MIGUELLA
Simpleng kasal lang ang gusto ko, tutal kami kami lang naman ang nandoon bakit gagastos pa? at saka uuwe din naman pagkatapos.
Naayos na nila nanay ang mga gusto nilang ayusin gaya ng reception place, sa pagkain sila na ang namili, ay nako! pakainin n'yo ng bagoong at kanin yang mga yan solve na! pero syempre knowing my nanay, she want everything in plan. Mga malalapit na kaibigan lang ang naimbitahan, mga kamag-anak namin na hindi ko naman masyadong kilala.
Wala akong inimbitahan na mga kaklase ko dati, like what I said Augustos Cesar is my only friend na nagstick to one sakin. Since Civil wedding lang gagawin sa america, nagrequest lang ako kay nanay ng simpleng damit. Bakit? kailangan pa bang mag-gown? kalokohan lang naman tong pinasok ko?
My father is happy, laging silang magkasama ni Victor Hugo, feeling ko si tatay ang pakakasalan niya at hindi ako (laughtrip). Kasama na din namin siya kumain tuwing dinner, ewan ko ba kina nanay at tatay! talagang pinanindigan ang kasunduan!
Tinitignan ko ang sarili ko ngayon sa salamin, siguro naman hindi na magiging mahigpit ang nanay at tatay dahil mag-aasawa na ako diba? at dahil dyan pwede kong gawin ang mga gusto ko dahil di na ako hawak ni nanay at tatay sa leeg? I know Victor Hugo will not interfer on my plan, remember he needs me, he need my hand for a marriage and he must be grateful because I said yes.
"Ma'am kulutin natin ng unti ang buhok nyo ma'am"
Lumapit na sa akin ang babaeng hinire nila nanay na maging tagay ayos ko."No need na, gusto ko ganto na buhok ko, salamat"
Sakto naman na bumukas ang pinto at lumabas doon si Augustos na naka-americana, ang gwapo ng bakla!"Be! Bat ang simple naman ata ng wedding mo? be seryoso ka ba talaga dito? parang walang ka-effort effort!"
Hinampas ko naman ang gaga."Anong walang effort! hoy! nandito tayo sa America yun palang effort na, at saka masarap pagkain mamaya sa reception mas mahalaga ang kainan kesa sa kasal"
Wala namang nagawa si bakla kundi ang umikot ang mata.Kumatok na si nanay, gora na daw kami. Sumibats na kami. Pagkadating namin doon, nandoon na din sila. Kung titignan mo kami parang di kasal ang pupuntahan namin, parang business meeting lang.
We signed our marriage contract, Tinignan muna niya ako bago niya ipasok ang singsing sa kamay ko. What's with the stare? backout na ba?
Mabilis lang naman ang pangyayari the jugde declared us husband and wife, we did our first kiss. I was expecting him to kiss me on my lips pero waley sa cheecks lang daw, edi wow!
After our wedding, we hold each others hand. No meaning, holding hands lang naman. Naglakad na kami papunta sa reception, simpleng salu-salo lang naman iyon pero medyon binunggahan ng unti.
Nandoon ang mga malalapit na investors ni tatay, yung mga kaibigan nila, di naman sobrang rami pili lang din.
"Salamat"
Dinig kong sabi niya. Tumango lang ako"Gawan mo ng paraan ang pagpunta ko sa greece"
"Wag kang mag-alala, I already told you about our deal"
Ngumisi naman siya."But I'm coming with you to greece"
parang nagslow mo ang paglaki ng mata ko. K-kasama ko siya?"Bat kasama ka pa?"
"Kailangan, I told them that we will spend our honeymoon in Greece, specifically to Santorini"
Nanlaki talaga ang mata ko."Gago ka ba? bat mo sinabi sa kanila yun?"
wala akong nakitang reaksyon sa mukha niya, nag-usap na kami!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Daughter
ChickLitMen are chasing the billionaire's daugther, but he's not one of those men.