It was late afternoon at kaka-dismiss lamang kina Celine. Kasabay niya palabas ng campus ang dalawa niyang bagong kaibigan, sina Alden at Michelle. Nagpapasalamat siya na kahit pumasok siya sa school sa kalagitnaan ng school year ay nakahanap pa rin siya ng mga maaaring maging kaibigan.
"Pauwi ka na rin?" tanong ni Alden kay Celine.
"Oo, ayokong gabihin, eh. Ang dami pa nating mga assignments na gagawin" sagot ni Celine.
Si Michelle naman ay pinigil ang kanang braso niya. "Girl, lumabas muna tayo sandali lang. Kahit merienda lang diyan sa coffee shop sa tapat."
"Oo nga, Celine. One coffee lang. Libre na kita," yaya ni Alden.
"Celine!" sigaw ng isang baritonong boses sa tapat nila. Nang lingunin nila kung sino iyon, nakita nila ang isang SUV na naka-harang sa harap ng gate ng school nila. Nakababa ang bintana ng driver.
"Atticus?" gulat na sambit niya sa pangalan ng binata.
"Sakay!" mariing utos nito, nanlilisik ang mata kay Alden.
Dahil ayaw na rin niyang gumawa ng gulo, nagpaalam na siya sa mga kaibigan at sumakay sa passenger seat ng sasakyan. Pinaharurot kaagad ni Atticus ang sasakyan ng makapag-seatbelt ang dalaga.
"Bakit mo ko sinundo? Di ba sabi ko-"
"Shut up. Bago ka pa lang dito pero nagpapaligaw ka na kaagad sa mga kung sino-sino."
"Ha? Sinong nanliligaw?" maang na tanong niya.
"Sino 'yong lalaking kasama mo?"
"Kaklase ko yun. At naging kaibigan ko na rin. Mabait siya sa'kin."
"Dahil may gusto siya sayo."
Umiling siya. "Wala siyang gusto sa'kin. Magkaibigan lang kami. Kasama rin namin si Michelle kanina. Baka hindi mo lang napansin."
"I don't want you hanging out with that dude. He looks like a pervert."
She laughed fakely. "Kung may pervert man sa mundong ito, ikaw 'yon."
"I am not pervert. I don't have to be. Girls just come to me offering themselves."
"Ang yabang mo talaga kahit kailan. Siguro mga boba 'yong mga babaeng lumalapit sa'yo."
He didn't answer. He looked a bit confused with the directions. Kumilo si Atticus sa isang liblib na lugar.
"Nasaan na ba tayo?"
"Shortcut," he mumbled. "Ang alam ko may daan ditong mas mabilis papunta sa subdivision."
"Paano mo naman nalaman?"
"I think I've had a quickie somewhere here when I was in high school," pag-amin nito.
"Wow, what a pervert." She glanced around. Padilim na rin dahil dapithapon na. Wala na silang kasabay na sasakyan sa paliko-likong daan na iyon.
"Shit," he cursed. "Nawawala na yata tayo."
"Ano? Sabi ko na nga ba. Pervert na nga. Tanga pa!" she countered.
"One more dirty word from your mouth, I'll wash it with soap. Cry all you want pero walang makakarinig sa'tin," babala nito.
She pretended to not be scared pero may napukaw na damdamin sa kanya ang sinabi ng binata. "Hindi ako naniniwala sayo."
"With that cute uniform mini skirt of yours. Why not, sweetheart?" panunuya nito while trying to find the correct path back to the highway.
"Bastos!" kumento niya. "Bumalik na lang tayo sa pinanggalingan natin."
BINABASA MO ANG
My Stepsister is Mine [Completed]
RomanceCeline was thrust into a new family dahil sa muling pagpapakasal ng Mama niya sa isang mayamang businessman. This new family is filthy rich. Okay na sana ang lahat! But his new stepbrother Atticus seems to hate her. And when their parents died in a...