Chapter 11

39.4K 553 3
                                    

Nakasilip sa second floor ng mansion si  Celine habang pababa ng hagdan si Amelia kasunod ang dalawang katulong na dala-dala ang mga bagahe nito. It was Monday morning at papasok na siya sa school pero iyon ang nakagisingan niya.

Nakita niyang nahulog ang scarf ng ginang mula sa malaking Louis Vuitton na beach bag nito. She quickly grabbed it and handed it to her in the middle of the staircase.

Tumingala si Amelia sa kanya.

"Have a safe trip po," magalang na wika niya. She didn't like this woman pero susubukan niyang maging mabait dito ngayon na paalis na ito. She is still the mother of Atticus after all.

Amelia took the scarf back at walang ngiting tinalikuran na siya.

Pagbaba nito ng hagdan ay nakita ni Celine na sinalubong ito ni Atticus sa may foyer. They talked pero hindi niya marinig ang pinaguusapan ng mga ito.

Nagpapaalamanan na siguro ang mag-ina. Then, Atticus looked up to her and waved for her to go down in the dining hall and have breakfast. Nakita marahil nito na bihis na siya ng uniform.

Lumabas na ito kasama ang ina. Marahil ay ihahatid sa kotse sa labas na maghahatid dito sa condo nito sa Makati.

If only Amelia wasn't a bitch, baka sinalungat niya si Atticus at pinilit itong patirahin na lamang ang babae sa bahay. Malaki naman ang mansion. It has eleven rooms for goodness' sake!

Bumaba na siya at pumasok sa dining hall overlooking the garden and the pool. It was a quiet morning. Nakita niya si Manang Celia na naghahain sa dining table.

"Good morning, Celine," bati sa kanya ng matanda.

"Good morning po! Kumain na po ba si Atticus?"

"Oo, sinabayan niya ang Mama niya."

Tumango-tango siya.

"Kain ka na, hija. Isasabay ka daw ni Atticus papasok ngayong umaga."

"Sige po, Manang. Salamat!" At nagsimula na siyang kumain when suddenly, her phone rang. Umalis naman si Manang Celia to give her some privacy.

Si Alden. "Hello?" she greeted the other line.

"Celine," masayang bati ni Alden.

She got herself some bacon at sinimulang papakin iyon. "Bakit ka napatawag?"

"It's my birthday party on Friday night. I invited the entire class. Alam ko na nagluluksa ka pa rin sa pagkawala ni Tita Andrea and your stepfather. Pero sana makapunta ka! Kahit dumaan ka lang. I'll be expecting you there, ha?" anyaya sa kanya ng binata. Alden has been a good friend of hers mula ng magsimula siya ng school sa Manila. Kakaunti pa lang ang mga nagiging kaibigan niya pero panatag ang loob niya dito. He seems genuinely nice to her.

"Wow, so tatanda ka na pala!" pagloko niya dito.

Alden laughed on the other line. "Hindi naman, gwapo pa rin naman ako."

"Gwapo? Ha-ha-ha. Nagpapatawa ka talaga," biro niya and got herself some serving of rice.

"Gwapo naman ako talaga, di ba?" he pursued.

"Pwede na. Mapapagtiyagaan na," she said amusingly.

"Baka mamaya crush mo ko, hindi mo lang sinasabi diyan."

"Crush kita? Ang kapal mo talaga!" She laughed a bit dahil sa kayabangang iyon ng binata. She didn't realize that she finished the entire plate of bacon already.

"Who's that?" biglang tanong ng isang baritonong boses sa likuran ni Celine. She turned around to see a mad Atticus na magkasalubong ang kilay.

"I'll talk to you later, Alden. See you in school! And yes, I'll go to your party! Bye!" And she clicked the end call button.

"Alden?" tanong ni Atticus while sitting across her on the table.

"Yung classmate ko from school," she answered. "Si Tita, nakaalis na ba?"

Tumango lamang ang binata. "Anong party?" tanong muli nito.

"Oh, he's going to have a birthday party in his house on Friday night. Invited daw ang buong klase namin and I was thinking of going kahit mabilis lang," kwento niya while finishing her food.

"You're not going," mariing wika ni Atticus, looking directly at her. He looked mad.

"Why?" she asked, confused. "I'm only gonna be quick. Uuwi din naman kagad ako."

"I've been there, babe. Alam ko kung anong nagaganap sa mga parties na yan."

"Ano?" inis na tanong niya.

"Drugs, alcohol... sex." At makahulugang tiningnan siya ng binata.

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa mga binanggit nito. "Alden is not like that."

"He likes you, that's for sure. Kaya hindi ako papayag na pumunta ka doon. For sure, he's gonna get you drunk to lure you into bed with him," he said in spite.

Napanganga siya sa sinabi ni Atticus. At pakiramdam niya ay naipon lahat ng dugo niya sa ulo sa sobrang inis sa binatang kaharap niya ngayon. "Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin?"

"No, I just don't trust other men around you," diretsong sagot ni Atticus.

She stood up, left her unfinished food and walked back to the grand sala.

"Saan ka pupunta?" sigaw ni Atticus behind her.

"I'm going to school. Magpapahatid na lang ako sa driver." At dire-diretso siya sa pagkuha sa mga gamit niyang nakapatong sa couch ng sala.

Atticus was just right behind her. Nakasunod pala ito sa kanya. "You're not going to his party and that's final, Celine."

"You're not my father para pagbawalan ako sa gusto o dapat kong gawin," she said while grabbing her bag and books.

"I am your guardian," he said in a much higher tone. Pero hindi sinasadyang masigawan ni Atticus si Celine. It was all just a spur of emotions.

She turned her back on him. "Yes, you may be my guardian. But more than that, if you want to be my husband, learn to understand na mayroon din akong sariling buhay at sariling pag-iisip. I may be a kid in your eyes but please know that I can think for myself already." With that, she walked out of the sala and left him.

******

Whoooops!!! #FirstFight #LoversQuarrel

Alam nyo na anong kasunod nito??? Makeup sex!!! Hahahahah!!!! That's what fights are for. #Awow stayyyy tuned for the next chapter. Excited ba kayo????

My Stepsister is Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon