MIGUELLA
Nasa labas ako ng bahay nila Augustos Cesar. Nakaupo sa lumang kahoy na hagdanan nila habang kumukuyakoy at may nakatangan na dahon sa bibig.
Sa ngayon wala akong balak umuwe, pokeng yan! tumakas nga ako diba.
"Hoy babae, pasok ka na dini at kakain na naghain na kami." Masaya naman akong pumasok sa bahay nila, syempre feel at home lang, nakita ko naman ang mga kapatid niyang sina Ata, Etah at Itah, ewan ko kong bakit ganyan ang mga pangalan ng mga yan basta alam ko kapatid niya yan.
"Wow! kuya litson manok!" Tili ng kapatid niyang si Itah ng makita niyang tinanggal na sa pagkakabalot sa supot ang ulam na binili ko para sa amin.
"Oo, libre yan ni Ate Migs mo"
"Thank you ate." Sabay sabay naman nilang sabi, ngumisi lang ako at nagsimula ng kumain, nakakamay ako habang kumakain, kinanganga naman ng mga kapatid ni Augustos.
"Diba pagmayaman nagkukutsara? ang dami nga ninyong kutsara sa lamesa na nakadisplay bakit ka nagkakamay ate?" Nagkibit balikat lang ako at dumakot ng kanin mula sa plato ko.
"Di uso kutsara sa akin eh"
"Astig! lodi talaga kita ate! werpa na sa ganda, petmalu pa sa porma san ka pa!" Masayang sabat ni Atah, well yeah.
Malapit na kaming matapos kumain ng umalis si Augustos, may tawag siya na sinagot, shit! alam ko na kong kanino galing, nyeta! wag lang talagang magkakamali itong Augustos Cesar na ito!
"Sino yun ha? si nanay at tatay ba?" Maangas kong sabi habang kinukwelyuhan siya, nasa labas uli kami ng bahay, sinundan ko siya. Hindi niya kasi ugaling umalis pagmaytumatawag sa kanya sa cp.
"Chill ka lang bessy, eh kasi! nalaman ng mudra mo na wala ako sa store kaya matik na na ako talaga kasama mo."
"Ano sabi nila?" Umupo ako sa mababang baitang ng kahoy nilang hagdan.
Bumuntong hininga muna siya bago niya nilabas ang suklay mula sa bulsa niya at sinuklay sa buhok ko, umupo siya sa likod ko.
"Bebe naman kasi, umuwe kana, alam mong lab na lab kita pero bebe mas werpa ang mudra at pudrabells mo, kahit na itago kita sa kabinet namin, gagawa parin sila ng paraan mahanap ka lang, bakit ba kasi di mo na lang tanggapin na yan talaga ang destined mo, ang magmana ng sangkatutak na yaman. Mas maganda nga yon eh kasi madami kang pera, madami kang magagawa bebegurl."
"Tanga! kala mo lang talaga!"
"Bakit naman ha?"
"Yan sina Nanay at tatay control freak, lahat dapat nakaayos, ayaw ng go with the flow, lahat dapat planado at I hate that way. I am unplanned, I like surprises at mess, I cant explore myself more dahil sa kanila. All my life I had been under their spell, I dont have a will to choose which is which, they do it for me because they said they loved me so much."
"Oh? buti ka nga may parents ka, you're lucky enough bebe ko, kaya umuwe kana bago ko tawagan ang parents mo!"
sinabunutan ang buhok niya at malakas siyang tinulak."Tarantado ka talagang bakla ka! bakla! bakla!" Inirapan lang ako nito at kinuha ang cellphone saka dina-ial ang tatay ko! nyeta!
"Nandito po si Miguella tito! tinawag akong bakla ng gaga! kala mo ikinaganda niya yan!" Inis na umakyat ako sa bahay nila at kinuha ang back pack ko, kailangan ko na umalis dito, kainis kasi itong si Augustos! mamatay ka na! mamatay kana!
"San ka pupunta ate? gabi na ah?" Tanong ni Itah sa akin ng makita niya akong bitbit ang bag.
"Tanungin mo yang magaling mong kuya, sabihin mo ang panget niyang bakla!" Nakita ko naman si Augustos sa sala, parang naiiyak na na ewan. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Daughter
ChickLitMen are chasing the billionaire's daugther, but he's not one of those men.