Pagkatapos tuloy ng klase namin ni Nick ay agad kong tinext si Mike kung nasaan siya. Sabi naman niya na nasa bar daw siya malapit sa campus. May gig daw sila. Napag isip isip naman ako kung pupunta ba ako.
Tinext ko na lang siya na baka dumaan ako pagkatapos kong mag aral ng kaunti. Kailangan ko din kasing mag advanced reading para sa iba sa mga klase ko eh.
From Mike:
I'll come get you
To:Mike
Wag na, malapit lang naman.
From: Mike
What time are you coming here?
To Mike:
Siguro mga 8pm na.
Hindi na siya nagreply sa text ko dahil siguro na caught up na din siya sa performance nila. Alam ko naman na kung saan yung bar na yun. Lagi kasi silang nagpeperform dun, kaya lagi ring madami na ang mga tao.
Pumunta na muna ako sa library at ginamit yung isa sa mga computers doon para iprint out yung mga powerpoints at study guides ng prof namin. Nagbasa lang ako ng kaunti at siguro mga 7:40pm na ako natapos.
Pagkatapos kong mag ayos ng gamit ko ay naglakad na ako, making sure na tama yung dinadaanan ko papunta doon sa bar. Alas sais na ako nakaalis ng lcampus kaya medyo dumidilim na din.
Pagdating ko sa area malapit sa bar, kitang kita ko na madami nang naglalasing at nagpaparty. Buti na lang nagpalit ako bago umalis ng campus, or I would really stick out. Nag suot lang naman ako ng pencil skirt and a white top since hindi naman talaga ako magpaparty doon.
Nakita ko na may iba't ibang lalaki na nakatingin sa direksyon ko, kaya medyo natakot ako. Yung iba kasi, manyakis kung makangiti sa akin. Yung iba naman, mukhang matatanda na pero grabe kung makatingin.
Napaphila tuloy ako sa suot ko, trying to cover up as much as I can.
Hindi rin naman kasi ganun kaluwagan yung daan between the bars, kaya mas lalo akong kinabahan dahil malapit lang din yung mga lalaki.
Kaunti na lang naman na yung lalakarin ko. I just breathed in and breathed out at sinubukan kong pakalmahin yung sarili ko.
Nagulat ako nang biglang may humila sa braso ko.
Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko si Nick pala iyon.
"What the hell are you doing here?" medyo galit niyang sabi.
Iba yung itsura ni Nick. Hindi kasi siya naka uniform, kaya iba yung vibe niya. Rather than nerdy or tahimik, makikita mong maayos yung pananamit niya at parang saktong sakto pampunta ng bar.
"M-Mike has a gig just a few bars from here." medyo kinakabahan kong sagot. Hindi kasi ako sanay na naglalakad mag isa dito. Usually si Mike ang kasama ko, and we would just drive there.
Tinignan lang ako ng ilang sandali ni Nick na halatang nababadtrip, sabay tingin sa mga lalaking mukhang kanina pa nakatingin sa akin.
Niluwagan niya yung hawak niya sa braso ko at medyo nawala sa mukha niya yung medyo galit na expression niya kanina.
"I'll drive you there." sabi niya sa akin at tuluyan nang binitawan yung braso ko.
Hindi naman ako tumanggi at nagmadali pa nga akong sundan siya papunta sa kotse niya. Lumapit kami sa isang iti na BMW at namangha na lang ako kasi hindi ko inexpect na may yaman palang tinatago si Nick.
"Get in." sabi niya sa akin at binuksan na niya yung pinto niya at sumakay na rin ako sa kotse.
Sinuot ko agad yung seatbelt at umupo ng maayos. Naalala ko kasi yung mukha kanina ni Nick. Sobrang iba dun sa 'I don't care about anything' look niya nung kasama ko siya.

BINABASA MO ANG
The Passenger Seat
Любовные романыDoes time define how strong a friendship is? Mula noong gumraduate si Mia sa high school ay lagi na lang niyang kasama si Michael sa buhay niya. Sa loob ng isang magulong bahay, si Michael ang kasama niya para makalayo sa mga problema niya. Pero, ha...