It's been a week since we've had our lunch with Nick and Rica.
Nung lunch namin ay napag usapan namin yung sitwasyon ko about having a hard time finding somebody to drive me to school.
Lahat naman sila ay nagsabing puwede nila akong sunduin.
Ayaw ko namang si Nick yung maghatid sundo sa akin dahil nalaman kong sa kabila pala ang daan niya mula school. Sina Carla at Ella naman ay nag cocommute, which my parents really go against.
So, In the end, kay Rica na ako sumasabay ever since. Maayos namang kasabay si Rica, but I end up remembering Mike every morning.
Lagi kasing sa harapan ako pinapaupo ni Mike, but that was because there was a reason. May reason na kaming dalawa lang yung nakakaintindi.
Ilang beses ko na ding nakita na kasama ni Michael yung babaeng kinuwento nila Ella. Lagi na lang akong tumitingin pero pag nakikita niya ako ay agad kong inaalis yung tingin ko.
Lagi naman akong agad na nilalayo nila Ella at lagi akong nagpapasalamat na ginagawa nila iyon. Minsan kasi ay natutunganga na lang ako pagkatapos at hindi ko alam kung okay lang ba talaga ako.
"So, have you met up with him ever since?"
Nasa klase kami ngayon nila Rica at nagtatanung siya kung may narinig man lang ba ako galing kay Mike.
"He texts, pero hindi naman ako nagrereply. For the most part, he just keeps on asking kung kamusta na daw ba ako. I know I see him on campus, but he never really came up to me." sabi ko naman.
Sobrang nakakapanibago na wala si Mike sa buhay ko. Mabait naman sina Rica at Nick, pero syempre hindi ko pa sila ganoon kakilala.
And my past. They don't know about it yet. For the most part, ang nakakaalam lang nun ay si Mike.
"Well, gugustuhin mo na bang makipag meet up sa kanya?" tanung sa akin ni Rica.
Napaisip naman ako.
"I don't really know." matamlay kong sagot.
Isn't this the situation that I asked for? Yung kusa nang lumalayo sa akin si Mike at hindi ko na kailangang mag effort pa na iwasan siya?
"What about the girl? I heard that she's really pretty."
Nakuha naman ni Rica yung atensyon ko doon. Why am I affected like this? Wala naman akong pakialam di ba?
"I mean, they're probably just friends." di ko siguradong sagot sa kaya. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Bigla namang lumapit sa akin si Rica at nabaling na din ang atensyon ni Nick sa amin.
"Why? Would you feel jealous if they were more than that?"
I looked at her, confused at medyo creeped out dahil sobrang lakas niyang nakatitig sa akin.
I just purse my lips, not really knowing what to say."Hindi naman yata." sagot ko. I looked at Nick at nakita kong nakatingin na siya ngayon sa labas, arms crossed.
"Yata? So puwedeng maybe?" nakangiti naman ngayon si Rica and I could tell that she's teasing. Di ako sumagot at hindi ko rin siya matignan sa mata.
Mas lumapit siya sa akin at akmang bubulong sa tenga ko
"Joke lang. I know he's just a friend." I looked at her, even more confused, "I just wanted to make sure of something."
Lumayo na siya sa akin and winked, at agad naman niyang tinignan si Nick na mukhang ayaw man lang kaming tignan. Sinabihan naman ako ni Rica na hayaan lang siya, at sakto namang dumating yung prof namin.

BINABASA MO ANG
The Passenger Seat
RomanceDoes time define how strong a friendship is? Mula noong gumraduate si Mia sa high school ay lagi na lang niyang kasama si Michael sa buhay niya. Sa loob ng isang magulong bahay, si Michael ang kasama niya para makalayo sa mga problema niya. Pero, ha...