"What are you running around for?" Napatigil ako sa pagmamadali nang biglang tanungin ako ni mama.
"Lalabas po kasi ako kasama sila Nick." pagpapaalam ko sa kanya.
She looked at me for a second, and the minute she went back to their room, nagmadali naman akong maligo at magbihis.
Nang nakabihis na ako, nakita kong 5 minutes na lang ang natitira, I looked in the mirror and saw how tired my face looked. Late na din kasi ako nakatulog, kaya mukhang pagod tuloy ako.
"Fuck!" I didn't know what to do.
Hindi nagtagal ay tinawag ako ni daddy sa baba, sinasabing dumating na daw si Nick.
"Mia! Bilisan mo at nag aantay na itong si Nick! Kanina pa yata nasa labas eh!" sigaw ni daddy. Kulang na lang ay hilahin niya ako papalabas dahil sa excitement na makita si Nick.
"Pababa na po!" sagot ko at agad akong nagmadali, ni di ko man lang alam kung ano nga ba dapat ang gagawin ko.
I looked at myself in the mirror and just gave up. Hindi na ako nakapagmake up dahil napahaba yung pagligo ko. Nakaligo nga ako, pero mukha naman akong haggard.
Agad agad akong bumaba, at nagpaalam kanila mama at daddy. My mom gave me the usual suspecting look, while my dad can be seen smiling at me.
Pagkalabas ko, nakita ko si Nick na talaga namang biniyayaan ng kaguwapuhan. He was leaning on his car, just looking at his phone.
Naramdaman ko namang nag vibrate yung phone ko at nakitang tinext niya pala ako.
Nick: I think your dad already saw me, but I'm here.
Napangiti naman ako, at pagkabasa ko nang text ay nilapitan na niya ako.
"Hindi naman siguro ako masyadong maagang dumating, di ba?" sabi niya.
Agad tuloy akong napahiya. "Bakit? Ganun ba talaga ka haggard yung mukha ko?" kabado kong sabi.
"What are you talking about? You look fine!" Agad niya namang sinabi. "I was just asking kasi baka naman biglaan masyado yung pagsundo ko sa iyo."
Pagkasakay ko naman sa kotse niya, agad akong nanalamin. Narinig ko siyang tumawa, but I still went on fixing myself.
"Ano pa bang inaayos mo sa sarili mo? Ang ganda mo kaya."
Sobrang hindi pa talaga ako nasasanay sa pagtatagalog ni Nick, pero grabe din pala siya kung magpakilig! I felt less conscious of how I looked and even gave up fixing my face.
"I just feel like I look tired." sabi ko naman sa kanya.
"You look fine." sabi niya, "pretty as always."
Napatingin naman ako sa kanya, at siya'y ngiting ngiti na tinitignan lang ako. Magaling talaga mambola itong lalaking ito.
"You hungry? The cafe serves up really good coffee and croissants." sabi niya. Lumiwanag naman yung mood ko dahil narinig ko yung 'coffee'. Although gising na gising na ako dahil siya yung sumundo sa akin, di ko naman maipagkakailang mawawala din ito pag pumunta na kami ng klase.
"Yes, please!" sabi ko at natawa naman siya sa biglaang enthusiasm ko. Para naman akong tanga na napasaaw ng kaunti dahil lang makakalaklak na ako ng caffeine.
Pagdating namin sa cafe, wala pa masyadong tao since sobrang aga namin dumating.
"Go find us a seat and I'll get the both of us something." sabi sa akin ni Nick. Ngiting ngiti naman akong sumang-ayon at naghanap ng upuan na nasa may bintana.

BINABASA MO ANG
The Passenger Seat
RomanceDoes time define how strong a friendship is? Mula noong gumraduate si Mia sa high school ay lagi na lang niyang kasama si Michael sa buhay niya. Sa loob ng isang magulong bahay, si Michael ang kasama niya para makalayo sa mga problema niya. Pero, ha...