Epilogue- A Preview to Saint's Story

18.7K 423 82
                                    

Jack

Nakadalaw kami ni William sa Country Club ngayon nagpabinyag si Allison. We used this opportunity to ask my parent's blessing kahit nakatira na ako sa Cordonia. William actually insist that he needs to talk to my papa. How can I not love my prince when he is so kind to me?

"May hinihintay ka pa ba, Allison?" Tanong ko sa kanya nang mapansin kong palinga-linga siya sa entrance ng ballroom. Ang cute-cute ng anak nila na nakuha ang kulay ng mata ni Allie pero sobrang kamukha ni Carlos. Pero lalaki si Baby Uno. Kailangan nya daw makausap si lola niya tungkol dito.
"Meron. Si Camilla." Sagot niya.
"Si Camilla? Yung ex ni Carlos?"
Tumango siya. Aba't... "Friends kayo?" Tanong ko.
Tumawa ang loka-loka. "Oo naman. Why not?" Tinaasan nya ako ng isang kilay.

"Ayan na pala." Iniwan ako saglit ni Allison para salubungin si Camilla. I joined my friends at tinuro ko si Allison na kasama si Camilla.
Napabuga si Carlos sa iniinom nya.
"Fucking hell, bakit nandito si Camilla?" Tanong ni Carlos. Nakakatawa dahil pinagpawisan siya bigla.
Napanganga kami nang magtawanan si Allie at Camilla. She followed Allie towards our table.

"Hi guys, remember Camilla? Camilla, mga kaibigan ko. You meet them before right?"
"Hi." Nahihiyang bati ni Camilla.
"Si William, hindi mo pa siya kilala. William this si Camilla, ex ni Carlos. Friend ko." Sabi ni Allie.
"Huh?" Pati si William napanganga na.
Tawa nang tawa si Allie sa reaction ng mga mukha namin.
"Are you the Prince of Cordonia?" Tanong ni Camilla.
Namula si William saka nahihiyang tumango. Ang cute.
"Teka nasaan na yung mama na yun?" Kumaway si Allison sa papalapit na si Saint. May dala si Saint na isang bote ng beer. Hinila ni Allison si Saint at ipinakilala kay Camilla.
"Camilla kaibigan ko si Saint. Saint si Camilla." Nakita ko ang pilyang ngiti ni Allison bago nag slow motion ang lahat kay Saint.

Nawala ang ngiti ni Saint pati si Camilla. Pareho silang namutla at natulala sa isa't-isa.

"Cami?" Saint asked.
"Peter?" Tanong ni Camilla.

Teka? Sino si Peter?

"Peter?" Naitanong naming lahat... Napatingin sa amin si Camilla.
"Siya si Peter Anthony." Sagot ni Camilla na parang hindi na din sigurado sa nangyayari.
"Eh bakit Saint? Akala ko Saint pangalan mo?" Tanong ni Khal kay Saint.
"Teka, magkakilala kayo?" Tanong ko sa kanila. Wala namang sumasagot sa dami ng tanong namin.
Nakatitig pa din si Saint kay Camilla na tinawag niyang Cami.

Si Allison, kunwari naman walang alam sa nangyayari. Nahawa na kay Carlos sa kalokohan.

"Mommy... Mommy..." Napatingin kami sa isang batang babae na nasa ten years old na siguro.
"Mom, I was looking for you." Sabi niyo. Napalunon si Camilla. Mas lalo pa siyang namutla.
"May anak ka na?" Tanong ni Carlos kay Camilla.
Napayuko si Camilla sa bata.

At si Saint, parang binuhusan ng suka sa sobrang putla.

"Hi..." Bati ng bata sa amin.
"Hello." Sagot naman namin.
Tumingin ang bata kay Saint dahil siya lang ang mukhang estatwa na hindi gumagalaw.

"Hi... I'm Saint." Sabi ng bata. Napanganga na naman kami. Kaloka.
"I'm Saint." Sagot ni Saint ng makabawi siya sa pagkakagulat.

Bakas ang galit sa mata ni Saint nang tumingin ulit kay Camilla. At parang pinagbiyak na bunga si Saint at si Saint.

Hay Allison, isa kang dakilang pakialamera.

THE END (for Jack and William)

---------------
A/N
Oo binitin ko talaga dahil lagi nyong sinasabi na bitin. hahaha
So ang Epilogue is actually ang preview of our Next Story.

 hahahaSo ang Epilogue is actually ang preview of our Next Story

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hope you enjoy Jack and William's story.

Jack and the Prince of Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon