Chapter 43-Parusa

1.5K 44 1
                                    

Nandito kami ngayon sa sanayan ng kabayo ni Miyata.

Isang linggo na simula nung makabalik kami mula sa paglalakbay..ibig sabihin nalalapit na ang oras ng pag-alis ko sa mundong ito..

..kasama si Miyata..

Sinulit ko ang bawat araw na kasama ko ang mga mandirigma ng emperyo..napalapit na sila sa akin kaya naman mamimiss ko sila.Sinulit ko din ang bawat araw na kasama ko si Miyata kahit na kasama ko naman siya sa pag-uwi.

"WAAA...ang galing marunong na ko mangabayo!waaa..."tumatalon talon at tuwang tuwa kong sabi kay Miyata.

Kasunod noon ay hindi ko napigilan na tumingkayad at ikawit ang kamay ko sa batok niya upang gawaran siya ng halik.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

Bigla kong nailayo ang aking mukha habang nakakawit pa din ang aking kamay sa kanyang batok nung ma-realize ko ang aking ginawa..

Naman..lagi na lang akong nadadala sa tuwa..

Ang pagkagulat ay napalitan ng ngisi.Bigla na lamang niyang hinapit ang aking bewang palapit sa kanya at siya naman ang humalik sa akin..kyaaa..>///< 

Pagkatapos ng makalaglag undies na eksenang yun ay nagpasya kami na umikot sa bayan para sanayin kung marunong na akong talaga na magpatakbo ng kabayo.Tig-isa kaming kabayo..kahit gusto ko sana na nakaangkas ako sa kanya..>///<

Lahat ng mga tao sa bayan ay nakatingin sa amin..puno ng paghanga ang kanilang mga mata..lalo na ang mga babae..hindi itinatago ang paghanga kay Miyata..wala din palang kaibahan ang mga babae dito sa aming mundo..malalandi,tss..dukutin ko eyeballs nila at tusukin ng stick e..>__<

Pero pumalakpak din naman ang tenga ko nung madinig ko na may nagsabi na 'bagay ang mortal at si Pinuno'

Nagpatuloy lang kami sa pag-iikot hanggang sa bumalik na kami sa palasyo.

Itinali naman ang aming kabayo sa poste ng palasyo at naupo kami sa malaking puno na namumunga ng bulaklak na kulay lilac.

Inilahad ko ang aking kamay para saluhin ang bulaklak na lumalaglag mula sa puno..

"Ito na ang paborito kong bulaklak ngayon.."sambit ko.

"Maganda ang bulaklak na iyan..madami ding taga-silbi ng palasyo ang gusto iyan.."

"Hindi dahil sa maganda lang ito kaya gusto ko.."

"Eh kung ganoon bakit mo yan gusto?"

"Gusto ko ito..kasi makita ko pa lang ito ay parang nakikita ko na ang mata mo.."nakangiti at masuyo ko na sabi sa kanya.

Akala niya ha..akala niya siya lang ang marunong bumanat ha..^__^

"Ako din sa tingin ko gusto ko na din ito ngayon.."

Eh..siya din babanat?

"Wag mong sabihin na dahil maganda na tulad ko,hahaha.."di ko napigilan na matawa sa kalokohan ko.Napatawa din siya.

"Hindi.."

"Eh ano?"

"Dahil kasing bango mo.."then he wink at me.

Waaaaa...i felt red from the roots of my feet.

Mabango daw ako..

Mabango daw ako..

>///<

"Pinunong Miyata ipinapatawag po kayo ng inyong ama..."

Napalingon kami sa kawal na nagsalita.

"Ganoon ba..pupunta muna ako sa aking ama..dito ka muna babalik ako.."pagpapaalam niya sa akin.

Nakangiti naman ako na tumango.

"Yumi.."ilang minuto na akong naghihintay sa kanya ng madinig ko na may tumawag ng pangalan ko.

Si Rima.

Ano na naman kaya ang gusto niya?

"Anong kailangan mo?"tanong ko.

"Ang kailangan ko?"nakataas ang kilay niya na tanong sa akin."Lumayo ka kay Miyata yun ang gusto ko."

"Wala kang karapatan na utusan ako ng ganyan."malumanay kong sabi..ayokong magalit sa kanya kahit na ganito niya ako tratuhin.

"Hindi kayo pwede ni Miyata! Hindi kayo pwede naiintindihan mo ba yun?! Kaya bakit hindi ka na lang umalis dito mag-isa at umuwi sa inyo!"alam kasi nila ang plano ni Miyata na sumama sa akin sa aming mundo.

Bakas ang galit sa kanyang mga mata pero nakakakita din ako ng takot? Para saan ang takot? O nagkamali lang ako sa aking nakita?

Pero hindi maari ang bagay na gusto niya..

Mahal ko si Miyata at mahal niya din ako..

"Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya."determinado kong sabi.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo.."umiiling-iling na sabi niya.

Naguguluhan ako sa hitsura niya..nawawala ang galit at napapalitan ng pag-aalala?

"Kung ganoon ipaintindi mo sa akin para malaman ko.."

"Ikaw ang sisira sa buhay ni Miyata..si Liu.."

Bakit napasali si Liu sa usapan namin? At paano ko naman masisira ang buhay ni Miyata? Bakit ayaw na lang niyang sabihin ng diretso sa akin??

"..kausapin mo si Liu..alamin mo sa kanya ang nangyari sa kanyang ama at ina nung umibig sila sa isa't-isa.."matiim akong tinitigan ni Rima bago niya ako tinalikudan.

Hindi ko alam..pero bigla ay parang tinambol ang dibdib ko sa kaba..

Alamin ko daw kay Liu ang nangyari sa kanyang ama ng umibig sa isang salamngkera..

Bakit parang ayokong malaman ang lahat..

Pero kailangan kong alamin..

Hindi ako pwedeng matakot...

Kailangan kong harapin lahat alang-alang sa pag-iibigan namin ni Miyata.

 Nakita ko na lang ang sarili ko na tinatahak ang pasilyo patungo sa silid ni Liu..

Bahagya akong nag-aatubili habang nakatayo sa harap ng pintuan ng kanyang silid..Iniaangat ko ang aking kamay para katukin ang pintuan pero ibababa ko din naman..

Huminga ako ng malalim at nagpasyang tuluyan ng kumatok..

"Pasok bukas yan.."ilang katok ay nadinig ko na sabi ni Liu.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng kanyang silid.Nakita ko na nagulat siya..hindi siguro niya inaasahan na ako ang nasa likod ng pintuan ng kanyang silid..palibhasa si Yona lagi ang inaasahan niya gusto ko sana siyang biruin kaso mukhang kagigising lang niya mahirap na baka gawin pa niya akong yelo.

Ngumiti ako sa kanya..bahagya naman siyang ngumiti sa akin.

"Naabala ba kita?"

"Hindi naman..ano ba ang kailangan mo?"

"Kasi..ano..may gusto lang akong malaman.."

"Sige na sabihin mo na..sasagutin ko ang nalalaman ko.."

"Eh..a-no ba ang nangyari sa magulang mo nung umibig sila sa hindi nila kalahi?"nag-aalangan ko na tanong.

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha.Pakiramdam ko ay parang lumamig sa buong silid.

"Err..ok lang ba?"pilit kong pinasigla ang boses ko kahit naiilang ako.

Tumango naman siya.

"Nung umibig ang aking ama na isang samurai sa aking ina na isang salamangkero.."

Halos mapigil ko ang aking paghinga sa paghihintay ng karugtong ng sasabihin niya..

"Naparusahan sila..naparusahan sila na mawalan ng kapangyarihan.."

Para iyong isang bomba na sumabog sa aking pandinig..

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon