Ikinasal sa huwes ang kanyang ina. At kaagad na inasikaso ni Leo ang pagtransfer niya sa isang pribadong paaralan sa Maynila dahil titira na sila sa bahay nito sa Maynila. Sabado noon. Araw ng paglipat nila. Tatlong araw pa lamang na nakakasal ang kanyang ina at si Leo Alcaraz.Hindi dumalo sa kasal ang anak nitong si Atticus. Tanging mga kaibigan lamang ng ina at ng Tito Leo niya ang naroon at nagsilbing mga witness.
Nakasakay siya ngayon sa itim na SUV ng madrasto at manghang-mangha sa subdivison na pinasok nila. Punong-puno ito ng mga nagtatayugan at naggagandahang mga bahay.
"Matutuwa ka sa bago mong kwarto, hija. Pinalagyan ko 'yon ng isang bookshelf na may maraming libro," anunsyo ng Tito Leo niya.
She smiled. "Salamat po, Tito Leo."
"Nako, baka naman ma-spoil na itong anak ko sa'yo, Leo," awat ni Andrea. "Sanay naman 'yang humihiram na lang sa library nila ng mga libro."
"Anak ko na rin ngayon itong si Celine. Kaya dapat masanay na kayo!" tatawa-tawang sabi nito at saka ikinilo ang sasakyan sa harap ng gate ng isang puting mansion. May tatlong palapag ang malaking bahay na ito at tanaw ang isang pool na nakaharap sa isang balkonahe.
Dalawang katulong ang nagbukas ng malaking itim na gate.
"Wow," hindi mapigilang bulalas ni Celine.
"Welcome home, Andrea, Celine," wika ni Leo at iginiya ang sasakyan sa driveway. Nang matapat ang sasakyan sa double doors na main entrance ng bahay, pinatay ni Leo ang makina ng sasakyan at bumaba na.
Naiwan pa ring nakatitig sa Celine sa paligid niya. Lahat ay nagbabadya ng karangyaan.
Binuksan ng isang katiwala ang pinto ng sasakyan para makababa siya habang bitbit na ng ibang katulong ang mga bagahe nila ng Mama niya.
"Andrea, Celine, ito nga pala si Manang Celia. Siya ang mayor doma dito. Celine, sasamahan ka ni Manang Celia sa kwarto mo," wika ni Leo.
"Halika na, hija," anyaya ng matandang babae na malamang ay nasa singkwenta'y singko na ang edad. Naiwan sa labas ang Tito Leo at ang Mama niya habang nagpapakilanlanan ang mga ito sa iba pang mga katiwala.
Sumunod siya sa matanda ng tumaas ito sa grand staircase at lumiko sa kaliwa. Nakadaan sila sa ilang pinto ng tumigil ito sa pinakadulong kwarto at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang isang malaking kwarto na puno ng mga kagamitang pambabae. She has a bigger closet now, a dresser with a huge mirror, a bookshelf, a study table for two at sariling mini-sala sa isang sulok. May CR na rin sa loob ng kwarto niya.
"Nagustuhan mo ba, hija? Ako ang nag-ayos nito."
Tumango siya. "Maraming salamat po, Manang Celia. Nagustuhan ko po ang ayos." Lumapit siya sa kama na malamang ay queen size sa sobrang laki. Malayong-malayo sa single bed na nakasanayan niya sa probinsya.
"Maiwan na kita. Maghahanda na ako ng pananghalian natin."
"Sige po, Manang," paalam niya ng lumabas na sa kwarto ang katiwala. Nahiga siya sa kama sa sobrang pagod sa byahe. At napatitig siya sa kisame at sa maliit na chandelier na naroon. Hindi pa rin siya makapaniwala na bigla na lang nagbago ang buhay niya.
"Nandito ka na pala," isang baritonong boses ang bumati sa kanya mula sa pintuan.
Kaagad siyang napaupo ng marinig kung sino iyon.
Atticus closed the door and roamed his eyes around the room. "Wow, ang bilis nilang naayos itong kwarto." Lumapit ito sa kama kung saan siya nakaupo. "Nagustuhan mo ba?"
Tumango siya. "M-maganda ang kwarto."
"Palibhasa sanay kayo ng nanay mo sa maliit 'nyong lungga," mapang-uyam na kumento nito.
"Ano bang problema mo?" tanong niya rito ng marahan. Unti-unti na siyang naiinis sa pangtrato nito sa kanya.
"Ikaw," walang kagatol-gatol na sagot ng binata. "Ikaw ang problema ko. At ang nanay mo!"
"'Di kita maintindihan... N-nagmamahalan sila ni Tito Leo kaya sila nagpakasal. Bakit ba hindi mo matanggap 'yon?"
He smirked at her declaration. "Your mother is my father's mistress."
Nagulat siya sa narinig at napatayo. "Bawiin mo ang sinabi mo!" He was towering above her dahil matangkad ito pero wala siyang pakialam.
"Totoo ang sinabi ko. Nagdivorce ang mga magulang ko last year. And you know why? Dahil ng mama mo. Sinira ng mama mo ang pamilya namin."
Nagpanting ang tainga niya sa narinig. This can't be real. Hindi ganoong klase ng babae ang mama niya. "Hindi totoo 'yan!" And she pushed him pero para itong bato na hindi natinag. Imbes, hinawakan nito ang parehong kamay niya at itinulak siya sa kama.
She struggled and tried slapping him in the face pero mabilis itong nakakubabaw sa kanya. "Bawiin mo ang sinabi mo!" She was gonna scratch him on the face pero mabilis itong nakaiwas at hinuli ang mga braso niya.
"Your mom is a slut. A mistress. That's the truth."
Hindi na niya napigilan pa ang mga luhang nag-uunahang lumabas sa mga mata niya. Nasaktan siya sa mga sinabi nito. At hindi niya matanggap na totoo ang mga iyon.
When he saw her tears, natigilan ito sa sinasabi. "Bakit ka umiiyak-iyak diyan?" He let go of her arms and sat beside her on the bed.
"Umalis ka na," she said and turned her back on him.
"Look, hindi ko kasalanan kung kerida ang mama mo. At kung hindi niya sinabi ang totoo sa'yo. Pero dapat magpasalamat ka pa sa'kin dahil ipinaalam ko sa'yo ang totoo."
She didn't answer. Because now, she knows her place in this house. Anak siya ng babaeng sumira sa pamilyang naninirahan sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
My Stepsister is Mine [Completed]
RomanceCeline was thrust into a new family dahil sa muling pagpapakasal ng Mama niya sa isang mayamang businessman. This new family is filthy rich. Okay na sana ang lahat! But his new stepbrother Atticus seems to hate her. And when their parents died in a...