I was kind of disappointed nung bumalik na sa bahay sila mama.
Nakita kasi nilang medyo maga daw yung mata ko, so natanung nila kung nagka anxiety attack daw ba ako. Hindi ko naman madeny, kaya tumango na lang ako.
"Do you want to schedule a meeting with Doc Patrick? He did say that he'll always have a spot ready for you to take." sugges ni dad.
Matagal na naming kilala si Dok Patrick and we've made several appointments with him before. I know my mom went through depression when her dad died habang ako naman ay dati nang nagpacheck dahil sobrang nastress ako during my sophomore year in high school.
Wala na akong nagawa at pumayag na lang. Agad nang tinawagan nila dad si Dok Patrick at sinabing may appointment daw ako bukas ng umaga.
After dinner, umakyat agad ako sa kuwarto ko at tinext si Nick.
To: Nick
I can't go tomorrow. Next time na lang?
From: Nick
It's fine. Are you okay? Are you still going to class?
Nag isip agad ako ng excuse para hindi na niya kailangan pang mag alala. Pag sinabi ko kasing may appointment ako sa doktor, baka kung ano pang gawin nun at mag alala pa sila pareho ni Rica.
To: Nick
I just need a break for tomorrow, pero sobrang okay lang talaga ako.
From: Nick
Alright. I'm just a text away.
Natuwa naman ako at hindi na siya nagtanong pa. Medyo nanghinayang din ako kasi naexcite talaga akong mag breakfast ulit kami ni Nick.
I was hoping to see that side of him that people barely get to see. Yung madaldal siya o kaya naman ay nagjojoke man lang.
Kinabukasan ay hinatid ako ni dad sa office ni Doc
"How have you been?" tanung sa akin ni Doc Patrick. He was smiling but I can tell that he was ready to get serious.
Out of all the other people in my life, si Doc Patrick na siguro ang may alam ng lahat.
Hindi din ganun kadali makahanap ng psych na mapagkakatiwalaan ng pasyente. Kailangan din daw kasing komportable kang magkuwento at magsabi ng nararamdaman.Si Doc Patrick ay mas matanda sa akin ng 8 years, pero parang kuya ang trato ko sa kanya. Madali kasi akong nagtiwala sa kanya, and I always feel like I'm not being judged.
Hindi naman ako laging pumupunta sa kanya. Paminsan minsan lang din naman kasi yung anxiety attacks ko. Pero sa tuwing matindi na, sinabihan niya ako na atleast pumunta ako twice a week after the incident para lang masiguradong okay lang ako.
"Okay naman, doc. It's just that I had an anxiety attack yesterday." sabi ko
Nagsulat naman agad siya sa notes niya.
"Did something trigger that?" tanung niya.
"I think so? Pero kasi, ang alam ko is that hindi naman malaking problema yung inisip ko. Alam ko na at first, kakayanin ko pa, pero siguro yung takot na din na magka anxiety attack sa harap ng mga bago kong kaibigan ang dumagdag pa." tuloy tuloy kong sabi.
Kinuwentuhan ko pa siya tungkol sa anxiety attack ko kahapon. Hindi niya ako tinigil o kaya sinabayang magsalita. Hinayaan niya lang akong maglabas ng pakiramdam at pati na rin yung mga takot ko.
He gave me a small chart showing me different emotions. Sabi daw niya na baka makatulong iyon to figure out what I feel. He gave me advice on different ways I could calm myself down. Binigyan din niya ako ng vitamins to take everyday and calming pills if ever daw mas malala pa sa nangyari kahapon ang mangyari.

BINABASA MO ANG
The Passenger Seat
Storie d'amoreDoes time define how strong a friendship is? Mula noong gumraduate si Mia sa high school ay lagi na lang niyang kasama si Michael sa buhay niya. Sa loob ng isang magulong bahay, si Michael ang kasama niya para makalayo sa mga problema niya. Pero, ha...