ALASINGKO na ng hapon ng na ni Victor Hugo na bumiyahe na papunta sa Mansion ng mga San Florida. Pinaka-ayaw niya ay ang malate sa business transaction. Gusto niya on time, lahat perfect, lahat dapat nakaplano at higit sa lahat dapat kontrolado niya. Yan ang isa sa mga dahilan kaya pinagkatiwala ng kanyang Ama sa kanya ang mga negosyo nito kahit na sa kabila ng pagiging bastardo niya.Nasa bayan na siya ng Hagunay, bago pa man siya makalabas sa bayan ay kailangan umikot muna ang kotse sa Plaza de Pula.
Napatingin naman siya sa isang coffee shop na nakatayo sa may gilid. Naisip niya bumili kaya pinarada niya ang kotse sa gilid.
Pagpasok pa lang niya sa store, andaming mata ang naagaw ng tingin niya, sinisipat siya. Lihim na lang siyang napangiti.
"Try natin tong strawberry baks!"
"Gaga! sinabi ng ayaw ko ng strawberry cake, chocolate na lang."
"Bakit? pano mo magugustuhan kong di mo titikman? try mo na, Ate! itong Strawberry apat na slice tas dagdagan mo ng 2 slice na rocky road na cake. Oy! yung frappe namin ha?"
Naagaw naman ang attention niya sa isang babaeng nasa unahan ng pila. Matangkad ito, slim ang body figure. Pero hindi nakatakas sa kanya ang mahabang legs nito.
Shit! he likes woman with long slender legs, ano kayang feeling ng balat nito paghinawakan niya?
Oh come one Victor! snap out of it!.
"Hanap kana pwesto baks, ako na bahala sa bayad." Kahit na nakatalikod ito sa gawi niya, may bagay na pilit nag-mamagnet sa kanya upang tignan ang likod nito.
Kausap nito ang kahera, inaabangan niya itong humarap.
Nang natapos ng pag-uusap nito at ng kahera, tumalikod na ito, sinipat niyang mabuti ang mukha, ng makita niya ang buong mukha nito ay agad siyang napangisi.
'One hell of a chicks'
Hindi maamo ang mukha, palaban ang aura pero sobrang ganda, hindi niya type ang mga ganoong klase ng babae, mas gusto niya ng maala anghel ang mukha. Maangas ito at mukhang supermodel ang datingan.
Sinundan muna niya ng tingin ang dalaga, napailing na lang siya ng makita niya kung paano umindayog ang balakang nito habang naglalakad papunta sa kasama nito kanina.
"Hello sir, ano pong order nila?"
"Isang black coffee please..."
Matapos siyang magbayad ay naghanap siyang maupuan nakita niya ang bakante malapit sa pwesto ng babaeng nakita niya kanina.
"Uuuwe ka ba sa inyo?" Tanong ng lalaki nitong kasama.
"Syempre hindi, kaya kita nilibre dahil sa inyo ako makikitulog mamaya." Nakita niya ang gulat sa mukha ng lalaking kasama nito.
"Hala siya! please naman Miguella wag na sa amin idadamay mo pa ako sa galit ni Tito sayo!"
"Ehh basta buo na desisyon ko, hindi na ako uuwe sa amin maghahanap ako ng lugar kong san pwedi magtago."
"Hoy! yan ang wag na wag mong gagawin! mahiya ka naman kina Tito, Tita! matapos kang palakihin."
Hindi na niya natapos ang pakikinig niya sa usapan ng dalawa dahil nagvibrate ang cellphone niya.
Calling Mr. San Florida
Agad naman niya itong sinagot. "Sir..."
"Aasahan ko ang pagpunta mo Victor Hugo"
"Walang problema, I'm on my way sir" Kalahati pa lang ang naiinom niya sa kape niya.
Bakit kaya nagmamadali ang Senior na makita siya?
Well its his way to find out.
***
NAKARATING na siya sa hacienda San Florida. Bumukas ang pagkalaki laking gate nito.
Nang makapasok na ang sasakyan niya sa loob ng mansyon ay agad na bumungad sa kanya ang mga tauhan ng Senior.
"Good evening sir."
"What happened?" Tanong niya. He noticed that there are many men roaming around searching for something.
"Ah, nawawala po kasi ang anak ni Sir." Alanganing sabi ng isang maid.
Pumasok na siya sa loob ng mansion, nakita agad niya ang Senior, banaag sa mukha nito ang galit, kung hindi lang ito kinalabit ng kanyang asawa ay hindi ito titigil sa kakamando sa mga tauhan nito.
"Victor!" Magaang sabi ng ginang sa kanya.
"Madam, still beautiful as always." Pabiro namang hinampas siya nito, This woman has a youthful beauty though she's already on her 40's, still she managed to look younger than her age.
"Victor Hugo." His eyes is diverted to the man who have a firm voice.
"Sir..." He said while they both do the shake hands.
"Thank you for coming, we can discuss business later, but for now I want you to taste the special dish that my beautiful wife cook." A playful smile come out on his lips, what a lovely couple.
"Its an honor sir to taste that dish." Kapwa naman sila nagtawanan.
Pumasok na sila sa malawak nitong hapag. Maraming nakahain na pagkain, oh God! by the looks of it, it seems like he will have his belt unbuckle.
"Victor come on, wag kang mahiya anak, eat all you can"
"Thanks mada--"
"Don't call me madam! tatanda ako niyan anak, just call me tita ok?" Tumango naman siya. Napansin naman niya ang isang bakanteng upuan sa gilid ng ginang.
"Wala ang unica hija namin, sayang at di kita mapapakilala sa kanya." Sabad ng ginang ng napansin nito na napagawi ang tingin niya sa bakanteng upuan.
"That irresponsible child of yours." Sagot ng Senior habang naghihiwa ng steak. Nakita naman niya ang paghawak ng asawa sa kamay ng Senior.
"Nakakahiya kay Victor, ano ka ba naman. Nako pasensya kana anak, kain ka lang." Pinagsawalang bahala na lang niya iyon at tinuloy ang naudlot ma kain, well masarap nga ang luto.
MATAPOS ang munting salu-salo ay napunta sila sa library ng Senior, kasama sa kanilang usapan ay ang isang bote ng alak.
"Tatanggapin mo na ba ang alok ko Sir?"
Diretsa niyang tanong ng makaupo na sila sa swivel chair. Ikinatawa naman ng Don ang kanyang tanong."Ang totoo niyan hindi hijo." Tang!! ano rason ng pagpunta niya dito?
"Malaking halaga ang inaalok ko sa inyo Sir, since you're busy with your other business, I guess it's the best option if you sale half of your land in batangas." Pangungumbinsi niya.
"Hijo..." Iiling iling na sabi ng Senior sa kanya na wari ba'y nakukuha nito ang pakay niya.
"I need that land too, but I can give it to you, not in half but the whole hacienda."
Nangunot naman ang noo niya ng mapansin niya ang kislap sa mata nito, something is not right here."Spill the deal sir." Natawa naman ang Senior.
"You are smart hijo, mana ka nga sa ama mo. Well here's the deal listen carefully..." Nagsalin muna to ng alak at ininom iyon.
"Ipapamana ko sa iyo ang kalahati ng yaman ko pati ang buong hacienda sa batangas kong papakasalan mo ang anak." Sa hindi maiwasang napahalakhak siya ng malakas at ganun din ang Senior.
Tinungga niya ang isang baso ng alak.
"Is this for real?"
"Yes." Seryosong sabad ng Senior sa kanya, napamaang naman siya, Fuck it! what the heck?
***
Thank you 😄
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Daughter
ChickLitMen are chasing the billionaire's daugther, but he's not one of those men.