CHAPTER 10

2.2K 66 1
                                    

PAGKABALIK na pagkabalik ni Victor sa ospital ay kinausap agad siya nito ng kanyang kapatid. Natatawa na lang siya habang nakikinig dito.

"Bakit di mo na lang kasi gawing girlfriend iyong babae kuya? baka pwedi ko siyang maging mommy"

"May girlfriend na ako Ivy si Angel, diba nakita mo na siya"
ngumuso naman ang bata habang naghalukipkip.

"Ayaw ko sa kanya, parang maarte yun, ikaw ba gusto ng girlpren na maarte?"
lumakas naman ang tawa niya. His sister hate his girlfriend sa una pa lang na dinala niya ito sa bahay nila.

"But she's kind Ivy"

"Well I don't see that kindness on her"
itinawa na lang niya, napasulyap naman siya sa mama nita sakto naman na dumilat ang mata nito.

Nagpatawag agad siya ng nurse, sinuri nito ang kanang ina, ok na ang kalagayan ng kanyang ina kahit paano. Pero tuloy paein ang gamutan rito.

"Anak, salamat"
hinawakan nito ang kanyang kamay, ngumiti lang siya at sinubuan ang ina ng sopas.

"Kumain ka na ma, you need to gain weight para naman matuloy ang operasyon mo"
nasa gilid naman niya ang kanyang kapatid na si Ivy na busy sa kakapanood ng cartoons sa cellphone niya.

"Kamusta ka anak? ang papa mo?"
hindi niya alam kong anong kalagayan ng kanyang ama ngayon, huling punta niya ay nagkasagutan sila dahil sa kanyang mamanahin.

"Ayos naman siguro siya ma, hayup yun kaya matagal pa yun mamatay"

mahina naman siyang hinampas ng ina niya.

"Ikaw talaga, wag kang ganyan sa papa mo, kong anong meron tayo yun ay dahil din sa kanya, at mahal ka nun anak"

Hindi na lang siya umimik, kong alam lang ng nanay niya ang kondisyon ng ama niya baka ikagalit niya ito, at ayaw niyang magdagdag ng konsimisyon.

"Anak ko"
hinaplos nito ang mukha niya, napapikit naman siya at dinama ang kamay ng kanyang ina, He will exchange everything just to have his mom in his side.

"Ma.. kain kana"
nakatingin kasi ito sa kanya ng malamlam.

"Wala ka bang balak magkapamilya anak?"

"May pamilya na ako ma, kayo"
tumawa naman ito ng mahina bago agawin sa kanya ang kutsara.

"Pamilya na sayo anak, yung magkaroon ka ng asawa at mga sarili mong anak"
iniisip niya kong sasabihin ba niya o hindi, pero huli na ng mapigilan niya ang kanyang dila. Nabanggit na niya!!

"Magpapakasal na ako ma"
nakita niya kong paano nagliwanag ang mukha ng kanyang mama.

"Talaga anak? si Angel ba?"
umiling siya, hindi parin nawala ang galak sa mata ng kanyang ina.

"Gusto ko siya makilala anak"

"Kaya magpagaling ka ma, next week pupunta tayo doon para mamanhikan"
magana naman itong kinain ang sopas. Napabuntong hininga siya. Wala ng atrasan.

ONE MONTH LATER

S

INUSUKLAYAN niya ang buhok ng kanyang kapatid, nakaayos na ito habang nakaharap sa salamin.

"Bakit ba kasi kulot ako? mas maganda kong ipapasstraight ko ito!"

Matapos niyang suklayan si Ivy ay inayos niya ang pagkakatupi ng manggas ng polo niya. This day is his day, mamamanhikan na sila sa pamilya San Florida.

Kasama niya ang kanyang ina at si Sebastian. Nabalik na sa kanya ang mana, oras na maikasal siya kay Miguella San Florida ay mapupunta sa kanya ang halos 1/4 ng ari ari-an ng mga Agravante na mariin naman tinututulan ng asawa ni Sebastian.

The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon