Ilang linggo na din since bumalik si Jenna sa buhay ni Nick, at halatang hindi natutuwa si Rica.
Hindi ko alam kung paano, pero alam na ni Jenna yung buong school schedule ni Nick. Si Rica nga, ilang beses nang nag inarte at sinabing puro dakdak daw si Jenna tungkol sa pagpunta niya ng states eh.
"She's so pretentious! Si Nick nga, parang robot na lang kung tumango dahil paulit ulit na din yung kinukuwento ni Jenna eh." sabi ni Rica, stabbing a fork into her pastry.
Ever since she came back, I barely had time to talk to Nick. Lagi kasing biglang sisingit si Jenna sa mga usapan namin. Hindi na nga rin ako maihatid pauwi ni Nick dahil sa iisang building din kumuha ng unit si Jenna.
"Pero you gotta give it to her, she is really persevere." sabi naman ni Carla "Kasi kung ako yung nasa sitwasyon niya, tapos ganun kung makataboy si Nick, unang linggo pa lang ay nag quit na ako!"
I would be lying if I said that I didn't mind having her around. Although nakikita ko namang nag eeffort si Nick to hang out with just the two of us, talagang nakakasingit pa din si Jenna.
"Pero bakit parang hindi naman talaga tinataboy ni Nick si Jenna? Di kaya may feelings pa yun?"
Agad namang nag protesta si Rica sa sinabi ni Ella.
"Hell to the NO! Lagi na lang kasing may soft side iyang si Nick pagdating kay Jenna. Kumbaga, their closeness is similar to what that Michael dude and Mia had." sabi ni Rica.
Kesa maganahan ako sa sinabi niya ay mas lalo akong nanlumanay.
If what she said was true, ibig sabihin sobrang close nga talaga sila. Yung tipong, kahit mag away man sila ng ilang beses, their history will always be there. The history of them being in love and being there for each other is staying no matter what.
We finished up at the cafe and I had my dad pick me up. Lately it's either my dad or Rica who gives me a ride home. Lagi kasing nagpapasundo si Jenna kay Nick, o kaya naman may emergency kaya walang choice si Nick kundi samahan siya.
"How has Nick been?"
Great, exactly what I needed.
"Okay naman po siya, dad. Medyo busy lang po kasi may friend po siyang bumalik galing states." sabi ko pero sinusubukan kong hindi malungkot.
"That's too bad. I wish he would come by and have dinner pa naman." sabi ni dad. Nakita ko kung gaano nadisappoint siya kasi hindi niya maimbitahan si Nick. Ang weird lang din dahil si Nick lang talaga sa mga kaibigan ko ang gusto niyang imbitahan.
"It's better if we don't hope too much on that. Malapit na din matapos ang sem, dad. Baka wala na kaming klase together." sabi ko naman. From the tone that I answered him, alam na niyang ayaw ko nang pag usapan iyon.
Other than Carla, Ella and Mike, I always never invest a lot of trust in people. Lagi akong nag dadadahan dahan pagdating sa pagkakaibigan. I think it's because when I was in high school, I saw so many betrayals and have been betrayed myself na medyo may trauma na din sa akin.
From: Mike
Hey, kailan ka free?
Mike has been texting me lately again. Since busy na din si Nick pagdating kay Jenna, I didn't really have anybody to turn to.
Don't get me wrong, hindi ako yung unang nag initiate ng conversations namin. Lagi niya lang akong tinetext ng kamusta, and I guess when I felt the loneliest, that's when I decided that I should give him another shot at being my friend.
To: Mike
Hmm...Tomorrow siguro? After class?
From: Mike

BINABASA MO ANG
The Passenger Seat
RomanceDoes time define how strong a friendship is? Mula noong gumraduate si Mia sa high school ay lagi na lang niyang kasama si Michael sa buhay niya. Sa loob ng isang magulong bahay, si Michael ang kasama niya para makalayo sa mga problema niya. Pero, ha...