MIGUELLA
MAAGA palang ay nagorder na ako ng pancakes at hot choco, ang sarap talaga ng pagkain dito! kaso nasakit sa bulsa ang presyo buti na lang at may VIP card ako.
Nagorder ako ng isa pang breakfast meal, ang kaso di pa dumadating, tae! nag-order ako 7 am mag seseven thirty na ay wala pa, ang tagal naman ata ng pagkain ko?
Binuksan ko ang pinto ng room ko para tignan ang hallway, baka kasi paparating na. Pagkabukas ko ng pintuan ay may lalaking matangkad na nakapamulsa habang nililibot nito ang paningin sa paligid ng hotel.
Baka first time. Natawa naman ako sa iniisip ko. Baka naman customer din gaya ko. Inobserbahan ko ang tinitignan niya, mukhang yung style ata ng hotel ang tinitignan niya. Well maganda naman talaga ang hotel.
"Alam mo mas maganda kong isang style lang ang ginamit nila." Di makatiis na komento.
Napalingon naman siya sa akin, hmm! infairness gwapo si kyah ha! Tinignan ako nito na parang sinusuri ang kabuuhan ko, bigla naman akong naconsious, nakarobe lang ako.
"But I like the hotels style, its unique." Sabi niya, well unique nga ang style ng hotel
"Unique siya pero parang disorganized? mas maganda kong isang country lang ang pinagkuhanan nila ng style, since nasa philippines tayo, bakit hindi na lang filipino style? since madaming foreigner ang nagrerent ng room dito." Humarap ito sa akin, mukhang nagkainterest sa sinabi ko ah
"Talaga?"
"Oo, teka sang room ka? dyan?" Tinuro ko ang katapat ko na room, tumango naman siya. Wow magkatapat pala kami ng tinutuluyan
"Sige nashare ko lang." Tutal wala naman yung breakfast na hinihintay ko naisipan kong pumasok na, mukha naman kasing paalis na itong lalaking to.
Tatalikod na sana ako ng tinawag niya ako, napaharap naman ako sa kanya.
"What?" Tanong ko.
"Would you like to invite me inside?" Huh? nalilitong tinignan ko siya? why would I invite him inside, teka nga!? baka naman namiss interpret niya ha!
"W-why should I invite you Mr?" Tumaas nadin ang kilay ko.
"Nothing." Agad naman ako nitong iniwan at nagmadaling sumakay ng elevator paakyat, teka? paakyat? restricted area doon ah!
"Bawal dyan hoy!" Sigaw ko bago magsara ang pinto ng elevator, pero parang baliwala lang niya, edi wow! bahala siya dyan! basta sinabihan ko siya. Ang weird naman ng lalaking yun?
"Baka akala nun nakikipagflirt ako sa kanya! huh! kapal mukha ah! porket nakipag-usap ako ibig sabihin ba n'on maybalak?" Bakit ko naman aayain siya sa loob? anong ibig nung sabihin? Feeling n'on ah!
Nag-ayos na ako ng mga gamit, kailangan kong tumambay doonsa bayan para maghanap ng pwedeng mamirata sa aking bagong identity, ipupush ko na talaga itong pagtatago ko. Lahat ng pera ko nakafreeze sa bangko, naisahan ako ni tatay at nanay pero nakawithdraw na ako, yun nga lang ay sasapat lang yun sakin ng pang dalawang buwan.
Pagkanaubos na ang pera sa loob ng dalawang buwan ay yare tayo kaya kailangan ko ng work, kahit kunti kita basta mapapatos ako ng kaunti ok na. Pero I need change my name, baka kasi matrace nila nanay at tatay, I knew them well.
After ko mag-ayos ay sakto naman na nandyan na ang breakfast meal na inorder ko.
"Tagal ah, traffic ba?" Pang-aasar ko na sabi sa staff ng hotel, humingi naman ito ng despensa.
"Sorry ma'am." Nag thumbs up na ako at binigyan siya ng kaunting tip.
Kinain ko na ang breakfast meal nila, shit sarap! kaya sikat tong hotel na to eh, di lang pagkain masarap pati din ang serbis.
Since two days naman ang rent ko sa room medyo hayahay pa ako kunti, pero di ako pwedemagtagal lalo na't pangalan ko ang nakalagay sa card, yari ako kong nagkataon once na matrace nila nay at tay.
"Bayad kuya sa bayan yan." Ang init! nako dapat masanay na ako.
***
PAGPASOK na pagpasok niya sa S Suite ay agad na nagsimula ang mga staff sa presentation, hindi parin maalis sa isip niya ang dalagang nakita niya kanina.
Maganda nga ito, walang duda lalo na kanina na nakarobe lang ito, what if she take it off?, niluwagan niya ang necktie niya bigla. Napansin naman niya ang pananahimik ng presentor.
"Ah sir, are you ok? what can you say to our design?" Shit! nawala na siya sa isip niya!
"Ah, continue discussing." Mando niya dito.
"Sir tapos na po ang presentation namin." Nagtaka namang tinignan siya ng mga staff, tumikhim muna siya, kinuha niya ang folder na nakapatong sa desk niya at tinignan ang print out ng layout ng irerenovate, so far impressive naman.
Biglang may nagflashback sa kanya..
'Alam mo mas maganda kong isang style lang ang ginamit nila'
"Pano kong isang style lang ang gagawin ng hotel? would it be better?" Sabi niya, nakita niya ang palitan ng tingin ng ilang staff.
"Ah sir, ok naman po, pero ang Agrvante hotel ay isang multi-culture theme hotel." Alanganing natanong nito. Nagkibit balikat na lang siya, well he just want it to voice out.
"Ok, back to the designs, the designs are ok but I hope you do more stunning printouts, by the looks of it..." Tinaas niya ang folder na may lamang design at saka binagsak sa mesa sabay sandal sa swivel chair.
"It looks like a crap, Produce me a print out copy more stunning than this one! what the heck! paano ko malalaman kong maayos ang designs na gagawin n'yo kong gantong klase ng hard copy ang ipapakita n'yo sakin?" Uminit bigla ang ulo niya, he wants everything be on its almost pefect standard. He is a detail oriented guy.
"Si-sige po sir, sorry po." Tumayo na siya at tinawagan ang ina niya, pero bago siya makalabas ng hotel ay napadaan siya sa Check lobby, sa di malamang dahilan ay pumunta siya doon.
"Good day Sir."
"May I know the name of the customer na-naka check-in sa room 2214?"
"Ok sir, give me a sec sir." May tinatype ito sa laptop ng hotel.
"Ms. Miguella San Florida sir, nakabook po siya ng two days at one night." Tumango naman siya at umalis na, nang makasakay na siya sa kotse niya ay hindi muna niya ito pinausad, he open his instagram account and search the woman's name.
Madaming lumabas na pangalan na ikinakunot ng noo niya, famous? Hanggang sa inopen niya ang isang account, hindi ito nakaprivate kaya kitang kita niya ang madaming larawan ng dalaga.
He scroll it down until two pictures got his attention, he click it. Nandoon si Miguel San Florida at ang maybahay nito, nasa gitna naman ng mag-asawa si Miguella. May caption ito na 'with nay and tay'
Ito ba ang nagiisang anak ni Miguel San Florida?
Ngumisi naman siya.
***
6618:10:36Salamat sa pagbabasa
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Daughter
ChickLitMen are chasing the billionaire's daugther, but he's not one of those men.