torpe mo." Pati bata nafrustrate na sa akin. "Paano magkakatotoo ang sinabi sayo ni Ate Allison kung hindi ka gagawa ng move?"

"Teka, bakit mo alam ang sinabi sa akin ni Allison?" Tanong ko.
"I asked her." She replied.
"What? Talagang balak mong makialam sa buhay namin?" Napapailing ako sa kausap ko.
"You found your princess. Yun ang sabi nya di ba? Well, matigas ang ulo ng prinsesa mo. Hindi yan lalapit sayo kaya gumawa ka ng paraan." Nanggigigil na sabi ni Xykie.
"For fuck sake, meron ka na lang kaunting oras, William." Naririnig ko ng nagdadabog si Xykie.

"Huwag mo ng ipaalala." I flatly replied.
"Well, kailangan pukpukin ko kayong dalawa ni Ate Jack. Now, natauhan ka na ba?"
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.
"One more thing... Huwag mo siyang pigilan sa mission nya. Lalong maaasar sayo yun." Paalala ni Xykie bago siya nawala sa kabilang linya.

"William?" Narinig ko ang boses ni Jacqueline galing sa entrance ng secret passage. Nasa walk-in closet ko ang entrance na yun. Tumayo ako at pinuntahan siya but...
"What the fucking hell are you doing in here?" Napataas ang boses ko ng makita ko si Lady Charlotte na nakatayo sa walkin closet ko.
"William, ako 'to. Si Jack." She replied.
Napakunot ang noo ko. Tinanggal niya ang suot niyang orange na wig.
"Jacqueline?" Hindi ako makapaniwalang siya yun. She looked exactly like Charlotte. Ibinalik ni Jacqueline ang wig niya sa ulo.
"Kamukha ko na ba?" Tanong niya.
"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ko. Hapit na hapit ang suot nitong dress at litaw ang cleavage.
"Ganito naman manamit ang... friend mo." Tinaasan niya ako ng orage niyang kilay.
"Saan ako pwedeng dumaan ng hindi nakikita ng iba?"
"Ituturo ko sayo. But please Jacqueline, promise me you will come back to the palace tonight. Hihintayin kita sa secret room." Hindi kita pwedeng pigilan sa gusto mong gawin. Gusto ko man siyang yakapin, nakikita ko sa kanya ang mukha ni Charlotte.
"Mag-iingat ka. Mag-uusap tayong dalawa mamaya." I told her.
Matagal bago tumango si Jacqueline.

Sinamahan ko siya sa daan na tinuro ko kay Kiro noong papasok siya sa palasyo.

"Ingat ka Jacqueline." I once told her bago siya lumabas sa secret passage papunta sa labas.
"Hintayin mo ako." She replied.

Jack and the Prince of Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon