1

48 0 0
                                    

Hindi typical ang unang pagkikita namin ng bestfriend ko. Nagsimula iyon lahat noong 4th year na ako sa high school nakisali ako sa isang christmas party ng pinsan ko si Jenna. Masaya naman, pero medyo na out of place ako dahil mas matatanda ng isa or dalawang taon ang mga taong nakapaligid sa akin.

Pero hindi yung bestfriend ko.

Nakaupo kasi ako nun sa isang upuan, wala na sigurong magawa sa party. Kaya ayun, tunganga lang ako.

Tapos, parang gaga lang akong nagulat na may isang lalaking papalapit na pala sa akin.

Si Michael.

Di man siya kaguwapuhan noon, grabe ang saya ko nung nakilala ko siya nung gabing iyon.

Dati kasi, hindi naman talaga ako yung taong confident masyado. Marunong naman akong manamit, as in parang casual at comfortable lang ang style, pero lagi akong nacoconscious sa sarili ko.

Pero nung nakilala ko siya, parang sobrang nag boost yung confidence ko nung gabing iyon.

"Oh? Bakit parang nag iisa ka yata dito?" sabi niya sa akin nun, at parang lahat sila nagulat na ako talaga yung kausap niya.

"Ha?" napalingon ako noon at talagang sinisiguradong ako talaga yung nilapitan niya. "A-ano...Wala kasi ako masyadong kilala dito. Inimbitahan lang kasi ako ng pinsan ko," medyo nahihiya kong sabi sa kanya.

Tapos nun, hinila niya ako, at sinali niya ako sa mga grupong nag uusap usap doon.

"Ano nga bang pangalan mo?" tanung niya.

"Mia" sagot ko naman.

At doon na nagsimula yung pagiging magkaibigan namin. Ang weird nga eh, lalo na at dalawang taon din ang tanda sa akin ni Michael.

Akala ko nung una, doon na magtatapos yung pagiging "friends" namin, pero hindi pa pala.

"What are you up to tomorrow?"

YAN! yan ang nagsimula ng lahat. Iyang text niyang iyan ang nagsimulang nagpagulo ng utak ko.

Paano ba naman? Halos dalawang araw palang kaming magkakilala, tapos biglang lagi na kaming nagtetext!

"Wala naman, mamimili sana ako ng regalo para sa pasko mismo." sabi ko sa kanya, since apat na araw na lang noon ay pasko na.

"I'll pick you up then?"

Napatunganga ako sa tinext niya.

Sorry, pero NBSB ang lola ninyo. Puro aral kasi ang inaatupag ko sa buhay ko. Meron namang mga lalaki na sinubukang tignan kung puwede nila akong ligawan, pero never pa akong lumabas na isang lalaki lang ang kasama.

Ayaw ko talaga nung una. Kinakabahan pa nga ako noon eh. Pag nakita kasi ng mga magulang ko na isang lalaki ang sumundo sa akin, siguradong maraming tanong at away nanaman ang darating niyan.

"Mag meet na lang tayo sa mall?" ask ko sa kanya.

Medyo matagal din bago siya nakapag reply noon, pero pumayag naman siya.

Pero doon nagsimula yung pagkakaibigan naming dalawa. Halos dalawang taon na din kaming magkaibigan, at marami rami na rin ang natutunan ko tungkol sa kanya.

"Mia! Bilis na! Baka malate ka nanaman nito!" sigaw niya sa labas ng bahay namin. Binilisan kong kumain, at tinignan ko sina mama at papa. Parang wala lang silang pakialam at hindi man lang ako tinignan.

Hinayaan ko na lang yun at tahimik na nagmadaling makalabas na ng bahay.

"Nako, bakit busangot nanaman yang mukha mo?" sabi sa akin ni Michael, sabay akbay sa akin. Kahit hindi ako umimik, isang tingin lang, alam na niya kung bakit.

"Do you want to sit in the back, maybe lie down?" tanung niya sa akin, at napangiti naman ako kaagad. Umiling ako sa kanya, at ngumiti din siya pabalik.

Tradisyon na kasi namin na ako ang laging nasa pinakaharap na upuan, kahit sino pa man ang kasama namin. Lalo na pag masama ang pakiramdam ko, o feeling ko ay maiiyak ako, sa harap niya ako pinapaupo at talagang mga para sa mga may pinagdadaanan ang mga pineplay niyang mga kanta.

"So? May gagawin ka ba after school?" tanung niya sa akin. Medyo napasimangot naman ako. Second year college na kasi ako, at siya naman graduating. Mas marami na siyang oras na magliwaliw since patapos na din naman na sila.

"Oo eh. Medyo nakakasakit na sa ulo ang major ko." sabi ko, sabay kamot sa ulo.

Biology major kasi ako. Since second year college na ako, medyo seryoso na sa major ang mga tinetake kong classes.

"Hayy...Ang lame naman kasi ng major mo. Masyado kang sumusunod sa gusto ng magulang mo." sabi niya.

Mayroon sa loob ko na medyo nainis sa sinabi niya. Yung parang, nairita ako sa kanya kahit na totoo naman.

Si Michael kasi ay isang Music major. Passionate talaga siya sa music, kaya nga kahit anong mood or sound, alam na alam niya kung ano ang babagay na pang background.

"Di ba nga dati? Sabi mo bago ka gumraduate, sabi mo gusto mo ng photography. So bibitawan mo na lang yung pangarap mong iyon?" sabi niya sa akin.

"Mike, hindi naman sa ganun. Ginusto ko rin naman itong major ko, lalo na at ginugusto ko pa rin namang maging doktor." sabi ko sa kanya.

Bumabalik nanaman kasi yung mga araw na puro aral na lang yung inaatupag ko. Dati rati kasi, nakakalabas pa kami lagi ni Michael, pero since second semester na, hindi na ako halos makalabas.

"Hayy...you're being too much of a conformist."

Natahimik na lang ako. Nilakasan ko na lang yung music na tinutugtog sa radyo niya at tumingin na lang ako sa labas.

Alam kong alam niya na galit ako. Pagdating na pagdating namin sa university namin ay agad na bumaba ako at iniwan ko siya. Alam kong ayaw niya iyon.

"Girl, bakit ganyan ang pes mo?"

Kanina pa kasi ako nakatunganga at nakasimangot sa klase. Hindi nga ako makapag focus ng maayos dahil alam kong nainis si Michael sa ginawa ko.

"Nakoo, nag away nanaman sila ng boylet niya." sabi ng isa sa mga pinaka malapit kong kaibigan na si Ella.

"Hay nako, Mia. Napapadalas na iyang pag aaway ninyo ah." sabi naman ni Carla.

Mas lalo akong nanlumo, kasi totoo.

Lately, since wala na ako masyadong oras na makasama kay Michael, ay laging yung pag aaral ko na yung inaatupag ko.

"Hindi ko siya boylet. Best friend ko lang." sagot ko sa kanila.

Lagi na ring pumupunta ng mga bar si Michael, puro party at gigs na lang ng banda niya ang inaatupag niya.

Alam ko din naman na pag pumayag akong sumama sa kanya, ay either sa gig or practice lang ng banda niya ang punta namin. Siguro, minsan, lalabas at kakain, pero laging ang tapos ay ang hangout nilang magkakabanda.

"Ewan ko ba. Gusto kong iprioritize ang sarili ko." sabi ko sa kanila. Tumango tango na lang sila at sumang ayon.

"Nako Mi, medyo nagiging toxic na yata sa iyo si Michael ah?" sabi ni Carla.

Napaisip tuloy ako kung totoo. Kasi, lagi na nga kaming nag aaway. Lagi na lang yung gusto niya ang dapat masusunod, na para bang wala siyang pakialam sa pag aaral ko.

"Best friend ko siya, Carla. Mahirap bitawan yung pagkakaibigan namin." sabi ko sa kanya.

Alam ko naman yung sinasabi nila, pero talagang grabe na ang alam at pinagsamahan namin ni Michael. Siya yung kaibigan kong laging nandyan, lalo na nung lumala ang mga problema ko sa bahay.

"Hayy...basta! Di ako boto sa kanya. Parang iba na ang vibes mo since dumating siya sa buhay mo." sabi ni Ella.

Hindi na lang ako sumagot, at nagsimula na lang yung klase namin.

Pagkatapos ng klase ko, tinignan ko kung nagtext man lang si Michael sa akin. Pero wala eh, ni kahit anong tanong kung okay lang ako, di siya nag send.

Umalis na lang ako at nag isip kung paano ako uuwi ngayong araw, dahil paniguradong hindi ako hinintay ni Michael.

The Passenger SeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon