"Hoy lalaking puro hangin sa katawan pag hindi ka tumigil sa katitingin dito sa kasintahan ko dudukutin ko na nitong tinidor ang mata mo!"inis na sabi ni Tetsuwo kay Shin sabay kabig kay Haruka palapit sa kanya.
Paano ba naman e kinindatan ni Shin si Haruka.
Pwede ba Tetsuwo hindi mo ako kasintahan.!"protesta ni Haruka na napansin ko naman na namumula ang mukha kahit na naiinis.
"O nadinig mo ba ang sinabi niya?"nakangisi na sabi ni Shin.
Kanina pa silang ganyan.
Andito kami ngayon sa palasyo ng Shinobi.Inimbitahan nila kami dito pagkatapos namin silang matalo.Kung natatandaan nyo ay si Akashima ang huling mandirigma na aming nakalaban.Gumagamit siya ng apoy at err..muntik na niya kaming matusta kung hindi pa dumating si Ken.
Nakuha ko ang hiyas at nang sa akala namin ay babangon pa si Akashima ay muli siyang bumagsak..mabuti na lamang at nadaluhan siya kaagad ni Tetsuwo.
Pagdating namin dito sa palasyo ay nagpahanda sila ng madaming pagkain.Pinapanuod ko si Kai na uminom ng gatas..na-miss nyo ba siya??Nasa ibabaw siya ngayon ng lamesa at humihigop ng gatas na nakalagay sa mangkok.
"Pwede ba tumigil nga kayo kung ayaw nyong sunugin ko kayo dyan,tss."irita na sabi ni Akashima.
"O nadinig nyo naman ang sinabi ng ating emperador.."nakangisi na sabi ni Riyo kay Tetsuwo at Shin.
Sinamaan naman ito ng tingin ni Akashima.
Oo,emperador..si Akashima ang emperador nila at the same time ay mandirigma din ng kanilang emperyo.Imaginin nyo na lang kung paano lumuwa ang mga mata namin nung malaman namin na siya pala ang emperador.Napakabata pa niya para maging emperador.
"Yumi gusto mo ba na maiwan dito sa emperyo namin upang maging kabiyak ko?Kailangan ko na ng asawa na magdadala ng anak ko na siyang magiging sunod na emperador ng Shinobi"napakaseryoso ng pagkakasabi noon ni Akashima na tila ba normal lamang ang pinaguusapan.
Asawa?anak??
Seriously??
>///<
Napakabata ko pa para magka-anak..at siya asawa sa edad na labing lima??pakiramdam ko naalog ang utak ko..
"AYAW NIYA!!"bago pa ako nakasagot ay sabay-sabay na sabi nina Kira,Ken,Shin,at Shugen..habang si Miyata naman ay masama ang tingin.
"Kayo ba si Yumi??"inis na sabi ni Akashima.
"Hoy bubuwit na emperador kahit na may alaga ka na dragon hindi ako papayag na asawahin mo si Yumi."sabi ni Kira.
>///<
"Oo nga,hindi pa desperado si Yumi para pumatol sa isang bata."dagdag pa ni Shugen.
"Andito naman kami gwapo na makisig pa..mag-alis ka muna ng gatas sa labi."Shin.
"At baka nakakalimutan mo din na natalo namin kayo."mayabang na sabi ni Ken.
"Pch,ang sabihin mo nandaya ka.."sabi naman ni Kaito.
"Hahaha..ang mahalaga nanalo kami."nakalagay pa ang dalawang kamay ni Ken sa kanyang baywang habang tumatawa.
=___=
Ang gugulo nila.
"Ang iingay nyo.."irita naman na sabi ni Miyata.
Pagtingin ko naman kay Akashima nakayuko lang ito..natatabunan ng buhok ang mukha..nakakuyom ang kamao sa lamesa.Naloko na..nararamdaman ko sa aura nito ang nalalapit na pagsabog.
Dahan-dahan itong tumayo..kasunod ng pag-angat ng mukha na may nanlilisik na mga tingin.
"MANAHIMIK KAYO!!"hiyaw nito sabay bato ng apoy.
"Ah!napakapikon mo naman!"Shin.
"Para binibiro ka lang!!"Shugen.
Nagmistulang palaruan ang hapag kainan.Sa halip na bola ay bolang apoy ang kanilang iniilagan.Ang kukulit nila hindi tuloy namin napigilan na mapatawa.
Nang bigla na lang tumigil si Akashima at nagpakawala ng apoy sa ibang direksyon..sa balkonahe ng palasyo.
"May masamang aura!"napatayo naman na sabi ni Miyata.
"Naramdaman mo din pala yun.."sabi ni Akashima.
Nagtakbuhan sila sa balkonahe.
"Sa tingin ko ay may nag-eespiya sa atin.."itinaas ni Kiba ang isang itim na bandana na pinulot niya mula sa sahig.
"Kaito tipunin ang mga kawal madali baka hindi pa nakakalayo ang espiya."utos ni Akashima.
Hanggang sa dumating na ang oras ng aming pag-alis.Walang espiya na nahuli..mabilis itong nakatakas.
"Iparating mo ang pangungumusta ko sa iyong amang emperador.."Akashima.
"Makakarating.."Miyata.
"Ikinagagalak namin kayong makilala.."itinaas ni Akashima ang kanyang kamay kay Miyata na tinanggap naman nito."Inaasahan ko ang inyong pagbabalik.."nakangiti na sabi ni Akashima.
"Ganoon din sa inyo..bukas ang aming emperyo sa inyong pagdalaw.."Miyata.
"Paalam hanggang sa muling pagkikita mga salamangkero.."Akashima.
Pagkatapos namin mag-paalam sa isa't-isa ay umalis na kami.
Ngayon ay nasa harap kami ng isang malaking barko na may nakaukit na malaking bungo na may ekis sa harapan.
Napayuko ako sa sarili ko..Hinawakan ko ang pulang hiyas na nakakwintas sa leeg ko..
Nagtagumpay kami sa pagkuha ng hiyas ng Shinobi at ngayon ay maglalayag na kami papunta sa kanluran patungo sa Emperyo ng Subeta..
Katulad kaya ng Shinobi ay magtagumpay din kami sa Subeta?
PALASYO NG JUMON
"Ano na ang balita sa mga salamangkero?nagawa mo ba ang pinagagawa ko sa'yo?"nakangising tanong ng pinakamasamang mangkukulam sa Jumon.
"Nakuha na po nila ang hiyas ng Shinobi at ngayon ay maglalakbay na po sila patungo sa Emperyo ng Subeta..opo nagawa ko na ang kaso lang po ay sa isa lamang po hindi sa tatlo na sinabi nyo.."magalang na sabi ng kawal dito.
Naningkit ang mata ni Tata ngunit agad ding ngumisi.
"Hindi na bale..Sige lang paghirapan nila ang pagkuha sa mga hiyas..at pagkatapos nilang makuha ang sa Subeta ay madali na naming maaagaw sa kanila,hahaha!"tila nababaliw na sabi nito."Ano pa ang ginagawa mo dyan?makakaalis ka na!!"
Dali-dali namang umalis ang nahihintakutang alagad.
"Kanina pa kita hinihintay.."bumaling ito sa madilim na bahagi ng silid.
Lumabas mula sa dilim ang isang mangkukulam na nakapulos itim.Mayroon itong magkahalong itim at pulang mga mata.
"Alam mo na ang dapat mong gawin..siguraduhin mo na sa iyong pagbabalik ay dala mo na ang dalawang bagay na magpapakawala sa malanding salamangkero na yun! Hindi nila dapat yun makuha..kailangang mapasakamay natin yun sa lalong madaling panahon!"
"Hindi kita bibiguin.."nakangising sabi ng nilalang na may nakakatakot na mga mata at sa isang iglap ay nawala na ito sa kanyang harapan..
"Nalalapit na ang inyong katapusan..hahaha..!"
BINABASA MO ANG
Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]
AbenteuerNakarating ka na ba sa isang lugar na libre ang lahat? Subaybayan ang magulo at mahiwagang buhay pag-ibig ng isang dalaga na napadpad sa isang lugar na tinatawag na Muryou Empire o mas kilala sa tawag na Emperyo ng Libre.. Lahat ng bagay dito ay ma...