Chapter 10

44K 688 31
                                    

Celine was on her balcony sipping tea. Dinala iyon ni Manang Celia matapos ang meeting niya kanina with Atty. Lim.

"Matagal na akong naninilbilhan sa pamilyang ito, Celine," panimula ni Manang Celia. "At sa tagal na iyon, hindi ko kailan man pinangarap na papamanahan ako ng yumaong Don Leo. Mabuting tao siya, alam ko 'yon pero sobra sobra naman yata ang ibinibigay niya sa akin ngayon."

"You deserve it, Manang. Ikaw ang nag-alaga kay Tito Leo mula pagkabata niya at kay Atticus." Ibinaba niya ang cup at tumingin sa malayo.

"Oo nga, halos sa akin na rin lumaki pati si Atticus. Palagi kasing busy si Leo at si Ma'am Amelia naman... palagi ring wala sa bahay," wika nito at ipinaglagay muli siya ng tea sa paubos ng tasa niya.

"Bakit po palagi siyang wala?"

Huminga ito ng malalim. "Sabihin na lang natin na... marami siyang mga kaibigan at madalas ay kasama nito ang mga iyon. Supermodel si Ma'am Amelia noon. Hindi siya masyadong naging malapit sa anak niya dahil roon."

She breathed deeply, now thinking of her mom. Malayong-malayo doon ang Mama niya. She was every bit the caring mom every child deserves. Nami-miss niya ulit ito. 

"Manang Celia, did Tito Leo ever cheat on Tita Amelia?"

Nagulat si Celia sa biglang tanong na iyon ng alaga. Celine can see how the old woman was caught off-guard. 

"May mga bagay na mahirap intindihin, Celine. Pero naiintindihan ko si Leo kung bakit niya nagawa iyon." At sumulyap sa kanya ang matanda para tingnan ang kanyang reaction.

She wasn't surprised sa implicit na pag-amin na iyon ni Manang Celia. Kung ganon ay totoo nga ang mga sinabi sa kanya ni Atticus na naging kabit ng ama nito ang mommy niya. 

"S-Si Mommy po ba?" she inquired further.

"Hija-"

"Hindi naman po ako magtatanim ng hinanakit. Hindi na rin magbabago ang pagtingin ko kay mommy. She will always be my loving mother..."

Ngumiti si Celia. "Si Ma'am Amelia ay palaging wala sa bansa. Nasa US o nasa Canada o kung saan man ang latest modeling gig nito. Marami din siyang nakikilalang... ibang lalaki. Kaya palagi silang nag-aaway ni Leo." May lungkot sa mga mata ng matanda. "Hindi naging masaya si Leo sa piling ni Amelia. Paano'y ipinagkasundo lamang kasi ang dalawang iyon ng mga magulang nila. At ang pinakanasaktan sa mga nangyayari ay..."

"Atticus," she murmured.

Tumango ang ginang. "Lalo na ng maghiwalay ng tuluyan ang mga magulang niya ilang buwan na ang nakakalipas. Halos hindi niya kausapin ang mga magulang ng dahil sa nangyari. Pero nung nakita ko  si Andrea... at kung paano niya pinapasaya si Leo, naintindihan ko siya."

She smiled as well. "Tito Leo made my mom very happy as well."

"Naniniwala ako diyan. Sa kaunting panahong nakasama ko silang dalawa, nakita kong sumaya si Leo ng totoo." Nakita nila ang pag-alis ng isang pulang sports car papalabas ng malaking gate nila. Tanaw sa balcony niya ang hardin, ang driveway at ang entrance gate ng mansion. "Si Atticus lang ang natitirang nasasaktan."

"Saan siya pupunta?" alalang tanong niya.

"Pabayaan mo na lamang muna, hija. Baka magpapalamig lang ng ulo. Narinig kong nagtalo sila ng Mama niya kanina pagkaalis ng abogado ni Leo," balita ni Manang Celia.

Napabuntong-hininga siya. 

"Hija, alam kong... alam kong may namamagitan sa inyong dalawa ni Atticus."

She looked at the old woman in shock. "Manang Celia..."

"Hindi ko naman sinasadyang malaman. Pero pinapayuhan lang kita, hija. Atticus has been hurt countless times since he was a child. Sana ay... hindi mo rin siya saktan kagaya ng mga magulang niya."

My Stepsister is Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon