MIGUELLA
Maaga pa lang umalis na kami ng metro dahil mahaba habang biyahe, isa pa gusto ko makarating doon ng maaga pa kaysa gabi.
"Sakay tayong kabayo pagdating"
Nakatutok pa rin ang kanyang tingin sa harapan, tinignan ko ang dinadaan namin, malapit lapit na din kami sa bayan."Sige, alam mo kinakabahan ako kyah"
"Bakit naman?"
For almost five years makikita ko uli sina nanay at tatay, dati kasi gusto nila akong bisitahin sa greece pero ako laging ang umaayaw, that time nagsisimula pa lang ako ng sarili kong buhay for sure kung makikita nila ako doon na ngtatrabaho sa isang coffee shop sa Thessaloniki baka pabalikin naman ako ng pinas. Buti na, lang nandyan si Victor.
"Kina nanay at tatay, may nakwento ka ba sa kanila?"
Nagtataka naman niya akong sinulyapan."Tungkol naman saan ang ikukwento ko?"
"Tungkol sa ginagawa ko sa Greece"
Niliko muna niya ang sasakyan saka niya ako sinagot."I told them about you being matured and practical"
Napangiti naman ako sa kanya, matured yes, practical yes, it took me four years to developed those traits though."Proud kaya sila sa akin?"
"Why not? You're a strong woman"
"Maniniwala ka?"
Tumango siya sabay ngiti. Victor and his comforting words, kaya siya pinagkakatiwalaan ng Ama niya dahil he is sensible, reliable and persistent to his work, kung tutuusin hindi naman talaga niya kailangan pang magstay sa akin at samahan ako sa mga trip ko sa buhay, but here is he.
"Do you have plan marrying Angel Velasco?"
Natanong ko out of nowhere."I have, pero malayo pa. Madami pa akong aayusin bago magsettle down"
He's thirty five now, baka lolo na siya kung nagkataon."Ang tanda mo na kyah, dapat magpakasal kana"
"Anong tawag mo sa atin"
Biro niyang sabi, malakas ko naman siyang nahampas sa braso. This is not an ideal married life, pero there is no such thing as ideal, but ours is wrong because we start it in a wrong line."Yung kasal na sinasabi ko yung whole heartedly; including the soul, ay committed lang sa isang tao, our marriage is an epic kung baga sa kwento walang amour"
Nakita ko na ang malawak na niyogan ng mga Ganavan, balita ko pinaghahatian na daw yan ng mga taga bayan. Namatay na kasi ang may-ari ng lupa pero ang nakasaad sa last will ng matanda ibibigay yun sa mga mamamayan ng Bayan Palilan na walang lupa, yun nga lang kailangan nilang applyan yun. Hindi ko alam kung bakit ganun ang last will ng matanda gayong may anak ata iyon, isang lalaki, bakit di na lang pinamana sa anak ang lupa niya?
"W-wait Kyah!"
Hininto niya ang sasakyan, nakatigil kami sa malawak na niyugan ng Ganavan. Binaba ko ang car window at dumungaw sa labas."Bakit?"
Lumingon ako sa kanya at binalik ko naman ang tingin sa niyugan."Alam mo ba noong bata pa ako pagtinitignan ko ang niyugan natutuwa ako, ang tataas kasi nila tapos sa tuwing humahangin ng malakas sumasayaw ang katawan nila"
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Daughter
ChickLitMen are chasing the billionaire's daugther, but he's not one of those men.