5

15 0 0
                                    

Hello everybody!

I know it's weird to hear from me through my updates, but I just want to let you know na open to comments and critiques ako. I want you guys to have a really good experience in reading my works, so I hope to hear from you guys!

I'll write a personal message to all of you every update, so hopefully I get to engage with you and interact with all my readers!

THANK YOU ULIT!

<3 maliah

_____________________________________________________________________________

Sobrang tahimik naming tatlo. Andito kami sa cafe na laging pinupuntahan nila Rica at Nick kasi ito daw yung pinaka tahimik na spot sa campus namin.

Katabi ko ngayon si Mike na grabe kung makatingin kay Nick, at si Nick naman ay nakaupo across from me, tutok na tutok sa phone, as usual. He even sips on his coffee na para bang walang kahit anong problema sa sitwasyon naming ngayon.

Tingin lang ako ng tingin sa kanila, hoping the situation would get better, pero mukhang mahihirapan yata dahil nakikita ko ang pagkairitable ni Mike habang nakatitig siya kay Nick.

"So...How has school been for the both of you?" medyo awkward kong panimula. Pareho naman nilang binaling yung atensyon nila sa akin at sabay na sumagot.

"Okay lang."

"It's fine."

Nagkatinginan lang sila ng isang saglit at agad na bumalik sa sari sarili nilang pinag gagagawa. Napasimangot naman ako. Tinignan ko lang ng sandali si Nick at halata namang hindi rin niya alam kung ano ba talaga yung ginagawa niya sa sitwasyon na ito.

"Why did you want to have lunch with him?" pabulong na sabi ni Mike sa tabi ko. "He's just making the whole thing awkward." pagrereklamo niya.

Medyo nainis naman ako sa sinabi ni Mike. Noong una kaming nagkakilala, awkward din naman ako, but that didn't stop him from befriending me.

"Can't you just give him a chance? He really may not be as social as you, pero hindi ibig sabihin noon ay siya na ang naninira ng mood." medyo naiinis na sagot ko sa kanya.

"What? So, ako pa ang naninira ng mood?" medyo malakas niyang sabi sa akin. Pareho na kami ni Nick at nakatingin sa kanya.

I stopped looking at him and just focused my eyes on my plate. "Wala akong sinabing ganyan." sagot ko, still not looking at him.

"What the actual fuck, Mia? Why are you being so weird today?" sabi niya.

Hindi ko pa rin siya tinignan, at ilang segundo akong nanahimik bago siya bumuntong hininga at nagsimula nang tumayo.

"Just call me if you need a ride home." sabi niya at medyo malakas pang tinulak paatras yung upuan niya. Binigyan din niya ng madiin na tingin si Nick bago siya umalis.

I buried my face into my hands and let out a grunt filled with my frustrations. Nag iiba na talaga yung ugali ni Mike lately. Yung dating wala kaming pinag aawayan, everything that comes out of his mouth is slowly becoming offensive to me.

"Am I wrong?" tanung ko na lang sa sarili ko.

Pagkatanggal ko ng mga kamay ko, nakita ko si Nick na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nahiya tuloy ako at nasama pa talaga siya sa kaguluhan namin ni Mike.

"Sorry, I didn't mean to drag you into this." sabi ko, at nahiya nang tignan siya.

"You guys sure do fight a lot." comment ni Nick. Napaisip naman ako sa sarili ko. Ano ba talaga ang totoong rason at mukhang iba na yung pagtrato namin ni Mike sa isa't isa? Bakit parang naiirita na ako sa mga sinasabi niya?

The Passenger SeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon