CHAPTER 7

2.4K 66 0
                                    

PAGKAUWI na pagkauwi  ni Victor Hugo sa bahay ng kanyang Ina ay agad siya nitong sinalubong ng yakap, naguguluhan man ay niyakap naman niya ito pabalik.

Nasa sala nila ngayon ang abogado ng kanyang ama na si Atty Garcia.

"Attorney.."
tumango naman ito at nagsenyas na umupo muna siya, sinabihan muna niya ang kanyang ina na na ipaghanda sila ng maiinom, pumayag naman ito.

"Nandito ako Victor dahil sa bilin ng ama mo"
patay na ba ang ama niya? ang alam niya naospital pa lang ito ah. Tumango muna siya rito

"Kung sakaling anoman ang mangyare sa iyong ama ay  minabuti niyang alam mo ang iyong parte, basahin mo ito hijo, yan ang last will niya, lahat na anak niya ay pinaalam na niya sa kalagayan ng kanilang mamanahin"

Binasang maigi ni Victor Hugo ang nakasulat sa testamento ng Ama, mas lalong kumunot ang noo niya ng mabasa niya ang parte niya.

"Ano to Attorney? Agravante Hotel at sampong hectaryang lupa sa batanggas ang mamanahin ko? at may kondisyon pa bago ko ito makuha!"

Hindi naman siya naghahabol sa lupa ng kanyang ama, pero may karapatan siya dahil anak siya nito, hindi niya kasalanan kong anak man siya sa labas. Sa nakita niyang hatian luging lugi siya, ang mga kapatid niya na anak ni sebastian kay Hara ay madaming nakuha, samantalang siya ay kakarampot lang! at may  kondisyon pa!

"Yang ang binilin sa iyo hijo, hindi ko naman iyan pweding baguhin, narito lamang ako para ipagbigay alam anh parte mo."

naikuyom niya ang kamao niya. Gusto niyang makuha ang yaman na mamanahin niya dahil bilang kabayaran na lang ito ng ama niya sa pananakit nito sa kanyang ina, kung tutuosin ay di ito sapat.

"Ano ang kondisyon ni Papa attorney"

"Papakasalan mo ang anak ni Miguel San Florida"
Napatulala naman siya saglit, nang marealized niya kong ano yun ay saka siya humalakhak ng todo.

"Tangina! anong tingin niya sakin tanga? Sabihin mo hindi ko kailangan ang yaman niya, pasensya kana attorney pero punyeta yang Sebastian na yan! karapatan kong magkaroon ng mana dahil anak niya ako pero sa kondisyon niya mukhang malabo ata akong magkaroon"

Inayos na ng attorney ang mga papeles at inilagay na nito sa case nito, lumapit naman ito sa kanya at tinapit siya sa balikat.

"Pagpasensyahan mo na si Sebastian hijo, kahit din ako ay may bagay din na di maintindihan sa kanya, matagal na kaming magkaibigan pero hindi ko parin mahuli ang isip niya minsan. Kung kailangan mo ako hijo ay makakaasa kang matutulungan kita, tawagan mo lang ako"

"Maraming salamat Attorney"
Hinatid niya ito hanggang sa labas ng kanilang tahanan.

After the attorney was out he thinks about Miguel San Florida's deal, possible may kinalaman ito, Sebastian ang Miguel are friends in partner in business.

Damn them!
"San ka pupunta anak?"
tanung ng nanay na ng makita siyang papaalis.

"Kay papa ma"
tumango naman ang kanyang ina.

Mabilis na sumakay siya sa kanyang kotse at pumunta sa ospital, ang kaso malas ata siya dahil wala na ang kanyang ama doon, nakalabas na daw ito.

Wala siyang nagawa kundi ang pumunta sa Mansion ng mga Agravante. He hated being there but he need to ask something.

"Good afternoon sir!"
bati sa kanya ang guard ng makababa sa kanyang kotse.

"Where is papa?"
sinalubong siya ng mga maids.

"Nasa kwarto po sir"

"Nandito si Madam Hara?"
tanong niya sa maid, umiling ang mga ito. Wala din ang kanyang mga kapatid sa ama nakabukod na sila pwera lang kay Vanessa Agravante.

The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon